love at first sight of the post

307 15 2
                                    



Habang nag scro-scroll ako sa newsfeed ko napadapo ang tingin ko sa isang post.  


pero ang nakakuha ng pansin ko yung may ari na account mismo. Ang ganda niya. Shet!!




"Chesca Angel Lopez" napakagandang pangalan at pagtingin ko sa post...



["Oh my gad!! Ang gwapo ni Oppa sana ma-notice na niya ako Omo !!

#Notice me Oppa ♥.♥]



Bakit picture ng isang lalaki na nasa twenties ang tanda tanda naman.




Mahilig ba siya sa mga matatanda?



"Neo kakain na!!!! tapusin mo na yang pagdodota mo" sabi ng ate ko na sobrang adik din ng kpop. Halos buong dingding niya ang puro na poster ng iniidolo niya.



"Opo ate , teka ate punta ka nga dito may tanong ako"sigaw ko sa kanya.



"Aba! Ako pa ang papapuntahin mo dyan eh ikaw nga ang may kailangan"sigaw niya pabalik sakin



"Eh kasi andito yung oppa mo"  inemphasize talaga yung word na oppa, kilala ko ang mga mukha nila dahil sa mga poster sa kwarto ni ate , sa ilang segundo lamang dumating agad ang mabait kong ate.


"Asan asan patingin patingin"  siya habang tinutulak tulak ako. "Omo ang gwapo gwapo talaga ni Chanyeol ahhhh! Ang gwapo niya sa bago niyang buhok waah waaah!" nagtatalon talon na ang ate habang may kasamang tili pa. Hay nako mga kababaihan talaga.



Chanyeol pala pangalan niya!!!..


"Ate ano po pangalan ng grupo nila?" tanong ko kay ate na nagtatalon parin para na siyang baliw.



"EXO woooh!!!" Parang nangingisay na si ate dahil sa kilig



EXO!! Hmmm.. makasearch nga



Pagkatapos makalap ng ibat ibang impormasyon tungkol sa grupong ito, sumali ako sa mga group sa fb na sinalihan ni Chesca para may chance na mapalapit ako sa kanya. Inistalk ko din siya kung ano pa ang mga gusto niya.Inalam ko talaga simula sa birthday niya, mga paborito niya at kung ano ano pa.



Gumawa din ako ng panibagong account at sinubukan ko ring magpost para kunyare may alam ako.

(One shot ) Accidentally Fell Inlove With a Fangirl (Kpop FanFic)Where stories live. Discover now