NOTE: ITALICS ARE FROM THE PAST.
ZAM HOWARD
"No we're leaving!" Sigaw ni mommy kay daddy. Kanina pa sila nag aaway at tanging pag iyak lang ang nagagawa ko habang yakap-yakap ako ni kuya.
Hindi ko alam kung ano ang pinagtatalunan nila ngunit alam kung hindi lang yun simpleng bagay dahil naka impake na si mommy at isasama kami ni kuya paalis sa bahay namin. Iiwan si dad.
"Kuya? what's happening?" napahikbi ako ng makasakay na kami sa kotse at unti-unting lumalayo sa bahay. Inalo niya lamang ako at hindi sumagot.
Nang makapasok ako sa kwartong pinagdalhan sa akin ay agad akong tumuloy sa bathroom at naligo. Mabuti nalamang ay may mga nakita akong mga damit na mukhang para sa akin talaga dahil tamang-tama ang sukat nito sa aking katawan.
Pagkatapos ay agad akong nakatulog at nagising nalamang ako dahil sa isang medyo magaspang na palad na humahaplos sa aking noo na dumausdos hanggang sa aking buhok.
"Who are you?" lumayo ako sa isang lalaking may matikas ang pangangatawan kahit na medyo may edad na ito. Pilit kong inaalala kung saan ko nakita ang kanyang mukha. Medyo malabo pa ang paningin ko buhat ng mahimbing na pagkakatulog. Kumunot ang noo ko ng mapagtanto kung sino siya.
Ilang taon na ang nakalipas ay ganoon parin ang kanyang mukha, tanging medyo makapal na bigote lamang ang dumagdag at nagpagwapo lalo sa lalaking una kong minahal. Unti-unting bumara ang lalamunan ko at nagbabadya ng pumatak ang mga luha sa aking pisngi. He's my first love. He's the man i've longing for how many years.
"D-ad." hindi ako makapaniwala na dito ko lamang ulit siya makikita pagkatapos ng mahabang panahon.
"Yes honey, it's me." even his voice never changed. Pakiramdam ko ay mas lalo ko siyang namiss ngayong magkaharap na kami.
Akmang yayakapin niya ako ngunit umatras ako mula sa pagkakaupo sa higaan. Umuling ako ng mapagtanto kung bakit namin siya iniwan at tinalikuran.
Mom told me that dad is a bad guy. Ayaw kong maniwala noon sa sinasabi ni mom ngunit unti-unting nalason ang pag-iisip ko sa katotohanang iyon ng makabalik kami ng Pilipinas at tumakas ako sa paningin ni mom upang balikan siya sa dati naming bahay. Nakita ko kung paano niya itinutok sa isang lalaki ang isang baril at pinutok iyon sa sentido nito. He's a killer. Tumakbo ako palayo sakanya at kinamuhian siya simula ng araw na iyon hanggang ngayon.
"Go out and leave me. I hate you!" nanlamig ako at itinuro sakanya ang pintuan.
"Kung ano man ang mga sinabi ng mommy mo ay hindi iyon totoo. You are the heiress of our clan and you have to deal with it." maagap na sabi niya at hindi pinansin ang pagpapalabas ko sakanya. Lalong namuo ang galit sa aking dibdib. He's not that man anymore.
"Deal with it? Saan dad? Sa walang awang pagpatay ng mga inosenteng tao? You're unbelievable!" sigaw ko ngunit tumawa lamang siya at tinitigan ako na parang hindi makapaniwala sa inaasta ko sakanya.
"Wala ng inosente sa mga panahon ngayon. Lahat ng mga nasa paligid mo na tingin mo ay dapat pagkatiwalaan nagkakamali ka. They only drag you to death!"
"Siguro ay nasasabi mo iyan dahil kahit kaming pamilya mo ay tinalikuran ka!" walang pag aalinlangang sinabi ko at agad na lumagapak ang kanyang palad sa aking pisngi. Namanhid ito dahil sa lakas ng kanyang sampal.
"Hindi ikaw yan dad. You are a good man back then. Ikaw yung lalaking una kong pinagkatiwalaan." hindi ko napigilan ang pagkabasag ng aking boses.
"Hindi yan ang dahilan kung bakit ka nandito. You are here to carry our empire's authority. If killing those heiress of other empires will be the only way, you have to do it kung ayaw mong unahan ka nila at paputukan ang iyong ulo mula saiyong likuran." balewalang sabi niya at nagmartsa sya palabas ng kwarto.
So that's it? Nandito kaming tatlo upang magpatayan? That won't happen! Gagawin ko ang lahat upang hindi mangyari iyon. Kailangan kong makausap ang dalawa. Kung kailangan kong suwayin si dad at talikuran siya ng paulit-ulit ay gagawin ko maitama lang ang lahat ng ito.
Kinabukasan ay nagising akong namamaga ang aking mga mata. Bago ako tuluyang tumayo ay hinaplos ko ang kwintas na ibinigay saa min ng kung sino sabi ni Yui. Hindi ko alam pero nagawa nitong pagaanin kahit papaano ang napakabigat kong pakiramdam.
I miss Yui. Sana ay pumunta na siya rito para kunin kami. Gusto ko ng mag out of town kasama silang tatlo at yung mga buntot niya lalo na si Kenji. Namimiss ko na yung lalaking may pulang buhok na yun.
Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas ako ng kwarto. Nasaan ba yung kwarto nung dalawa? Habang binabagtas ko ang pasilyo ay binubuksan ko ang bawat pintong madadaanan ko.
Pumasok ako sa unang kwartong malapit sa kwarto ko. Walang tao doon kaya lumabas na ako. Bubuksan ko na ang ikalawang kwarto ngunit natigilan ako dahil may mga narinig akong mga taong nag-uusap sa loob.
Sumilip ako at doon ay nakita ko ang isang babaeng may makinis na mukha tulad ni Mommy. Shit. Oo nga pala, kumusta na kaya si mommy? Panigurado nag-aalala na iyon. Pati si kuya, lagot ako sakanya dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin nasusuli yung credit card na pinahiram niya sakin.
"Siguraduhin niyong bawat ikikilos nila ay mabantayan niyo. Gawin niyong malinis ang mga trabaho niyo." yun lang ang narinig kong sinabi ng babae at maingat kong isinara ang pintuan dahil palabas na yung tatlong lalaking kausap niya.
Mabilis akong nagmartsa palayo at sakto namang nakasalubong ko ang dalawa.
"Kanina ko pa kayo hinahanap!" Nakangiti kong salubong sakanila pero hindi man nila ako pinansin at diretso ang lakad nila kasama yung dalawang babae kahapon na umalalay din samin.
Nagkibit balikat nalang ako at sinundan sila.
Habang nagmamartsa ay naalala ko ang usapan namin ni dad. Gustuhin ko man na paniwalaang isa iyong panaginip ngunit ang bawat pasilyong tinatahak namin ngayon ay nagsisilbing isang sampal sa akin.
**
BINABASA MO ANG
The Mafia Heiress (Completed)
ActionBeing the heiress of a clan sounds easy and maybe it's more easier if your blood runs into it. But nothing is more easier than to be a mafia heiress. All you have to do is to kill and be heartless. Do some illegal transactions to maintain your power...