Minsan sa buhay natin may mga taong dumarating para ikay mahalin, o kaya'y saktan.
Darating tayo sa puntong tayo ay masasaktan, mahihirapan, babangon at magpapatuloy.
Ibinigay mo na ang lahat, di ka man lang suklian.
Sigh. Hirap pala talagang magmahal. Hindi ka sigurado kung yung pag-ibig na binigay mo sa taong pinakamamahal mo eh, maibibigay din sayo.
Loyalty, the word needed in a relationship. And never came in all of my past relationship.
Kaya ayoko ko ng munang pumasok sa isang relasyon na takot. Takot na baka saktan ulit ako. Takot na baka iwan na lang ako.
Kaya ako no Boyfriend Since Break . Sa totoo lang nag hahanap ako ng taong seseryoso sa akin. Sinumpa ata ako at lahat ng past bf ko walang semeryoso.
Ako nga pala si Alexa, may roon na akong 7 ex-bf. Tindi no, nasakatan na nung una, at pangalawa, aba nag pito pa.
And this is my story