Chapter 2: First Love

33 3 1
                                    

A/N: Dedicated to my most byutipol mom :* wavyu!

---------

AMBER'S POV

"Class Dismiss." sabi ng prof namen. SAWAKAS! Natapos din ang nakakaantok na AP. Pagkaayos ko ng gamit ko nilapitan agad ako ni Bea, oh Bea ayoko ng ngiting yan -_-.

"Bes! samahan moko sa mall oh please!" nag puppy eyes nanaman -_- as if na bagay sa kanya! Psh.

"Ayoko. Marami pakong gagawing assignment! like Hello! Graduating tayo oh magsipag ka nga!"

"Hala beastmode? Okey Okey sige hmm nxt time nalang. I'll see you tomorrow! Bye Bes!" Hay salamat.

"bye!" after that umalis na sya. Pumunta ako sa locker ko. Habang papalapit ako sa locker room, may tilian. Psh ano pa nga bang bago?

Nung mailagay ko na sa locker ko yung ibang books ko.. nakita ko ulit sya... bumilis ang tibok ng puso ko.... nataranta ako... nagkasalubong ang mga mata namen... lumapit sya saken.

"Long time no see. Amber." Sambit nya.. para akong tuod, hindi ako makakilos, hindi ko alam ang gagawin... hindi ko alam kung sasagot bako or what...

Ngumiti sya saken, kasabay ng pag alis nya sa harap ko... Natulala ako, natigilan ako. Hindi ko alam ang dahilan at bumalik pa sya dito... manggugulo ba sya? Sana hindi... Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko. Halo halo eh! Para akong naiinis na natataranta na maiiyak... Bakit pa kasi bumalik pa sya dito.

Natauhan ako nung nagbell. Yung bell nayun eh para umalis na lahat ng students sa school. Hanggang 5:30 lang kasi yung Curfew dito. Halos isang oras pala akong tulala. Tinawagan ko si kuya gabi na rin kasi eh delikado na.

["Yes maganda kong kapatid?"] i know right.

"Sunduin moko dito please nasa school ako"

["sige babe eto na ready kana ah?"]

"WTF kuya ano yan???" grabe nasa Bar nanaman ba sya??? Psh

["Ay sorry sis, eto nalang umuwi ka nalang magisa kasi ano eh..."] Sabay patay. Aba! bastos ah! isa pa nga.

Amp.! Pinatay ang cellphone -_-. No Choice kaya naglakad nalang ako. 2km lang naman layo ng school ko sa Village na tinitirhan ko eh.

Habang naglalakad ako, may sumusunod na kotse saken. Kinabahan ako.

"Halika ka na ihahatid na kita sa inyo." sabi nya sabay baba ng windshield. Natigilan ako.

"A-ano? H-hindi na kaya ko na to" Umayos ka Amber. pagkasabi ko non, Biglang umulan. Ganyan kaba samin tadhana? kainis ka ah.

"Pumasok kana! Lakas na ng ulan oh!" wala akong nagawa. Pumasok nalang ako kahit nakakailang. Napuno ng katahimikan hanggang sa makarating sa bahay namen.

"S-salama-" di nyako pinatigil sa pagsasalita. 

Niyakap nyako.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko....

"Sorry sa nagawa ko noon.. sana pala hindi kita hinayaang mawala.. Sana pala hindi ko sinayang yung pagmamahal mo... Sana hindi kita sinayang..." sabi nya habang nakayakap parin saken. Lalong bumilis tibok ng puso ko..Ngumiti sya saken bago sya pumasok sa kotse nya at bigla syang umalis.

Natauhan ako nung biglang may tumawag saken. Si mama lang pala.

"Anak halika na dito.  Pumasok kana at gabi na." Sabi nya habang papalapit ako at niyakap nya ako. Ngumiti ako kay mama. "Mama, akyat muna po ako, tapusin ko lang assignments ko."

"Sige anak. Magluluto lang ako, Bumaba ka nalang kapag nagugutom kana. Okay? I love you baby."

"I love you too Mama". Niyakap ko sya at umakyat nako tapos dumiretso sa room ko. After kong maglinis ng katawan napahiga ako sa kama. Wala naman talaga akong asssignments. Palusot ko lang kay mama yun.

Napaisip parin ako kung bakit pa sya bumalik dito... Bakit pa at para saan pa.. dahil ba narealize nyang ako mahal nya? O balak nanaman nya akong saktan.

Bakit ka pa bumalik... 

----------------=------

Guess who kung sino yun! hahah anyway i need an OP para sa mga Characters. Pm me nalang :))

Sorry kung ngayon lang ako nakapag UD, may Sore eyes ako kahapon eh! hahaha kaya kahit may Lagnat ako ngayon, nag UD parin ako. MAHAL KO KAYO EH! Thank you sa mga magbabasa, nagbabasa, at nagbasa! dahil dyan lalo akong ginanahan :))

UD ko po leytur haha or maybe tomorrow nalang din :) yun lang! salamat!

VOTE.COMMENT.FOLLOW.SHARE.

~Ms.L

My Mystery GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon