PUNGSOY

27 0 0
                                    

TEASER

"KUNG GUSTO MONG MAGKAANAK, MAYROON KAPANG TWO YEARS PARA GAWIN. After that, hindi na kaya ng matris mo na bumuo ."

Halos maglupasay ako nang marinig ko iyon sa doctor . Alangan namang magtatatalon pako eh hindi na nga raw ako magkakaanak.   Kung alam ko lang ba na ganito ang kahihinatnan ng buhay ko, edi sana nagpagahasa nalang ako sa mga callboy na nakatambay sa mall o sa daanan . Kesa naman di na magkaanak .

 

 

Wala namang ganitong nakalagay sa HOROSCOPE ko eh . Nakalagay lang suswertehin raw araw araw. LINTEK. Eto ba yung swerte?!

 

 

nawili naman kasi ako sa takbo ng panahon eh. Nasanay akong single, lumilipas na pala ako.

 

 

 

Im 28 years old. Sino pa kayang yummy ,single at gwapong kalahi ni Adan ang magkakagusto sa akin? Lahat sila may asawa na . Ewan ko lang yung ex ko.    Pwe!   

 

 

Bakit koba nabanggit ang impaktong yun!  Doon na sya sa ibang bansa Tse! 

 

 

 

Ako nga pala si Elma Ching. Hindi ko tunay na pangalan ang Elma , binigay lang ng yaya ko dahil raw kamukha ko si Elmo ng Sesame Street . Natutuwa ako nung bata ako pero ngayon ko naisip na hindi pala magandang bagay yung sabihan ka ng kamukha ni Elmo .   

 

 

 

 

Ah-ne ang tunay kong pangalan . Sobrang busy sa business nilang tindahan sa divisoria ang mga magulang kong Intsik kaya hindi na yata pinag isipan ang pangalan ko .Kung naging lalaki siguro ako baka ako si Ah-toy. eh babae nga,kaya  Ah-Ne Ching.

 

 

 

Eto ang kwento ko, Kung paano ako maghahanap ng lalaking magdidilig sa matris kong mag-eexpire na within 2 years. hhaaay!!

 

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PUNGSOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon