Continuation of Chapter 4

30 2 0
                                    

Ginawa ko na ang una at pangalawang way that was written on my list.

Hindi ako nahirapan sa una dahil matagal na akong weirdo.

1.    Act Weird.

I put a trap on the exact place where Ethan parks his car every morning when he comes to school. Inabangan ko siyang dumating at ang galing ni Mr. hope sakto yung trap pagbaba ng kotse ni Ethan. Hahahaha!

Si Mr. Hope ang nagturo sa akin nun. Tapos nung natapakan niya inabutan ko siya ng panyo.

Nagkamali pa nga ako kasi dapat yung tissue ang iaabot ko pero sa sobrang taranta at kaba ko yung panyo ko ang naiabot ko. Tapos sa hiya ko tumakbo na lang ako bigla.

Ang plano ko kakausapin ko pa siya. Pero fail kasi di ko nagawa. Parang normal na reaksyon ko lang pag nakikita ko siya.

Dahil fail yun may plan B ako.

Plan B:

Nagtrespass ako sa gym kung saan sila nagpapractice ng basketball. This time I guess nagtagumpay ako. I caught his attention! :)

Sinigawan ako nung Captain nila dahil napansin nitong nandoon ako sa couch habang pinapanuod ko si Ethan.

Sa sobrang takot ko tumakbo ako tapos nadapa pa ako !

Pinagtawanan ako nung mga ibang kateam ni Ethan. Hinarang ako ng mga guards. Pinahuli kasi ako nung epal na captain nila. Pero pinagtanggol ako ni Ethan!

 Tinapakan ko sa paa yung isang guard tapos tumakas na ako. Haayy! Muntik na ko dun.

Successful. :)

Yung pangalawa naman.

2.    Stalk Him.

Matagal ko ng gustong gawin ito eh. Sabi ni Mr. Hope mapapansin daw talaga ako ni Ethan kapag ginawa ko ito.

At the same time magbebenefit din ako dahil nauupdate ako sa buhay niya.

Somehow fail. Somehow successful naman ang isang ito.

Yung mga nilalagay ko kasi sa locker niya tinatapon niya lang.

Except doon sa mga tula ko sa kanya.

Habang tumatagal nakikita ko na ngumingiti na siya kapag nakakatanggap siya ng mga binibigay ko. Ano kayang nagyare?

End of Julia’s Point of View

I Broke the Nerd's Heart.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon