Ang Manika [ One Shot ]

114 5 0
                                    

Nay, ano'ng ulam? walang ganang tanong ng batang si Epleng sa kanyang nanay na naglalaba.

Nak, wala eh. Tanungin mo na lang ang kuya mo kung nangalakal siya kanina. Kase kung hinde, wala tayong hapunan ngayon gabi. sabi ni Yna sa kanyang pitong taong gulang na anak.

Isa ang pamilya nina Yna sa mga pamilyang nagtitiis na manirahan sa mga kariton, natutulog sa kung saan sila maaabutan ng dilim. Wala silang pakialam kahit pa sa tabi sila ng basurahan matulog, ang importante sa kanila ay mayroon na silang bahay na matutuluyan.

Apat lamang sila sa kanilang pamilya, si Yna, Epleng, Roman at ang kanilang alagang aso na si Bantay. Matagal nang yumao ang kanilang ama dahil sa sakit nitong tuberculosis. At isa lamang ang pangangalakal sa mga paraan nila upang kumita.

Si Epleng, ang pitong taong gulang na anak ni Yna, maaga pa lamang ay gumigising na upang mamalimos sa mga sasakyang dumaraan.

Si Roman naman, ang labing apat na taong gulang na anak ni Yna at kapatid ni Epleng ang nagkakalkal ng mga basurahan at naghahanap ng mga gamit na pwedeng maibenta sa junkshop.

Si Yna naman, ang ilaw ng tahanan, ay naglalabandera upang magkaroon ng pangtustos para sa kinabukasan.

Madalas na isang beses lamang sila kung kumakain sa isang araw. Minsan pa nga'y hindi na sila nakakakain dahil sa wala silang pambili ng pagkain.

Ma, wala daw po siyang nakalakal kanina eh. Kinuha na daw kase ng mga basurero yung mga basura kaya di na niya nahalungkat. malungkot na sabi ni Epleng sa nanay na hingal pa rin dahil sa pagtakbo.

Sige nak. Babale muna ako kay Aling Maria, ia-adbans ko na lang yung sweldo ko para sa susunod na linggo. wika ni Yna upang hindi malungkot ang kanyang bunsong anak.

______________________________________________________________

Maliit lamang ang kanilang kariton. Kasya lamang ang tatlong taong nakahiga sa loob. Kinagabihan, nagtataka si Epleng dahil hatinggabi na ngunit hindi pa rin tumitigil sa pagtahol ang kanilang alagang aso na nasa labas ng kariton. Natakot na rin siya dahil baka may gustong magnakaw sa kanila.

Uhhhmmm. Bantay, ano ba, matulog ka na, pwede? walang ganang sabi ni Epleng na tila antok na antok na. Pero hindi sumunod sa kanyang utos ang aso. Sa halip ay mas nilakasan pa nito ang kanyang tahol.

Dahil sa hindi siya makatulog ay napagdesisyunan niyang lumabas sa loob ng kariton. Laking gulat niya nang makita ang isang maganda at mukhang bago na manika.

Sa tanan ng buhay niya ay ngayon pa lamang siya nakakita ng ganun kagandang manika. Mahaba at kulay itim ang buhok nito, maputi ang balat ang maganda ang mukha. Sa sobrang tuwa ay hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili at mabilis na dinampot ang manika mula sa sahig at madaling ipinasok ang laruan sa loob ng kariton.

Nakahiga na siya nang biglang nagising ang kanyang kuya na si Roman. Una kaagad nitong napansin ang manikang hawak-hawak ng kapatid.

S-san galing yang manikang yan? nagtatakang tanong ni Roman habang kinukuskos ang kanyang mga mata.

Napulot ko po sa labas, kuya. masayang sagot ni Epleng na hinahaplus-haplusan ang makintab nitong buhok.

Nakakatakot naman yang manikang yan! Ang pangit pangit! galit na wika ni Roman. Pero habang nagkukuskos ng mga mata ay nakita niyang gumalaw ang mga daliri ng manika. Napaatras siya sa sobrang gulat. Kahit na kasing liit lamang ito ng laruang "Barbie" ay pansinin ang mga maputing kamay nito.

B-ba't gumagalaw yan?!? pautal-utal na tanong ni Roman. Pero hindi siya nito sinagot at sa halip ay naglabas na lamang ng isang napakalaking ngiti.

Matulog na kayo! Hatinggabi na! naiiritang sabi ng nanay nilang si Yna.

Hindi naman umangal ang dalawang magkapatid at agad na nagsipikit. Si Epleng ay mahimbing na natulog kayakap ang kanyang bagong laruan, samantalang si Roman naman ay nagtutulug-tulugan lang at naghintay ng tamang tyempo para kunin at itapon ang manika.

Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay nakatulog na rin ang kapatid niya si Epleng. Dahan-dahan niya itong tinanggal sa mga bisig ng kanyang nakakaawang kapatid.

Mahal kita. Gusto kitang ilayo sa pangit na manikang 'to. bulong ni Roman sa kanyang sarili nang makalabas sa kariton. Diretso ang tingin niya sa manika at tila nanggigigil siya rito.

Ang pangit mo... muling bulong ni Roman sa kanyang sarili bago itapon ang manika sa isang malayong basurahan. Ngunit kakatalikod pa lamang niya ay naganap na naman ang hindi ordinaryong pangyayari.

Panget pala ah, eto'ng sayo! Waaahhh! sabi ng isang maliit na boses na mula sa likod ni Roman. Napahinto naman si Roman sa paglalakad dahil himala naman kung mayroong taong gising pa sa ganoong oras. Napatakbo na lamang siya dahil sa takot na baka sundan siya nito. Pero di pa siya nakalalayo ay namataan niya ang mabilis na paglalakad ng manika. Iba ang hitsura ng mukha nito na parang nagagalit.

Sa sobrang takot ay hindi na siya nakagalaw dahil sa nakita. Maya-maya pa'y inikutan na siya ng manika. Nakapikit na lamang siya at nagsimulang magdasal.

Sinong panget, ha? SINOOOO!!! sabi ng isang boses batang mula sa bibig ng manika.

Takbooo! sigaw ng manika kay Roman. Buti na lamang at sanay siya sa mga takbuhan kaya mabilis siyang nakalayo sa manika at ligtas na nakarating sa kariton. Pero isang bagay ang nagpataas lalo ng kanyang balahibo.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Kayakap pa rin ng kanyang kapatid ang manika, pero ngayon, may malaking mga sugat sa leeg si Epleng at nakangiting siya habang niyayakap ang manika.

Ang Manika (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon