PROLOGUE:
Wala talagang perpektong buhay, hindi pa laging masaya. Hindi rin pwedeng palaging kung ano ang gusto mo yun na ang mangyayari. Lagi daw kasunod ng kasiyahan ay ang kalungkutan.
Kasiyahan hindi yan hinihiling. Hindi yan iniintay. Tayo ang may kakayahang gumawa ng sarili nating kaligayahan. Desisyon nating maging masaya o hindi di ba?
Sabi din nila tayo daw ang nagmamaneho ng ating buhay. Tayo ang bahala kung ano ang dapat nating gawin. Minsan may mga tao tayong nasasaktan. Minsan naman tayo ang nasasaktan ng dahil sa kanila. Pero ano ba ang dapat nating gawin? Ang iwan natin ang isang tao kahit masakit, dahil mas lalo pang sasakit kung mananatili tayo sa kanya o ang maging masaya tayo kahit alam nating masasaktan ang isang tao sa huli.