Story 8 part ²

255 5 0
                                    

sukob na kasal - 2

nilapitan ni Edgardo ang anak na si JM at niyakap ito...

Papa!... si Mama wala na siya!..
wala na siya...
Papa sino pa ang susunod,sino pa ang mawawala!
ang sukob totoo ang sukob Pa!,
kailangan kong makausap si Aling Selya kailangan matigil nato...ng wala ng inosenteng buhay ang mawawala...
wika ni JM sa ama...

sorry Anak kasalanan ko lahat ng to!...
si Edgardo...

ngunit hindi na siya sinagot ni JM at nagtungo na ito sa sasakyan at pinaandar ito,hininto ni JM sa tapat ng ama ang sasakyan..

Pa! stay at the house...
it need to stop,i'll stop this curse...
si JM

sa sasakyan habang nagdadrive si JM ay tinawagan niya si Shiela ang asawa niya na kahapon pa nandoon sa bahay ng biyenan niya ...

Hello Hon...
stay ka lang muna jan ok!..
i have something to do...
hindi muna kita masusundo ok..
ng bigla nalang niyang nabangga ang duguan na lalaking palagi niyang nakikita...
agad na napreno ni JM ang sasakyan...
narinig ni Shiela ang tunog ng biglaang pagpreno ni JM sa kabilang linya...
at ang pagsigaw ng mura ng asawa...

nagtatanong ito kung ano ang nangyari at kung ok lang ba si JM...

hon im ok don't worry...
stay there ok...
ok ibaba ko na to pupuntahan kita jan tomorrow...
Ok Bye!..
si JM..

nakarating na si JM sa bahay ni Aling Selya...
at nakausap niya ito...

kailangan mo na puntahan ang kapatid mo,at magkasama harapin ang sumpa ng sukob bago mahuli ang lahat...
wika ni Selya...

pero Paano namin mapipigilan ang sumpa ng sukob?
si JM..

pag-aalay oo tama pag-aalay...
buhay ang kailangan niya kaya buhay ang kukunin niya...
si Selya..

ilang buhay pa? madami na siyang kinuhang buhay ano pa ang kailangan niya?
si JM

hindi ko alam!...
hindi ko alam!!!
Patawad!!?
si Selya na umiiyak...

Aling Selya paano?
anong gagawin ko para pigilan ito?
si JM

umalis ng dismayado si JM...
hindi niya alam ang gagawin para pigilan ang lahat ng nanyayari...
basta ang kailangan niyang gawin ay puntahan ang kapatid...

pagkadating niya sa bahay ay nadatnan niya ang ama na umiinom ng alak...

tinanong niya ito tungkol sa ibang pamilya nito at ang mga detalye kung paano niya makikita ang mga ito...

At nagwika ito na sasamahan niya ang anak...

bago sila nagtungo sa lugar kung nasaan ang kapatid ay dumaan muna sila kay Shiela...
akala ni Shiela ay susunduin siya..
at ng nagpaalam si JM ay nagpumilit ito na sumama rito...
na pinagbigyan na lamang ni JM..

sa wakas ay dumating na sila sa bayan kung nasaan ang kapatid...

bumaba ng sasakyan si Edgardo para bumili ng makakain ng makita ni JM ang lalaking duguan na palaging nagpapakita sa kanya na malapit na sa kinatatayuan ng ama...

sumigaw si JM...

huwag...!!!!!?

lumingon si Edgardo kay JM
at bigla na lang may lalaking nag-amok ang lumapit sa ama...
agad ay tinaga nito ang ama...at tinamaan sa leeg...
nabaril ang nag-amok na lalaki ng mga pulis ngunit bago pa man ito na baril ay may isa pa itong nasaktan na isang binata...

agad na nilapitan nila JM ang ama at dinala ito ng ambulansiya sa hospital...
kasabay rin nila ang binata na biktima din ng nag-amok...
sa hospital ay sabay na dinala sa ER ang dalawa at nakita ni JM ang pamilya ng binata...
isang lalaki at isang ginang at isa pang babae na asawa ng lalaki...

napansin niya na napatitig ang ginang sa ama niya ng tinutulak ito papasok sa ER...

lumapit ito sa kanya at nagtanong
kung kaano-ano niya si Edgardo...

Kilala niyo si Papa?
tumango ang ginang...

kayo po si Thelma at ang kasama niyo po ay si Ronel tama ba ako..?
si JM

napaluha si Thelma na nakatingin kay JM...
sinabi nito na anak niya ang binata na nasa ER at bunsong kapatid ni Ronel...
at madami na din ang buhay ang nawala...

biglang lumabas ang doktor at tila nababalisa...

kayo ba ang pamilya ng mga biktima?..
kinalulungkot ko ngunit sa isang iglap ay nawala ang mga katawan ng pasyente...
hindi namin sila makita..patawad...
ang doktor...

anong nawala?
paanong nawala diba ginagamot niyo lang sila?
nasaan ang anak ko?
si Thelma na umiiyak at agad na niyakap ni Ronel...

pinapaimbistigahan ng pamunuan ng hospital ang pangyayari..

sumama kina Thelma sina JM at Shiela...

lingid sa kaalaman ni JM na ang best man niya na si Arthur ay kinuha narin ng sumpa ng sukob...

sa bahay nina Thelma ay nag-usap sila...

ng bigla na lang umihip ang malamig na hangin na may kasamang usok...

natatakot ang bawat isa sa kanila...
at bigla na lang na nagpatay sindi ang mga ilaw...

at narinig na lang nila na sumigaw si Thelma..

kanina ay kasama lang nila ito ngunit nanggagaling sa labas ang sigaw nito...

agad silang tumakbo palabas at nakita nila si Thelma na hawak-hawak ng isang nakaitim na may hawak na garet sa isang kamay nito at ang kabila naman ay nakasakal sa leeg ni Thelma...

at tumatawa ito ng nakakatakot na tawa...

Inay!!!!
sigaw ni Ronel...

tinakbo ni Ronel ang ina para tulungan ngunit bigla na lang naglaho ang mga ito...

labis ang hinagpis ni Ronel at pinagsusuntok niya ang lupa...
pinigilan siya ng asawa niya...

lumapit siya kay JM at sinuntok ito...

Kasalanan mo lahat ng ito!
kung hindi dahil sayo walang sukob ang mangyayari...
ilang buhay pa hah?
sinong pang susunod?
napaluha si Ronel habang nakahawak ito sa kwelyo ng kapatid...
niyakap siya ni JM na lalong nag patindi ng sakit na nadarama nito...

Im sorry!.. hindi ko ginusto na mangyari ito...
pero pangako tatapusin ko to,kahit kapalit pa ang buhay ko!...
si JM...

PAMAHIINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon