KYLIE PADILLA ENRIQUEZ
......................................................................................
Ako si Kylie Enriquez. Nawala na sa buhay namin si Daddy. Namatay siya dahil sa isang car accident. Sa mismong birth date ko pa ang mismong death anniversary niya. ANSAKLAP naman oh!
Lumaki ako sa isang marangyang pamilya. Mga kilala na school ang mga napasukan ko. Pero kahit sa magandang pamilya ako lumaki, magulo akong nabuhay dito. Parang sobrang laki ng galit sa akin ng Mommy ko at ng Lola ko. Buti pa ang tita ko, andyan siya para sa akin. Mahirap bang ibigay sa akin ang pag-ibig?
Doon din sa bahay namin lagi na lang nag-aaway sina Mommy at Lola. Siguro nga dahil wala na din ang Daddy ko kaya laging ganoon.
"Kung hindi kayo nagkarelasyon ng anak ko sana buhay pa siya ngayon at may magandang buhay. Dapat natuhan na siya dati pa." sabi ni Lola kay Mommy.
"Sa tingin niyo ginusto ko ang mga pangyayari? Bakit ba hindi niyo ako matanggap? Dahil ba mahirap lang ako? Kung alam ko lang na ganito ang mga mangyayari, sana nga tinapos ko na noon pa." sagot ni Mommy.
Habang napapakinig ko ang sagutan nila, umiiyak na lang ako sa sulok. Minsan lang naman kasi umuwi si tita sa bahay dahil sa trabaho niya.
Minsan nakikita kong may kasama si Mommy na lalake. Wala na ngang pakielam sa akin Mommy. Masakit kasi bilang anak niya, hindi ko naramdaman pagmamahal niya sa akin. Walang nagmamahal sa akin ng totoo ://
Hindi rin nagtagal umalis na si Mommy sa bahay at sumama sa ibang lalake. Iniwan niya ako kay Lola. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Hindi ko rin narinig galing sa kanya na mahal niya ako.
Ang init-init ng ulo sa akin ng Lola ko.
At 13 years old ako nung pumanaw na si Lola. Namatay siya ng hindi ko lang naramdaman ang pagiging Lola niya sa akin.
Minsan naitatanong ko na lang sa sarili ko kung bakit ganito ang buhay ko. -_-
Sa akin napapunta ang mga iniwan ni Lola. Nabuhay akong mag-isa kasi nag-asawa na Tita ko.
.
.
Kahit nung bata pa ako nangyari ang lahat, sariwang-sariwa pa rin sa isip ko lahat ng nangyari. Lumaki ako nang walang nararanasan na pag-ibig.
Pero iniisip ko na lang lagi na everything happen for a reason. Kasi walang mangyayari sa buhay ko kung hindi ako lalaban sa tadhana. Makahanap pa kaya ako ng
PAG-IBIG?
=================================================================
SORRY PO KUNG MAIKLI LANG ANG AKING CHAPTER 2. HAHABAAN KO NA LANG NAG IBANG CHAPTERS AT BABAWI TALAGA AKO. SOBRANG BUSY PO KASI AKO KAYA GANITO KINALABASAN NG STORY KO.
BINABASA MO ANG
All We Need is Love, Real Love
Teen FictionSa mismong pamilya ko, hindi naramdaman kung ano ba talaga ang tunay na pag-ibig. Ginawa ko naman lahat ng paraan para magkaroon ako ng mga kaibigan ngunit nabigo ako. Hindi sila tunay na kaibigan. Mga fake. Magkaroon pa kaya kahit isang taong hindi...