MAM: Part 2

14 0 0
                                    

"Aray ko, insan! Bakit ka ba nambabatok?"

"Bakit ako nambabatok? Peste ka talaga! Anong silbi nyang cellphone mo at di ka man lang nagising sa alert ko!!" 

Beast mode na ko dito sa walang silbing pinsan ko, pagdating ko dito sa bahay nya, tulog na tulog. Samantalang muntik na kong mamatay kanina! >_<

"Malamang sa malamang insan, natutulog talaga ko. Gabi na kaya!"

"Alam mo bang muntik na kong mamatay kanina dahil sa manyakis na driver na yun?! Ikaw agad inalert ko kasi wala naman akong choice! Tapos madadatnan ko, humihilik ka pa!" pinaghahampas ko sya ng bag ko sa sobrang inis ko sa kanya.

"A-aray! Ano ba yang bag mo, bato? Ang tigas tigas oh!" 

Matigas? Pinagsasasabi nito? Abnorma----

"Oh my G! Si Mr. Piggy ko!" dali-dali kong binuksan yung bag ko at sinilip kung buo pa si Mr. Piggy! Pag nabasag lang talaga to, gugulpihin ko tong hinayupak na to.

Buo pa naman sya kaya okay lang. Phew!!

"Oh, sino yang kasama mo pinsan? Boyfriend mo?"

"Boyfriend mo muka mo!! Sya lang naman po yung tumulong saken para makarating dito sa bahay mo!"

Nakalimutan kong kasama ko nga pala si kuyang 7/11. Hindi pa nga pala ako nakakapagthank you.

"Kuyang 7/11, salamat sa paghatid ha. Pasensya na po sa abala." Nginitian lang ako ni Kuyang 7/11 tapos umalis na rin sya. Pagkaalis ni kuyang 7/11, agad kong binatukan ng pagkalakas-lakas tong pinsan ko.

"Aray! Nakakarami ka na ha! Ang bait- bait mo dun sa boyfriend mo tapos saken, nananakit ka!"

"Anong boyfriend sinasabi mo dyan? Gusto mo sakalin kita?"

Dyusko!! Lord, pigilan nyo po akong mapatay tong nilalang na to!!!

"Grabe ka saken pinsan ha. Magbihis ka na nga dun! Hindi ka ba nilalamig dito? Anlakas kaya ng aircon ko."

Oo nga noh. Kanina pa pala ko nilalamig. Hinampas ko ulit si insan. 

"Bakit ngayon mo lang sinabi?! Paepal ka talaga!"

Dali-dali kong kinuha yung bag ko at pumunta sa c.r. Maganda naman talaga itong bahay ni pinsan. Malaki sya tsaka halatang lalaki ang may-ari. Black and white yung motif ng mga gamit eh. Haha! Mukha tuloy syang zebra. :P

Oh my gulay! Nasan yung mga damit ko? Aishhh... Nasa maleta ko nga pala yun. Pesteng taxi driver yun! Nasa compartment ng taxi nya yung maleta ko. Paano na to??

Buti na lang hindi pa ko nakakapaghubad ng damit ko. Binulabog ko ulit si insan.. Bahala sya dyan.. Kailangan ko ng damit eh.

"Hoy! Ibili mo muna ako ng damit!"

"Ha? Anong damit? May damit ka naman dyan insan eh!"

"Wala nga akong damit! Nasa compartment nung taxi driver kanina"

"Bakit di mo kasi kinuha?"

Ay dinaanan na naman ng pagkastupido si Raphael!!

"Hoy Raphael Fajardo !! Hindi ka ba nakikinig saken? Paano ko kukunin yun kung hinahabol na ko ng kagaya mong manyakis?"

Oo. Kagaya nya talaga. Palibhasa babaero din to.

"Hoy ka din Scarlett Fajardo! Hindi ako manyakis noh.. San naman ako bibili ng damit eh midnight na."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Arrogant's MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon