Masaya, maayos, at tahimik na buhay ang kinalakihan ni Flor. Nasa ikaapat na antas na sya ng High School sa kasalukuyan. Matalino sya at masipag mag aral kaya naman tuwang tuwa sa kanya ang kaniyang nanay at tatay. Marunong din sya sa mga simpleng gawaing bahay at kaya nya ng alagaan ang kaniyang dalawang nakababatang kapatid sa tuwing kailangan umalis ng kanilang nanay at tatay. Minsan ay sumasama ang loob nya sa kaniyang nanay na sobrang higpit sa kaniya, ayaw sya payagan abutin ng dilim sa kalsada ng kaniyang nanay, hindi nya pa naiintindihan na ang paghihigpit ng kaniyang nanay ay para sa kanya, dahil sa hirap ng panahon ngayon, hindi masisisi ang nanay nya na maghigpit sa kanya. Alam naman ng nanay nya ang sama ng loob ni Flor sa kaniya, ang katwiran ng nanay nya hindi bale na magalit o sumama ang loob ni Flor sa kaniya, ang importante ay ligtas si Flor, balang araw daw ay maiiintindihan din ni Flor ang ginagawa ng kaniyang nanay. Ngayon na malaki na si Flor ay unti unti sumasama ang loob nya sa kanilang tatay. Dahil wala na ito halos oras a kanila. Ang tatay nya ay nag tatrabaho bilang salesman, kaya malaki ang kinikita nito at sobra pa sa kanilang pangangailangan kung kaya naman pati mga luho ng pamilya ay kayang ibigay ng kanilang tatay. Pagkatapos ng oras ng trabaho ng tatay nila hindi agad ito uuwi at ito ay sasama sa kaniyang mga kaibigan na mag iinuman. Ang mga kaibigan ng tatay nya ay mga laki sa layaw. Ito ang nag uudyok sa tatay nila na wag umuwi agad at sumama sa kanilang pag sasaya. Ang kanilang tatay hindi naiisip ang kaniyang pamilya, mas importante sa kaniya na huwag masira ang samahan nila ng mga kaibigan nya at ayaw nya may masabi ang mga kaibigan nya lalo na kung pagtatawanan sya dahil sasabihan sya na takot sa asawa. Ang iniisip ng tatay nya ay maiintindihan naman sya ng nanay nya. Minsan ay pinag aawayan ng kaniyang mga magulang ang ginagawa ng tatay nya , ang madalas nyang madinig na katwiran ng tatay nya "bakit pinababayaan ko ba kayo", na sasagutin naman ng kaniyang nanay na "hindi lang naman pera o pinansyal ang kailangan ibigay mo sa amin, kaylangan ng mga anak natin ng oras mo sa kanila", at sasagot ulit ang tatay nya na kailangan ko rin naman mag relax dahil pagod ako sa trabaho". Ang kawawang nanay ni Flor palibhasa ay lumaki sa probinsya, inosente, at hindi sanay maki pagtalo ay tatahimik na lamang, hindi nya magawang makipag talo sa kaniyang asawa dahil ang ugali ng asawa nya ay hindi nagpapatalo kahit wala sa katwiran. Palibhasa ay katulad din sya ng kaniyang mga kaibigan. Dumaan ang labing limang taon na ang buhay nila ay ganun. Ang nanay nya ay nasa bahay at nag aasikaso sa kaniyang mga anak, ang tatay naman ay nagtatrabaho at parati gabing gabi na kung umuwi. Malungkot ang buhay ng pamilya ni Flor, oo nga at sagana sila ngunit kulang na kulang naman sa atensyon at pagmamahal ng magulang lalo nang tatay nila. Iniintindi pilit ni Flor ang sitwasyon ng kanilang pamilya. Tanggap nya na ang minsang pag susungit ng nanay nya, dahil alam nya aburido ang nanay nya sa ginagawa ng tatay nya ngunit wala naman magawa. Pano nga naman ibibigay ng nanay nila ang 100% na pagmamahal at atensyon kung ang isip nito ay balisa. Alam nya, naiintindihan nya na at naaawa sya sa kaniyang nanay, subalit wala naman sya lakas ng loob na magsalita sa kaniyang tatay. Hanggang isang gabi nakita ni Flor ang kaniyang nanay na iyak ng iyak. Sanay na si Flor Makita ang nanay nyang umiiyak ng palihim lalo na pag nagpapaalam sya dito bago sya matulog, pinupuntahan nya ang kaniyang nanay sa kwarto nito at minsan ay nakikita nya may mga luha ang mata nito, marahil ay nalulungkot ang nanay nya dahil wala pa ang kanilang tatay. Yun ang palagi nya naiisip. Pero yun gabi na yon napansin nya ibang iba ang iyak ng kaniyang nanay, humahagulhol ito at naramdaman nya ang bigat na dinadala sa dibdib ng kaniyang nanay. mula ng gabing yun ang nanay ay lagi ng malungkot na malungkot, lagi lang itong nakahiga at halos hindi nagsasalita. Nalungkot si Flor dahil ang kakaunting sigla nakikita nyang pilit ibinibigay ng nanay nila sa kanila araw araw ay tuluyang nawala. Lagi galit ang nanay ni Flor sa kanilang magkakapatid. Damang dama nila ang galit sa puso ng nanay nila, palibhasa sila ang laging kasama ng nanay nila dahil ang tatay nila ay maaga umaalis. Napansin ni Flor na laging maaga na umuuwi ang tatay nila, hindi na rin ito umaalis tuwing Sabado at hindi na umiinom at sumasama sa mga kaibigan nya. Nagtataka si Flor dahil hindi na nya nakikita na kumakain ang kaniyang nanay, para na itong may sakit. Kumakain lang ito tuwing almusal at hapunan dahil sinusubuan ng tatay nila. Hindi na nakatiis si Flor at tinanong ang kaniyang nanay. Sanay naman si Flor na nakikipag kwentuhan sa kaniyang nanay, mula ng mag 15 years old na sya ay open na ang pakikipag kwentuhan nya sa nanay nya. Naitatanong nya dito ang kahit na anong gusto nyang pag usapan nila at magiliw naman syang nasasagot ng nanay nya at kung minsan naman aya ang nanay nya ang nag kukwento sa kanya ng mga bagay bagay na alam nya kailangan nya ng malaman dahil sa malaki na sya. Tinanong ni Flor ang nanay nya kung bakit nag aaway sila ng tatay nya. At sinagot sya ng nanay nya ng mga kasagutan ikinagulat nya. Ipina intindi sa kanya ng nanay nya ang totoong nangyayari sa buhay ng tatay nila, kung bakit gabing gabi na ito umuuwi sa kanilang bahay. Naiiyak si Flor sa nalaman nya, masamang masama ang loob nya sa tatay nya. Naaalala nya tuloy ng mga nakaraang Graduation at Recognition day nilang magkakapatid na hindi dinadaluhan ng kanilang tatay, sasabihin nya sa kaniyang nanay, "bakit po wala si tatay", at sasabihin ng nanay nya na "kasi may trabaho, para naman sainyo yun ginagawa ng tatay nyo," kaya kahit nalulungkot si Flor tuwing wala ang tatay nila sa mga importanteng okasyon na yun ay hindi sumasama ang loob nya dahil sa sinasabi ng nanay nya, subalit ngayon naiiyak sya at sinabi nya sa nanay nya, akala ko para sa amin kaya nagpapahirap si tatay sa trabaho kaya kaylangan ko tanggapin mga pagkukulang nya sa amin, yun pala kame lang ang nag sasakripisyo pero hindi lang kame ang nakikinabang. At umiiyak din si Flor sa tabi ng nanay nya. Kinabukasan pag gising ng nanay ni Flor ay may nakita syang sulat na galing kay Flor, sabi ni Flor "nay nandyan na yan, sana mapatawad mo si tatay sa nagawa nya sayo, sana ay pagbigyan mo pa si tatay ng pagkakataon, nakikita ko naman po na nagsisisi na si Tatay, sana po ay hindi masira ang ating pamilya. Kawawa naman po ang mga kapatid ko, at sana nay wag mo kalimutan na mahal na mahal ka namin".
Naiyak ang nanay ni Flor, naisip nya kasi hiwalayan na ang asawa nya. Pero dahil sa pakiusap ni Flor nagbago ang isip nya at pinagbigyan pa ang asawa nya para itama ang mga pagkakamali nya. Kinausap si Flor ng nanay nya at sinabi nya na "Flor anak nakita mo naman ang sitwasyon natin mula noon hanggang ngayon, sana ay huwag mangyari saiyo ang nangyari sa akin. Nagkamali ako ng hinayaan ko ang tatay nyo na sumama gabi gabi sa mga kaibigan nya at mag inuman, dapat pala ay hindi ko hinayaan na gawin ng tatay nyo yun. Dahil doon nag umpisa na makagawa ng kasalanan ang tatay nyo at kinunsinte pa sya ng mga kaibigan nya para pare pareho na silang sira ang pamilya at pare pareho na sila gumagawa ng kasamaan." At nakita na naman ni Flor ang pag tulo ng luha ng nanay nya. Naramdaman ni Flor na napakahirap ng pinagdadaanan ng nanay nya, gustong gawin ng nanay na hiwalayan ang asawa para bigyan ng leksyon ang tatay nila subalit hindi nito magawa dahil isina aalang alang nya ang kanilang anak dahil alam nyang maaapektuhan pa rin ang mga ito. Unti unti ng innayos ng tatay nila ang buhay nya sa piling ng kaniyang pamilya na muntik ng masira dahil sa kagagawan nya. Naiisip ni Flor na ang tatay nya na bumuo ng pamilya nila ay sya rin gumawa ng ikawawasak nito. Mabuti na lang at hindi sila pinababayaan ng ating Panginoon. Lagi silang ginagabayan at tinutulungan lalo na sa mga pagsubok na dumadating sa kanilang buhay. Sana tuwing tayo ay nagdadasal, isama natin ang pamilya ni Flor upang tuluyan ng maging maayos. Sana ay maging inspirasyon sa ating ang kwento ng buhay ni Flor. Sana ay matuto tayo sa mga nangyari sa buhay nila upang maiwasan natin na maranasan ang hindi magandang nangyari sa kanilang pamilya.