Pinagtagpo ng Tadhana o Universe?

3.2K 20 0
                                    

Love has no gender. Another day in the office. May dalawang tao ang pinagtagpo ni universe o ni kupido? Si May ay isang Administrator at Si Jam naman ay isang Technical Engineer. Iisa sila ng kumpanyang pinagtratrabahuhan. Madalas nagkakasalubong pero di kilala ang isat-isa. Nasa iisang palapag lang sila. Si May ay naka pwesto sa kanan at si Jam naman ay naka pwesto sa dulong kaliwa. Ang tanong paano sila pinagtagpo? Isang araw, nakatanggap si Jam ng personal message o pm. "Hi po! bungad ni May. Tungkol to sa request ni Julie ano bang path yung kelangan nya?" Sabi ni May sa pm. Sumagot naman si Jam. "Yes Ma'am?" Sumagot ulit si May ay eto pala un reference nya IOU4EVR. Sagot ulit si Jam "ay sige ma'am tanong ko cya, di nya nabanggit eh. Paki assign na lang po sa akin." Salamat! Pagkatpos nun wala na silang naging ugnayan pa. Dumaan ang araw at buwan, eto na ang Pasko. Ang departamento nila May at Jam ay kinakailangan mag organisa ng christmas party. Ang trip ng mga bossing nila, pagsamasamahin ang mga bagong salta sa opisina nila at sila ang mag organisa ng party na ito. Sa pagkakaktaong ito nabilang si May at Jam sa isang grupo sa technical crew. Sila ang mamamahala sa sounds, band equipments at kung ano ano pa. Linggo Linggo mayroong meeting ang grupo nila, sa pagkakataong ito, kinailangang magsama ng dalawa. Si May at Jam ang naatasang makipag meeting sa isang kumpanya ng lights and sounds sa Makati. Lumapit si May kay Jam anong number mo? sabi nya. Si Jam ay oo nga pala, sige eto labing isang numero nang binigay ni Jam. Sabi ni Jam taga saan ka pala? taga Wilson. Sabi ni May. Sabi ni Jam ah talaga nadadaanan ko taga Flora lang ako. Pwede pala kita isabay. Sabi ni Jam. Sige text na lang kita ha mamaya. Salamat sabi ni Jam. Naghiwalay ang dalawa ng landas. Si Jam pauwi na at lalabas pa kasama ang mga kaibigan. Si May ay makikipag kita sa kanyang date na si Nate. Si Nate ay kaklase sa kolehiyo ni May. Nagkita sila sa FB. Mayroong gusto si Nate kay May, ngunit si May naman ay hanggang kaibigan lamang ang tingin nya rito. Si May at Nate ay nagtungo sa Engine isang steak house sa may Don Antonio habang si Jam ay nasa Sessions isang bar na kung saan isa cya sa nag mamay-ari. Ang dalawang kainan na ito ay nasa iisang building lamang. Matapos kumain ni May at Nate, nagyaya si Nate ng 2 bots (2 bottles) sa Sessions. Sabi pa ni Nate maganda dito mayroong duo o may laging kumakanta ng acoustic. Pumasok ang dalawa sa loob at naupo sa may bandang gitna. Si Jam naman ay nasa taas at kasama ang mga kaibigan. Bumaba sa ground floor ng bar si Jam upang silipin lang ang mga tao, napansin nya na parang kakilala nya ang babaeng nasa gitna. Nilapitan nya ito, sabi nya May!! Sabi ni May huy! Ikaw pala yan. Sabi pa ni May sino kasama mo mga kateam mo? hindi mga kaibigan ko sabi ni Jam. Pinakilala ni May si Nate kay Jam, sabi ni May, Jam si Nate pala. Hi! sabi ni Jam at sabay abot ng kamay para makipag shake hands Officemate kami sabi ni May kay Nate. Ahhhh! Sabi ni Nate. Sige I have to go ha. Enjoy pala, nice meeting you Nate. Ganda ng environment, gusto ko yun set nila. Maganda pang tamang inom with friends sabi ni Nate. Oo nga, gusto ko un ganito lang, di masyadong maingay. Sabi ni May. Nakatanggap si May ng text kay Jam? Anong cocktail drinks ang gusto mo? Nag reply si May kay Jam, Cosmo lang! Bakit? Sumagot si Jam, ahhh basta, eh yang si Nate? Sagot ulit si May, ewan ko dito. Tinanong ni May si Nate, gusto mo ng cocktail drinks? Sagot ni Nate, ano siguro JD on the rock. Nagtext ulit si May kay Jam JD daw eh on the rocks, bakit nga po. Di na sumagot si Jam. Mga ilang minuto lang. Lumapit ang waiter, may dalang Mojito at Cosmo, na may kasamang cheese sticks. Sabi ni May, ay kuya di po kami umorder nito. Hindi Mam galing po to sa Manager namin. Sabay alis ng waiter. Nag text si May kay Jam, aha Manager ka pala dito, Thank you! Nag reply si Jam mangagawang pilipino ko sa umaga at bar manager sa gabi. hehe! enjoy your date with boyfie! Sumagot si May hindi ko po cya boyfriend, friend lang. Sagot naman ulit si Jam ay sorry ma'am sige enjoy the date teh! Di na sumagot si May at tumawa na lang. Wala halos mapag usapan si May at Nate, nanonood na lang sila sa duo na ang kinakanta ay puro love songs. Mag aalas dose na at pagod na rin si May.Sabi ni Nate let's go. Sabi ni May sige pagod na rin ako at may meeting pa ko tomorrow. Sabi ni Nate hey it's saturday. Sabi ni May sa company events yun kasi.Umalis na si Nate at May. Pagdating sa harap ng bahay nila May sa Wilson. Hinawakan ni Nate ang kamay ni May at sinabi na, May I really like you. Di sumagot si May at bumaba na ito. Aminado si May na wala talaga cyang gusto o wala talaga silang spark ni Nate. Bago matulog nag check ng phone si May, puro text ni Nate. Nadaanan nya ang mga text message ni Jam. Tinext nya ito, Thank you ulit sa food and drinks. Pano pala tyo bukas? 1pm pa naman meeting natin. Sumagot si Jam, hey kamusta date teh? hehe! Gusto mo ba magkita somewhere or sunduin na lang kita? Sagot ni May magkita na lang tyo sa may Jollibee. Nakakhiya naman kasi. Sagot ni Jam, no it's ok text me your address and I'll pick you up na lang. Dumating ang Sabado. Sinundo ni Jam si May. Dumiretso na sila agad sa Coffee Shop kung san nila imemeet ang mga taga Sound Company. Pagkaraan ng 1 oras at kalahati natpos ang meeting nila. Tanong ni Jam kay May nagugutom ka ba? Kain tayo? Ay teka baka may lakad ka pa? Sagot naman ni May nagugutom nga ako, wala wala akong ibang lakad. Ikaw? tanong nya kay Jam. Wala din sagot nya. San mo gustong kumain? tanong ni Jam. Kahit saan basta pagkain, sabi ni May. O sige may alam akong masarap dito, Persian cuisine. Ok sagot ni May. Dinala ni Jam si May sa Persian Restaurant. Wow ganda naman dito, mukhang masarap din pagkain. Sabi ni May. Oo masarap dito, dalhin ba kita dito kung di masarap dito, sagot ni Jam. Sabay ngiti ni May. Habang kumakain, tanong ni Jam asan na si boyfie? Sagot ni May di ko sya boyfriend. Ok! Sorry haha! sagot ni Jam. Kulit mo kasi sabi ni May. Pero leading to being his girl? Sabi ni Jam. Sagot ni May ewan ko, di ko alam. Di ko kasi cya nafefeel! Ahhh so you were looking for sparks. Sabi ni Jam. Baka oo nga, ewan. Come what may. Di naman ako nagmamadali, ang gusto ko lang yun bibigay ni God sa akin. Whoever he was or kung ano man sya. Anong kung ano man cya, ano yan alien. sabay tawa ni Jam. Tama! Malay mo naman nanjan lang si kuya sa tabi tabi di mo pa napapansin,dagdag nya. Bahala na sabi ni May. Eh ikaw?! Walang jowa? Wala sagot ni Jam. Bakit? tanong ni May. Parang ikaw, di hinihintay ko na lang yung taong ibibigay sa akin ng diyos, at yun tatanggapin ako kung ano ako. Sabi ni Jam.Since wala ka naman lakad nagyon, gusto mo mag mall or pumunta somewhere? Uhmmmmm...teka, Tagaytay??!! joke lang sabi ni May. Gusto mo ba? Malapit lang yun. Teka may jacket ka ba? Tanong ni Jam. Ay oo nga pla, ayy sayang. hehe! Oi joke lang yun. Nakakahiya naman. Feeling close na agad. No it's ok ano kaba, were like colleagues. Sabi ni Jam. Halika na! Punta na lang tayong Nuvali. Wala rin naman akong gagawin, bukas pa ko uuwi sa mga Nanay ko. At dumiretso nga sila sa Tagaytay. Nag stop over muna sila sa isang gasolinahan at bumili ng inumin. Habang papunta don. Kinakapa ni Jam ang kanyang inumin, kinuha na ito ni May at pinainom cya. Sige na ako na hahawak, inom ka na lang. Sabi ni May. Nakakhiya naman sabi ni Jam. Pagdating don sa Nuvali. Dinala ni Jam si May sa Wakepark. Gusto ko masubukan yan, sabi ni May. Talaga?! Sure ka jan ha sabi ni Jam. Sabay hinila nya ito sa may park at nag pa register na agad. Sabi ni May, wala tayong damit. Meron akong extra sa kotse tara na! Sabi ni Jam. Nagulat na lang si May. Parang may ibang naiisip, hinawakan nya ang kamay nito at sumama sa sasakyan. Muli cyang sumaya sa loob loob ni May. Naexperience nya na ang ang mag wakeboard. Tuwang-tuwa cya at napaisip na ang gaan gaan ng pakiramdam nya kay Jam noon pa lang. Sa buong araw nilang magkasama marami na silang napag usapan at parang napaka ikli ng oras para sa kanilang kwentuhan at biglaang lakad. Alas dose na sila naka uwi. Suot suot ni May ang mga damit ni Jam. Si Jam naman ay dumiretso na sa bahay at nagpahinga. Tinext ni May si Jam, Thank you sa biglaang lakad. Suppeerrr Happy ako! Un damit mo pala babalik ko na lang sa Monday. Sige good night. Pero binura nya ito at nag type ng bagong mensahe. Ang saya saya ng araw na ito. Grabe! Super Thank you sa biglaang lakad. Alam ko pagod ka sa layo ng pinag drive mo. Good night! Mwah! Sumagot naman. Buti naman happy ka! hehe! No worries, sanay na ako sa long drive. Sige tulog ka na din. Goodnight! Mwah! Kinaumagahan tanghali na nagising si May suot suot pa din ang damit ni Jam. Sabi ng Mommy nya san ka pla galing. Sabi ni May nag punta kami ni Jam ng Nuvali pagkatapos ng meeting. Ang saya saya Ma grabe. Sabi ng Mommy nya mukha nga anak blooming eh! Biro ng Mommy nya. Tiningnan nya ang phone nya. Wala cyang bagong text. Napaisip cya bakit ko iniisip na itetext nya ko. Oh my God! Anyway napatuloy cya sa pag almusal. At Nanood ng movie sa kwarto nya kasama mga kapatid nya. Tingin cya ng tingin sa telepono nya. Kamustahin ko ba..sabi ni May. Haist ano naman sasabihin ko. Tinext na nya si Jam,Hey kamusta? Sumagot naman si Jam, I'm good, kakagising mo lang? I'm out with my family. Nagreply si May, yes..nakakaistorbo yata ako. Sige Enjoy! Di na nakapag reply si Jam at manonood na sila ng sine. Kinagabihan si Jam naman ang nagtext kay May. Hello? sabi nya. Sumagot si May Hi! Haha! maya maya nag ring na ang telepono nya. Hello! Kamusta sabi ni Jam. Ok naman, nanood ng movie lang dito sa bahay kasama mga kapatid ko. Ah wow that's good, nanood din kami ng movie. Sabay ngisi ni Jam. Did you slept well? tanong ni Jam. Oo naman, mahimbing tulog ko kagabi. Sabi ni May. Ah that's good sabi ni Jam, baka naiistorbo kita ha, I just called to say hi at mangamusta. Wala akong ginagawa sabi ni May. Nag brobrowse ng FB. Ahhh sabi ni Jam, dito ko sa Pearl eh, mag grocery sana, tara samahan mo ko. Sabi ni Jam. Sige in 10 minutes sabi ni May. Ok sige sunduin kita. Nakaraan ang 20 minuto. You're late! Pabiro na sinabi ni May. Joke lang! Hello sabi ni Jam bineso nya si May. Wow! you look great! ahhh ngayon ka lang naligo pagbibiro ni Jam! Hindi ah hindi ka nagkakamali sabay tumawa sila ng malakas na parang walang pakialam sa mundo. Sa grocery kumuha si Jam ng malaking cart. Ikot ng ikot sila sa grocery at tawa lang ng tawa. Parang sila lang dalawa sa mundo. Pagkatapos nila mamili nagpunta sila sa coffee shop, para magkape. Pasok na naman bukas sabi ni May. Onga dami ko pa naman pending sabi ni Jam. Pagkatapos nila magkape pumunta na sila sa parking lot, ang bilis ng oras sabi ni May. Onga sabi ni Jam. Ngumiti lang si May. Inihatid na ni Jam si May. Sa sasakyan, bineso ni May si Jam at hinawakan ang kamay. Text me pag house ka na. Yes Ma'am! Sabi ni Jam. At umalis na ito. Mag iisang oras na, hindi pa nagtetext si Jam. Tinext nya ito at nag missed call. Sumagot si Jam sa text, hey bahay na ko. Nag pa gas pa ko and car wash before I headed home. Sagot ni Jam. Sumagot si May sana di mo muna ko inihatid pala, sinamahan na lang muna kita. Sad face na icon. Hala cya! sagot ni Jam. Sabay tumawag ito. Hey! sabi ni Jam, drama mo teh! sabay tumawa silang dalawa. Inaayos ko na tong pinamili natin, ay naiwan mo pala tong chocolates mo. Dalhin ko na lang tomorrow daan ko sa station mo. Sabi ni Jam. Sige na matulog ka na madam. Ayoko pa. sabi ni May. Ayoko mo ko kausap? Sabi ni May. Sumagot si Jam ng pabiro ayoko na! sabay tumawa ng malakas. Magaayos pa kasi ko so I can't be doing things sabay sabay haha sabi ni Jam. Onga pla sabi, sige see you tomorrow. Sabi ni May. Goodnight sabi ni Jam. Kinaumagahan bihis na bihis si May. Sabi ng Mommy nya, aba ang ganda ng ayos natin ha. May pinaghahandaan? Ma! sabi ni May. Monday ngayon. 9am na dumating si Jam sa opisina dahil sa trapik. Dumaan agad si Jam sa station ni May dala dala ang chocolates at may kasamang kape. Ano to? Sabi ni May. Sabi ni Jam ah eh kape po, ayaw mo? Hindi naman. Hehe! Thank you! Nag abala ka pa. Bayaran ko na lang. No! sabi ni Jam, magagalit ako. Sige punta na ko don. Byers! Laters! Ngumiti si May at Nagpasalamat ulit sa kape. Napansin ni May ang note sa kape. "May, have a great Monday. Thank you! Jam! Napangiti si May. Ano ba to? Natutuwa sya kay Jam. Ala una na. Sa dami na ng kanyang ginagawa di na cya nakakatayo sa station nya. Nagulat si May na mayroong inabot sa kanya ang kanyang ka opisina, si Anne. Sabi ni Anne, ay May pinaabot pala ni Jam nagkita kami sa may hallway papunta cyang meeting. Talaga! Sabi ni May oo bakit? sabi ni Anne. Wala naman. Sabi ni May, Thanks Anne. Mayroong note sa loob na EAT LUNCH! May kilig cyang naramdaman. Ano ba yun sabi ni May sa sarili. Tiningnan nya sa PM naka in a meeting si Jam. Tinext nya na lang ito at nagpasalamat sa pagkain. Mag alas singko na. Sinisipat ni May sa dulo kung may tao sa station ni Jam. Pauwi na si May, naisipan nyang dumaan sa may station ni Jam pero wala ito duon. Tinanong nya si Kurt. Kung nasan si Jam. Sabi ni Kurt ay sunod sunod kasi meeting nila, may project kasi cya ngayon. Ang pagkakaalam ko nasa War Room pa sila. Teka puntahan ko ha. Sabi ni May wag na. Text ko na lang. May pending ba cya syo tanong ni Kurt. Wala naman sabi ni May. Sige Thank you. At umalis na ito. Nagtext na lang cya kay Jam na mauna na cya. Lumipas ang ilang araw, buwan at naging matalik na silang magkaibigan. Halos araw araw may pagkain si May at si Jam ay laging may kape sa station nya. Akala ng buong opisina nila ay mag jowa na sila. Minsan nakasalubong ni May ang kaopisina ni Jam na si Kurt, Madam nasa meeting pa ba si jowa? Sinong jowa? Sabi ni May. Hala ka ulaynin, si Madam Jam po. Ay di ko sure Kurt di pa kami nag uusap. Baliw ka talaga. Di ko jowa ang lola mo. Sige Fine May. Sabi ni Kurt. Minsan naman napansin ni Anne na wala cyang kape sa station nya. LQ kayo te? Sabi ni Anne. Ano? sabi ni May. Bakit wala kang kape dyan.Tanong ni Anne. Ah nasa meeting cya kasama mga expat. Hoy baka anong isipin ng mga tao dito. Friends lang kami. Dagdag ni May. Minsan naman dinalhan ni May si Jam ng pagkain sa station nya at umupo cya sa tabi nito at dun na din cya kumain. Ang sweet naman sabi ng Boss ni Jam. Ok! Alam ko Jam friends lang kayo, pero honestly you 2 looks good together. Langgam! Sabay tumawa ito. Tumawa lang sila ni May. Halos araw araw din silang magkausap. Ang meeting na kasama ang mga kaopisina ay napupunta sa puntong sila na lang dalawa ang naiiwan at nag aalisan na ang mga kasama nila.

Love has no gender.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon