Liar 6: Wedding

63.7K 2K 412
                                    

Lian Analiz' POV

Araw na ng kasal ngayon nina Nate at Cassidee.

Kahit alam naming wala na kaming importansya kay Nate, umattend kami. Una, invited kami wala namang masama. Pangalawa, kahit sa huling pagkakataon gusto naming makita naming masaya iyong itinuring naming kaibigan, kahit ayaw na niya sa amin ngayon, huli na kasi hindi na namin siya guguluhin kahit kailan. Pangatlo, ayaw na namin ng gulo sa pag-itan namin at ni Nate, sana kahit naman dito sa simpleng pag-attend sa wedding maipakita namin na hindi gulo ang gusto namin, kundi mapayapang pagdalo lamang at ipapakita din namin na dito na talaga magwawakas ang ugnayan namin sa kaniya.

Andito na kami sa place kung saan gaganapin ang wedding, hindi ito simbahan, dahil baka masunog lamang si Cassidee, kidding aside. Nasa isang parang malaking garden kami, dahil garden wedding ang napili nilang tema.

Kakaunti pa lamang ang tao dito, dahil napaaga kaming barkada. Saka ayaw naman namin na dadating kami dito madami ng tao.

"So this is the last time, pagkatapos nito. Tapos na talaga ang ugnayan natin kay Nate." Bakas sa boses ni Annicka at panghihinayang at lungkot. "Kahit naiinis pa din ako sa mga pinag-sasabi at binitawan niyang salita, hindi ko pa din mapigilan na malungkot. After all those years nagkakasama tayo, itinapon na lang niya sa wala." Mapait na dugtong pa niya. Kitang kita ko sa mata niya ang disappointment, minsan nga natutulala na lamang siya, dahil hindi niya pa din lubos maisip na wala na talaga.

"Ganun talaga iyon, Annicka. May mga bagay na magbabago, magtatapos, at masisira pero sa buhay natin kailangan natin iyong tanggapin at saka tayo magpatuloy." Malumanay na sabi ko sa kaniya, kahit sa ganitong paraan gusto ko namang icomfort siya, dahil siya at ang doofuses ang pinakanahihirapan ngayon.

Nalulungkot na lamang siya bigla, kaya't ganoon din ang nagiging epekto noon sa amin. Mabigat sa pakiramdam na minsan hindi mo mamalayan na tumutulo na pala ang luha sa mga mata namin.

Napatango na lamang ang mga boys bilang pagsang-ayon, may mga benda pa nga ang kamay nila dahil sa nangyari noong pakikipag-usap namin kay Nate. Bakas din sa muka nila na pilit lamang nilang pinapasaya ang sarili nila, kahit sa loob loob nila gusto na nilang sumabog dahil sa mga nangyayari.

Napabuntong hininga na lamang kaming lahat at hindi akalain na aabot kami sa puntong ito. Sa punto kung saan pati pagkakaibigan namin wasak na. Sana lang kaming natitira sa barkada ngayon, hindi na magka-alitan pa.

"Ah? Zeus!" Sabay sabay kaming napalingon noong biglang tawagin ni Annicka ang isang tao. Saka namin nakita si Skyler na tumatakbo papunta sa gawi namin.

"Anong oaras daw magsisimula iyong wedding?" Narinig agad namin ang malalim na boses niya noong makalapit siya sa table kung saan kami naka-upo.

"Ewan pards, baka maya mayang two in the afternoon." Paliwanag ni Tim-Tim habang nakaakbay sa akin. Napatango na lamang ng marahan si Skyler dahil doon, at saka umupo sa bakanteng upuan sa katabi ni Annicka.

"Buti wala kang sched ng trabaho ngayon." Nakangiting sabi ni Alyx kay Skyler. "I cancelled it." Maikling tungon nito. Buti kumpleto kami ngayon.

Alam ni Skyler iyong nangyari sa pagitan namin at ni Nate, gusto nga sanang sugudin noon ni Skyler si Nate dahil sa nangyari pero pinigilan namin siya. At ipinaliwanag ang gusto naming mangyari, kaya't kahit medyo labag sa loob niya na umattend ng kasal na ito ay napilitan siya.

"Umupo muna tayo dito sa isang table." Pag-aaya naman ni Thon, kaya umupo muna kami doon, dahil puro mga waiter at mga nag-aayos pa lamang ng wedding ang nandito, wala pa iyong mga main na bisita.

"Napa-aga yata tayo." Biro ni Thon. "Nakakainip tuloy. Halika girlfriend, habang wala pa sila tayo na lang magpakasal." Nanlolokong dugtong pa nito kaya't napalo siya ni Alyx sa braso.

Liars CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon