Chapter 22

3.3K 23 1
                                    

Sorry guys kung ngayon lang po ako magu-update TOTV.....

Busy lang po ako sa RP kasi nagro-roleplay ako haha!

okay ito na po~~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

FINN's POV

Last two days ko na dito sa 'Pinas at aalis na ako, mahirap sakin 'to dahil nagsinungaling ako kay Mish. Hindi ako mawawala ng two months kundi hindi na ako babalik dito sa Pinas dahil sa arranged marriage na ginawa ni lolo. Hindi ako pwedeng tumanggi dun dahil alam kong magagalit si lolo at malaki ang utang na loob ko sa kanya. 

Kaya andito ako sa harap ng bahay ni Shan dahil alam kong sya nalang ang pwedeng mag-alaga kay Mish. Huminga ako ng malalim at kumatok sa pinto niya.

Nagbukas ang pinto at ang bumungad sakin ay si Shan. Nanlaki ang mga mata nya ng makita ako "Anong ginagawa mo dito?" 

"Tol pwede ba tayong mag-usap?" 

"Hindi!" isasara na sana nya yung pinto pero iniharang ko ang paa ko bago ito sumara. "Ano ba!! Umalis kana nga!!" sigaw nya sakin.

"Shan tungkol 'to kay Mish!" biglang bumukas ang pinto at nakita ko yung pag-aalala sa mga mata nya.

"A-Anong tungkol kay Mish?" 

"Pwede ba muna ako pumasok?" tumango sya at pinapasok ako sa loob ng bahay nya. 

Umupo ako sa couch at si Shan naman sa harap ko. "Look Shan, hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa." huminga ako ng malalim. "Aalis na ako at maiiwan ko si Mish na mag-isa and I need you to be there by her side dahil hindi na ako makakabalik pa sa kanya--"

"ANO?! AALIS KA?! PAGKATAP--" 

"PATAPUSIN MO MUNA AKO PWEDE?! AALIS NA AKO DAHIL PUPUNTA NA AKO SA JAPAN AT NAKA-ARRANGED MARRIAGE AKO! KAYA AKO NANDITO KASI GUSTO KO NA BANTAYAN AT ALAGAAN MO SI MISH LALO NA NGAYONG BUNTIS SYA--"

"Buntis si Mish?" kumunot yung noo ko. 

"Hindi mo alam?" 

"H-Hindi, sabi nya sakin hindi sya buntis--Teka sino ang ama?"

"IKAW!!! Hindi pa ba nya nasasabi sayo?" umiling sya. Hindi pa nasasabi ni Mi--

Flashback

"Finn? Shan?" napatingin kaming dalawa nung lalaki kay Mish.

"M-Mish?" sabay naming sabi.

"Anong nangyayari dito? Bakit kayo nagsisigawan at bakit ka nandito Shan?" pumasok agad si Shan at hinawakan yung kamay ni Mish. Nakaramdam ako ng kirot ng makita kong hinawakan nung Shan na yun yung kamay ni Mish.

"Mish totoo bang buntis ka?" nakangiti nitong tanong. Napatingin sakin si Mish.  Umiling lang ako at tumingin sa malayo.

"Sino ang may sabi?" nakatingin parin ako sa malayo dahil ito yung moment nila eh.

"Pero totoo ba? Totoo bang buntis ka?" tumingin muli ako sa kanilang dalawa "Please Mish sabihin mo sakin yung totoo? Is that true?" umiling lang si Mish at kinagat yung lower lip nya.

"Hindi, whoever told you wala syang proof. Hindi ako buntis at lalong hindi sayo!" nagulat ako sa pagsigaw ni Mish "At kung totoo yung hinding-hindi ko sayo sasabihin" parang na-drain yung kulay ni Shan at naging estatwa sya sa kinatatayuan nya.

Bed Lovers: Pleasure (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon