"Strance, tol!" Naalimpungatan ako nung may nagsalita? Multo?! Pero bakit kaboses ni Seth? Kaluluwa niya ba yon? Patay n ba yung mokong na yon?! Bakit di ako updated, talagang ako pa ang unang dinalaw?!
"ANAK NG TI---- NAPA? BAKIT KA NANDITO?! LUMAYAS KA SA HIGAAN KO!" gulat na gulat ako nung pagharap ko sa kabilang side ng higaan ko, mukha ni Seth ang bumalaga sakin, at higit sa lahat unting maling galaw lang mahahalikan ko na siya.
"Easy, pre! Makareact ka, parang nawala yung virginity mo. Wag kang mag-alala, birhen ka pa. Straight ata to!" nag-pogi sign pa siya.
"Lintek! Birhen mo mukha mo. Umalis ka nga sa higaan ko kung ayaw mo maputulan ng T." banta ko.
"Wag naman, pre! Paano ng kinabukasan ko? Ang mga magiging anak ko sa sexy at hot kong asawa?" pagdadrama niya
"Potek, wala kana talagang kinabukasan kung hindi ka pa aalis sa kama na to." pinagbabato ko pa siya ng unan habang sinasabi yun
"Atsaka, ang libog mo, ibig kong sabihin ng T, Tibia. Utak mo nilulumot." pahabol ko.
"Ang aga aga, ang init ng ulo. Daig mo pa ang matandang namenopause eh." dahil sa sinabi niyang yun, binato ko siya ng unan, sakto sa mukha.
"Ulol! Menopause mo mukha mo. Bakit ka ba kasi nandito?" bwiset na tanong ko.
"Makikigulo." pa-cool na sabi niya sabay kuha ng laptop ko.
"Gago, bitawan mo nga yan." saway ko sa kanya habang pinapakialaman yung laptop ko. Bakit kasi di ko pinatay? Potek.
"Mag wa-ym lang." sabi niya habang tutok na tutok ang mukha sa laptop.
Di ko na lang pinansin, pumunta na lang ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.
"Ow, chix to ha? Username pa lang. Tinitigasan na ko." parang ulol na sabi ni Seth., parang username niya, pang-ulol din, ito ang username niya: themanofyourdreams. Korny lang. (_ _)
"Libog mo!" at binatukan ko siya.
"Green to. Tinitigasan.... ng katawan. Ikaw nga tong nilulumot ang utak e."
"Chix ka dyan." lumapit ako sa kanya para makita yung sinasabi niya.
"Katawan lang yung profile picture. Hipon ata yan eh" oo, katawan lang naman talaga ang picture pero masasabi kong sexy kasi nakalingerie ito. Ang username niya: I'm_hot_and_I_know_it
"Hipon mo mukha mo. Matinik ata to sa chix,maganda yan. Pang-akit lang yung profile picture niya. I-chat ko nga" sagot niya.
Chinat na nga niya. Nanonood lang ako sa conversation nila.
themanofyourdreams: hi, hottie
I'm_hot_and_I_know_it: hello cutie. ang cute ng pic mo.
themanofyourdreams: ikr. :) siguro kasing hot ng pangalan at picture mo ang itsura mo hottie.
I'm_hot_and_I_know_it: bolero k nmn. :D
themanofyourdreams: swit lng. ahmm, pede k b mkita hottie?
I'm_hot_and_I_know_it: tga-san k b?
themanofyourdreams: tga****, kaw?
I'm_hot_and_I_know_it: tga dun dn aq. So meet tayo sa **** mall ha?
themanofyourdreams: cge, mlpt lng un dto e. pede ngaun?
I'm_hot_and_I_know_it: atat k nmn , cutie. cge, free tym nmn aq eh. txt n lng tyo. ano # mo?
BINABASA MO ANG
Your Lecture
HumorKUNG WHOLESOME AT OPEN-MINDED KAYO, MAAARI NIYONG IPAGPATULOY ANG PAGBABASA KUNG HINDI? KASALANAN KO BA KUNG MATIGAS ULO MO?! XD P.S: NO SHREK ALLOWED! (SHREK-GREEN MINDED)