MAM: Part 1

13 0 0
                                    

"Hello insan, san na nga yung street nyang bahay mo?" 

Pabulong lang akong nagsasalita sa phone ko. Kahina-hinala kasi yung mukha nitong taxi driver na to eh. Kanina pa tingin ng tingin saken. Alam ko namang maganda ko, wag na lang nya ipahalata kasi nagmumukha na syang rapist. Ewww...

"Bakit ka ba bumubulong insan?"

Ay peste naman tong mokong na to oh. Tanong ng tanong, di na lang sagutin yung tanong ko eh! Kita na ngang kinakabahan na ko dito.

"Basta.. Sagutin mo na lang ako." bulong ko pa rin sa kanya.. Mahirap na noh. Mamaya, mahalata pa nitong driver na to na di ko talaga  alam kung san ako pupunta.. Palagi ko pa namang napapanood sa movies na nirerape sa damuhan yung mga babae tapos itatapon kung saan-saan. Oh my gosh!!! Ayoko nga mangyari saken yun! Sayang yung paggamit ko ng mga pampakinis ng balat tapos itatapon lang pala ko kung saan..

"Hahahaha! Bumubulong ka kasi wala kang pambayad noh?" Anak naman ng tukneneng.. Sasapatusin ko talaga tong bwisit na to mamaya!

"Alam mo insan, wag ka na kasing maglayas. Mag-aalala lang mommy't daddy mo sayo. At saka, kahit naman dito ka tumira sa bahay, ipapabalik ka pa rin nila sa mansion nyo."

Ngayon pa talaga sya nanermon saken kung kelan nakalayas na ko sa bahay. Grabeng hirap ang dinanas ko kanina, matakasan lang yung mga estatwa naming guards tapos pababalikin nya lang ako? 

"Mamaya ka na magmonologue, pwede ba? Sabihin mo na na lang kung san ko matatagpuan yang bulok mong bahay!" 

Dami-daming sinasabi, street lang naman yung tinatanong ko.

"Makabulok ka naman dyan, insan. Sakit ah."

Hay naku! Matutuyuan ako ng dugo dito sa hinayupak na to eh. 

OMG!!! Nakatingin na naman yung driver saken. Tapos parang kakainin nya pa ko. Yuck! Baka naman bampira to? O kaya werewolf? Pwede ding cannibal. Naiimagine ko tuloy na hinihiwa nya yung tummy ko tapos kinakain yung mga intestines ko. Ewwww!!! Kadiri!

"Sabihin mo na nga kasi eh!" Naiiyak na ko sa mga naiisip ko. Umuulan pa naman ngayon. Mahihirapan akong tumakbo kung sakali. Oh Lord, help me po...

"Hahaha! Sige na nga. 143 District Love, Zone 88 Forever Street."

Forever Street? Meron bang ganun? Eh kasing abnormal din pala nitong pinsan ko yung lugar nya eh. Tsk. Tsk.

Binabaan ko na sya ng phone pagkasabi nya nung street. Mamaya na lang ako magtethank you pag nasa bahay na ko. Haha! 

"Kuya sa 143 District Love, Zone 88 Forever Street po." sabi ko kay kuya driver na mukhang rapist. Tumango lang sya tapos ako naman, nag-COC muna. Aba mahirap ng ma-attack noh.

Nalibang ako sa kakalaro kaya di ko namalayang mag-iisang oras na pala akong nakasakay sa taxing to. Nilagay ko muna sa bag ko yung phone ko tsaka tinanong si Kuya Driver na mukang rapist.

"Kuya, malayo pa po ba tayo?" 

"Malapit na po ma'am." 

Oh my gosh.. His voice is creepy.. Parang nanggaling sa ilalim ng banga. Tumingin ako sa labas ng bintana. Ang lakas pa rin ng ulan at sobrang dilim ng daan kaya di ko makita. Inaninag ko ng maayos yung labas at medyo kinabahan na ako. Dumadaan kami sa madilim na eskinita na hindi ko natatandaang dinaanan ko nung isang beses akong pumunta kina insan.

"Kuya, saan na po ba ito? Hindi po kasi pamilyar yung lugar at saka po parang masyadong madilim." pinipigilan kong hindi magshake yung boses ko kahit natatakot na ko.

Mr. Arrogant's MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon