Ginawa ko 'to dahil gusto kong bigyan ng credits ang isa sa pinaka-astig at pinaka-iniidolo kong writer dito sa Wattpad.
Si Direk_Whamba. |m|
Nung una, akala ko lalaki sya. Kaya naging crush ko sya ng isang buwan. XD
Pero nung nakita ko sa website nya na babae pala sya, nagevaporate nlang bigla yun. XD
Pinakapaborito kong gawa nya eh yung "Forlorn Madness." , "LOKI: The War of Eight Vampire Heirs." at yung "Gossip Girl Pinoy."
Imba kasi. Alam mo yun. Yung iba kasing Vampire Story dyan, basta nlang nagkakagatan. Yung kay Direk_Whamba, hindi eh.
May history pa. Tsaka marami ka talagang matututunan. Luma at malalim na word man yan o isang English word na bago pa lang sa utak natin.
Especially sa Loki. Saktong-sakto yung description nya sa Asgard. Pano ko nlaman? I also studied Norse Mythology for a year. That's also the reason why I got interested in HER story :DD
Kung anak lang siguro ako ng isang publisher, ako na mismo ang magpupublish sa mga masterpiece nya. Kasi super worth it.
Kung tutuusin nga, pwedeng-pwede nang ihanay yung mga story nya sa "The Vampire Diaries Series." eh.
Isa pa sa mga nagustuhan ko at iniidolo ko sa kanya eh yung hindi nya pagiging madamot.
NAGBIBIGAY SYA NG SOFTCOPY. :))
May tiwala kasi sya sa readers nya. Oo. Hindi natin mapipigilan yung iba na nangpaplagiarize talaga. Pero wala syang pakialam dun.
Simple lang nman yung hinihiling nya sa pagbibigay ng softcopy eh. Kung may balak kang ipost yun sa ibang website o sa sarili mong blog. Just give credits to her. Yun lang. :))
Napakalinis din nya sumulat. Para syang professional writer.
May message nga pala ako sa mga nagsasabing bastos ang Formad. Lulubus-lubusin ko na.
Mga brad. Kung malawak nman kasi yung pag-iisip mo, hindi ganun ang magiging tingin mo sa Formad.
Open-Minded readers ang kailangan ng mga writer. Yung tipong inaappreciate yung ideas nila. Hindi yung tipong sasabihin, "AY! Ang bastos naman."
Hello! Eh yun yung gustong isulat ng writer eh. Anong magagawa mo?! Story mo teh?!
Oo. Mga characters ni Direk_Whamba ang pinakamalulutong magmura dito sa Wattpad. Astig nga eh. Wahaha.
Kasi kahit nagmumura na sila, hindi gross pakinggan. Nakakatawa pa ang dating.
ISA PA. Hindi sya snob. Hahaha. Naaalala ko nung binati ko sya ng Happy New Year sa chat dito sa Wattpad. Nagreply sya ng "Happy New Year!" din.
Naprint-screen ko pa yun sa sobrang saya. Wahaha. Para may remembrance.
Hindi ko 'to ginagawa para makipag-FC kay Direk_Whamba.
Gusto ko lang kasing malaman nya na may umaappreciate ng mga gawa nya. Feeling ko kasi hindi sapat yung Vote, Comments at Follow eh.
Thank you Direk_Whamba for inspiring me to write. Fan mo ko to the highest level XD
You rock! |m|