Tragoidia

11.8K 49 50
                                    

a/n: Nais ko pong i-dedicate sa kanya ang storyang ito. Pangalan po kasi ng mga characters niya ang ginamit ko (some). Imbes kasi na gumawa ng project, nagbasa pa ng Viper. XD
Keep on inspiring other people po. :*

-------

Nagtataasang mga gusali. Mauusok na kalsadang dindaanan ng napakaraming sasakyan na halos magkabit-kabit na sa sobrang trapik. Siksikan ang mga taong naghihintay ng bus. Napakaingay na paligid dahil sa iba't ibang tunog galing sa mga sasakyan at mga konduktor na nagtatawag ng mga pasahero. Ibang-iba na ang bansang Griyego ngayon kumpara noon.
Isa si Alice sa mga tila sardinas na nakikipaggitgitan sa sakayan ng bus. Alice Aragon, 26 na taong gulang. Ang nag-iisang anak at tagapagmana ni Antonio Aragon. Isang kilalang negosyante.
Halos mapatalon sa tuwa si Alice nang dumating ang hinihintay na bus. Nag-unahan siya kasama ng iba pang pasahero sa pagpasok at pagpili ng komportableng mauupuan. Bagamat mayaman, mas pinipili pa rin ni Alice ang ma commute na lang upang makatipid ng gasolina at upang mabawas-bawasan na rin ang polusyon.

Ilang saglit pa ay narating na niya ang kanyang destinasyon. Agad bumaba si Alice at tumungo sa labasan na may matataas na bakod. Binati niya ang guwardiyang nagbabantay at agad tumungo sa puntod ng kanyang yumaong ina. Sa isang pribadong sementeryo ibinurol ang mga labi ng kanyang ina kaya hindi masyadong matao doon.

"Liera H. Aragon," basa niya sa puntod na nasa kanyang harapan. Namatay ang kanyang ina sa panganganak sa kanya. Pinalaki na lamang siya ng kanyang ama kasama ang bago nitong asawa na si Lizette. Hindi niya man nakasama ang ina, mahal na mahal niya pa rin ito. Hindi niya nakakaligtaang dumalaw kada linggo.

Sa gilid ng puntod ay may maliit na rebulto ng Griyegong Diyosa ng kasal at kapanganakan na si Hera. Mahilig kasi sa mga diyos at diyosa ang kanyang namayapang ina. Naniniwala ito na mayroon talagang diyos at diyosa.

Pinalitan niya ang bulaklak sa lalagyan sa tapat ng rebulto at nagsindi ng kandila. 

"Si Hera ang diyosa ng kasal at kapanganakan. Ma, ano po ba ang pakiramdam ng ikinakasal? Yung sinasabi nilang sa sobrang kaba, lalambot yung mga tuhod mo? Ganun ba talaga yun? Pero Ma, kung magpapakasal ako, sisiguraduhin kong siya na talaga. Ikaw Ma? Ano ba yung naramdaman mo nung kinasal ka kay Papa?," napabuntong hininga nalang si Alice dahil hindi naman sasagot ang kinakausap niya.

"Paano ba yan, Ma. Mauna na po ako. Siguradong hinahanap na ako sa bahay," ani ni Alice at umalis na nga.


Apat na araw na ang nakalipas simula noong pagbisita ni Alice sa kanyang ina nang nakita niya ang kanyang ama sa kanilang balkonahe na tila malalim ang iniisip. Nag-aalalang nilapitan ito ni Alice upang malaman kung ano man ang bumabagabag sa isipan nito.

"Pa, ang lalim ng iniisip mo! Hindi ko mahukay!" Pabirong bungad ni Alice sa kanyang ama.

"Alice, anak, may pabor akong hihilingin sa'yo. Sana ay pagbigyan mo ako," sagot ng kanyang ama.

"Sige, Pa. Sabihin niyo lang po. Malakas kayo sa'kin diba."

Bumuntong hininga muna si Antonio bago sinabi ang kanyang problema sa kanyang anak. 

"Nalulugi na kasi ang kompanya. Kailangan natin ng mas makapangyarihang kapitalista. May nag-alok sa'min. Ngunit may hiniling silang kapalit. Nais nilang kasal ang magsisilbing selyo ng kasunduan. Nais nilang ipakasal ang panganay nilang anak sa'yo, Alice."

Nagulat si Alice sa sinabi ng kanyang ama. Noong isang araw ay tinatanong niya palang kung ano ang pakiramdam ng ikinasal sa kanyang yumaong ina. Tila tinupad ito ng Diyosa ng Kasal na si Hera.

"Napaka-sagrado po ng kasal upang gawing kasunduan, Pa. Isa pa, ayoko pong magpakasal sa taong hindi ko mahal."

"Alam ko Alice. Hindi kita pinipilit."

Tragoidia (sariling mitolohiya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon