And Its All About Him (On going)

396 4 2
                                    

LOVE.....

salitang ang daling sabihin pero ang hirap i-explain once na pumasok ka na sa ganitong emosyon.

Kung isa kang loveless na naghahanap pa kay Mr/s. Right One napakadaling sabihin na ang love is blind, love can move mountain or kahit ano pang ka echosan na kabaduyan pero believe me kapag nasa "LOVE" stage ka na ang tanging definition nang love ay SIYA. :) ♥

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"SACHIIIIIIIIIIIIIIIIIII!" sigaw ni Aye habang papalapit sa akin.

-_- "Bakit ngayon ka lang? Normally naman ang aga mo ah?" paguusisa ko nung lumapit siya sa akin.

"Sorry naman bruha! si Saya kasi sabi intayin ko daw siya tapos kanina biruin mo kagigising lang!" sagot niya sa akin tapos may kinalkal sa bag.

" Yuck ewww. Yan tuloy hagard na ako nakakahiya sa mga papa ko na makakakita sa akin T_T" pagpapatuloy niya nang makuha ung salamin sa bag niya.

"Sus itsurang yan mahahagard? weh? mukha ka ngang fresh ee akin na yan!"  tapos inagaw ko ung salamin sa kanya at tumingin sa salamin. "Look mas hagard akong tingnan oh!"

"Whatever! basta akin na yan" tapos kinuha niya ung salamin sa akin at nagyayang umupo.

Ok bago pa lumayo ang usapan let me introduce you Aye and Saya ang aking two best friends. kung baga kasama ko sa hirap at saya. Wala ako masyadong masasabi about sa kanila basta you'll know them more kapag nagpatuloy kayo magbasa. :D

And back to story >.

"Teka Sachi. pede makahingi nang favor?" pabulong na imik ni Aye nung matapos siyang magpowder.

"Ano yun?" tanong ko at lumapit sa kanya.

"Nakikita mo ba ung lalaking un?" Tapos may itinuro siyang lalakeng nakatalikod sa labas nang 7eleven.

Pinagmasdan ko muna ung lalaki tsaka sumagot kay aye "uhm Hindi bakit?"

"ah ee kasi may utang sa akin ung taong yan ee pwede ba singilin mo naman nahihiya lang ako."  tapos nang puppy eye siya with matching pout pa.

"Ee kung ayoko?"

"Sus ikaw tatanggi? HAHAHA malabo ang bait mo kaya di guh?"  tapos nag smile pa siya na abot tenga.

-_-"

"tsk oo na nga! ano pa nga ba?" asan na ba kasi si Saya nauuto na ako ni Aye. 

"yehey! basta ganito ha! Ibulong mo na lang sa kanya na ung utang niya ay bayaran na sa akin tas ituro mo ako. sabihin mo 300 un :)" -Aye

"kuh yan lang pala ikaw na ang magsabi!" -Me

"ala! ikaw na dali!" pagkasabi niya nun tinulak na niya ako.

Toinks kapag naman ganito ang hihingi nang favor talaga namang sisispagin kang sundin ung request niya ee napakaDEMANDING mag request. -_-"

Pagkalabas ko nung 7eleven huminga muna ako nang malalim tapos dahan-dahang lumapit dun sa lalaki. Nung nalapitan ko siya hinawakan ko ung isang balikat niya tapos mejo nilagyan ko nang force pababa para lumevel ung tenga niya sa bibig ko.

"uhm tol sorry na maistorbo ka pero ung friend ko na niningil nang utang sayo."

tapos confused na tumingin sa akin ung lalake. "Ha?"

And Its All About Him (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon