Chapter 13

6 0 0
                                    

Clyde POV

Simula ng makilala ko si Venice naging korni na ako. Tsk! Buhay pag-ibig nga naman noh. Hahaha! Pero shit! Kahit anong banat ko...wala talagang epekto sa kanya. Ano ba yan... Nagpapakakorni na nga ako para sa kanya pero hindi niya parin ako pinapansin. Hayss.

"Oh my girls... nandiyan si Papa Clyde..." sabi ng babae... hindi ko kilala kong sino yun. Malay ko ba.. isa lang siya sa mga babaeng naghahabol sa akin.

"Ang gwapo niya talaga girl. Sana maging boyfriend ko siya." tsk! Sabi naman nung isang babae. Kitang-kita naman diba? Ang pogi ko. Bakit yung iba sobrang naghahabol sakin. Tapos gustung-gusto nila ako angkinin pero bakit ganun si Venice... ni kahit isang sulyap sa akin wala. tsk!

"Kyaaaah... Ang swerte ni Venice sa kanya. Sana ako na lang si Venice." hmmmp. Kahit anong gawin niyo hindi niyo mapapantayan si Venice. Nag-iisa lang siya. Ibang-iba siya. Ibang-iba sa sobrang pagkamanhid niya.

Hindi ko na pinansin yung ibang sinasabi nila. Kairita lang. Sana ganun si Venice. Napapansin niya ang mga ginagawa ko. Hays. Pumasok na ko sa classroom at buti na lang wala pa yung prof namin. tsk!

Agad naman nakita ng mata ko si Venice na nakayuko sa mesa. Tsss~ Pumunta na lang ako sa upuan ko na nasa likod niya. Yun na lang kasi ang bakanteng upuan. Hindi ko na lang pinansin ang mga titig ng mga kaklase ko. Mga bwesit eh.

Pagkaupong-pagkaupo ko ay sakto namang dating ng prof namin. Walang hiya. Boring na subject. Tsk! Nilabas ko na lang ang armas ko sa boring na subject na 'to. Isang phone at earphone. Hahaha! Makikinig na lang ako sa music at matutulog.

--------

Nagising ako dahil sa taong galit na galit sa harapan ko. Yung prof namin... galit na galit. Galit na galit kay Venice. Hahaha!

"Miss Lee ilang beses na kitang sinabihan na wag matulog sa klase ko pero natutulog ka pa rin. Kung ayaw mo makinig sa klase ko pwede ka naman umabsent. Or better kung idadrop mo na lang 'tong subject ko." mahabang litanya ng prof namin sa kanya.

Tahimik lang si Venice habang pinapagalitan siya ng prof namin. Tsss~ parang wala lang sa kanya.

"Kung gusto mong makapasa sa subject na 'to Miss Lee makinig ka sa mga tinuturo ko." sabi niya at tumalikod na kay Nice habang papunta sa harap.

"Tsss~ ako na lang palagi nakikita. Pag gwapo hindi pinapagalitan." sabi ni Venice yung mahina lang. Yung makakarinig lang is yung sarili niya pero ibahin niyo ko narinig ko siya.

Nilapit ko na lang yung bibig ko sa tenga niya. "Ganyan talaga Nice pag gwapo. Lakas ng charm ko diba."

"Tsss..." yan lang narinig ko sa kanya.

Nagpatuloy lang ng klase ang prof namin habang ako ay ngiting-ngiti. Wala lang.. masama bang ngumiti. Inspire ako eh. Hahaha!

"Goodbye class." sabi ng prof namin at umalis na sa classroom. Wooow~ di ko namalayan na nagbell na pala.

Tumayo na ko sa upuan ko at sakto naman na tumayo si Venice sa upuan niya ng dumaan ako sa upuan niya. Alam niyo naman diba. Kaharap ko lang ang upuan niya.

Nagkatinginan kaming dalawa kaya nginitian ko siya sabay wink. Pero isang irap lang at isang tsss ang nakuha ko sa kanya. Napatulala lang ako sa kanya hanggang sa lumabas na siya sa pintuan.

Sheyt. Kahit ganun yung reaksyon niya sa ginawa ko kinikilig ako. Hindi sa bakla ako pero ganito talaga siguro pag-inlove. At hindi lang naman babae ang pwedeng kiligin. Kahit lalaki kami kinikilig din kami noh. Hindi kami manhid para hindi makaramdan ng kilig. Nakakaramdam nga kami ng sakit, kilig pa kaya. Napailing na lang ako habang palabas ng classroom.

Unseen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon