Sa buhay natin maraming zone na naimbento.
Family Zone masyado na kayong close kaya tingin na niya lang sa iyo ay nakakalamang kapatid ang mas malala pa doon yung moment na hiniling na sana magkapatid na lang kayo o kaya kambal na lang kayo.
Betadine Zone yung moment ba na malungkot sila or broken hearted ikaw itong si tanga ang nagco-comfort sa kaniya tapos sinasabi mo pang "Okay lang yan. Makakahanap ka rin ng iba. May iba pang nakalaan para sa iyo nandiyan lang sa tabi-tabi." Tapos siya palinga-linga pa at naghahanap nga sa tabi-tabi pero hindi siya tumitingin sa iyo.
Insomnia Zone yung feeling na nagtext ka sa kaniya kinagabihan kaso hindi ka na nakatulog kasi naghihintay ka sa text niya o kaya yung sarap na sarap ka na sa tulog mo magigising ka sa isang text niya na nag-away sila ng boyfriend/girlfriend niya at ikaw itong loyal friend ang textmate niya magdamag hanggang sa hindi mo namalayan na umaga na.
Charger Zone yung parang battery ng cellphone pinuntahan ka dahil they feel empty inside and you're the charger pasasayahin mo siya hanggang sa ma-full na ang energy niya.
Blue Moon Zone yung zone kung saan pinapaasa ka lang niya.
-akala mo merong kayo yun pala wala. Napaniwala ka na nag-eexist na sa earth ang relationship niyo yun pala hanggang imagination mo na lang.
Pabebe Zone yung tipong "Wala kayong pake kung tanga kami sa love! Walang makakapigil sa amin!"
Seen Zone yung nag-chat ka sa kanya tapos hinihintay mo ang reply niya sa iyo pero ang lumabas ay tumataginting na Seen 00:00 am/pm pero mas malala doon ay ang...
Unseen Zone yung nag-chat ka sa kanya sa facebook at inaantay mo ang kanyang reply kaso walang seen na lumabas dahil hindi man lang niya tiningnan ang message mo! Tapos naka-Active Now naman siya!
Pero saludo talaga ako sa mga nasa zone na ito. Sila yung mga taong napaka special sa sobrang special pwede mo ng ipagpatayo ng rebulto katulad ng sa mga bayani dahil labis labis na ang kanilang sakripisyo at sobra na silang nasasaktan pero binabalewala lang ito. Ang pagiging Friend Zone. Yung tipong kapag pinagsama-sama ang mga zone na nabanggit sa taas ito ang kalalabasan. Masakit yun.
Pero saang zone nga ba ako kabilang?
Story by:
Yuki_Sawako
●0●
Started: August 2015
Ended: -/-/-
BINABASA MO ANG
Zone Where I Belong
Teen FictionAustin Michael Chua the slightly handsome nerd photographer Allyson Rachel Martin the beautiful popular model. They're best friends. May chance nga ba na magkaroon sila ng love story even they're totally opposite? Find out kung saang zone kabilang...