Matapos nyang may kausapin dun sa cellphone ay bumalik na sya sa loob at naabutan nya akong kumakain ng orange,lumapit naman sya sa'kin
"Kanina ka pa ba kumakain nyang orange??"tanong nya sa'kin.Nag nod naman ako sa kanya sabay subo ako ng hawak kong orange slice
"Sino nga pala kinausap mo dun sa labas?"tanong ko sa kanya at agad naman syang umiling
"Wala lang yun...sina allaina lang kausap ko"sabi nya sa'kin sabay umupo sya sa gilid ng kama ko sabay nagbalat ng orange.Agad ko naman kinuha sa kanya yun
"Ako na magbabalat nyan"sabi ko sabay tuluyan nang binalatan yung orange na hawak nya,matapos kong balatan yun ay kinain na nya yung orange.Maya maya naman ay nilapitan kami nung nurse sa clinic
"Ahm,pwede ka ng makalabas totoy"sabi nung nurse na lumapit sa'min. Hay buti na lang Sprain lang ang inabot ko...Anyway habang nag uusap kami ay nagulat kami ng may lumapit sa'min
"So dahil ba yan sa pagpapasikat mo dyan kay Scarlett??"cold na sabi ni Andrew sa'kin,siniko naman sya ni liam ng mahina
"Buti naman ok ka lang Andrei"sabi ni Liam ng nakangiti.Magsasalita na sana ako ng biglang may nauna na sa'kin
"SCARLETTTT!!!!"napatingin naman kami dun sa nagsalita,and it's no other than Allaina Javier
"Allaina?ang aga mo ata??"sabi ni Scarlett habang nakatingin sa kanya at agad naman syang hinila ni Allaina paalis at bago pa man sila maka alis ay agad na sabi ni Andrew
"Umagang umaga ang sungit"walang emosyon nyang sabi kay allaina kaya ayun napatigil sila sabay tumingin si Allaina kay andrew at nagka
Titigan nga sila...pero agad din yung nawala nang magsalita ulit si Andrew
"Ilayo mo nga yang mukha mo sa'kin"Cold na sabi ni andrew,at ayun agad naman nag crossarms si allaina
"Sus,nagagandahan ka lang sa'kin eh"pasungit na sabi ni Allaina sabay roll eyes,magsasalita pa sana si allaina ng biglang pumigil si Drake
"Ahm..guys stop that argument"pagpigil ni Drake dun sa dalawa,hinila naman ni Markus si Allaina palapit sa kanya
"Ikaw talaga,ang liit liit mo ang hilig mo makipag away"Pang aasar ni Markus kay allaina.At bago pa nga magkagulo ay umentra na'ko
"Ahm..guys?since were too early here para pumasok sa room ay why don't we go to the convenience store for a while"suggest ko...agad naman nagsalita si Tobi
"OO nga...nagugutom na'ko eh,in fact di ako nakakain ng breakfast dahil sa mga to"sabi nya sabay turo dun kina allaina
"SOOOOO LET'S GOOO!!"sabi ko sabay nauna kami ni Scarlett na mag lakad...ng makarating kami dun sa convenience store ay napansin ko na agad lumapit si Scarlett dun mga donuts,kaya napangiti ako at lumapit sa kanya
"You like donuts??"tanong ko sa kanya,tumingin naman sya sa'kin at ngumiti.
"I like it ever since"sabi nya sabay kumuha ng lagayan at nilagyan ito ng mga maliliit na donuts that we call Smidgets...anyway matapos naminlahat kumuha ng makakain ay nagbayad na kami sa counter at tumambay muna sa dun sa table na nasa labas at dun namin kinain ang mga binili namin...nagulat naman ako ng ayain ako ni Scarlett na kumagat dun sa hawak nyang smidgets.Kaya naman kumagat ako dun at ngumiti naman sya,ang cute nya talaga pag ngumingiti sya..she lightens up a day.
*KAYLEE
"ARE YOU JEALOUS OF MINNIE!?"
"HINDI NO!TSAKA ANO BA PAKE KO SA INYO?!"
"I'M ASKING YOU...ARE YOU JEALOUS OF MINNIE?!"
"HINDI HINDI HINDI!"
Napadilat nalang ako dahil dun sa panaginip ko tungkol dun sa tanong ni Aiden sa'kin nung araw na yun,kaya naman huminga ako ng malalim at tumayo na sa kama ko at pumasok sa banyo sabay naligo na...hay ba't ba napanaginipan ko yung scene na yun??hay nababaliw ka lang Kaylee,anyway matapos kong maligo ay nag ayos na'ko ng sarili then lumabas na sa kwarto ko at bumaba na'ko papunta sa kusina and i saw my dad sitting while sipping coffee.Agad ko naman syang nilapitan at kiniss sa pisngi
"Good morning Dad"pagbati ko sa kanya at ngumiti naman sya sabay baba dun sa cup na hawak nya,Pagka upo ko ay agad na akong pinag handaan ng breakfast..habang kumakain ako ay naalala ko na naman yung panaginip ko,hay totoo bang nagseselos ako dun sa minnie mouse na yun?tsaka ba't ganon na lang ba ang reaction ko dun?ang gulo gulo naman ng utak ko...anyway matapos namin kumain ng breakfast ay nag ayos na'ko ng sarili at sinabay na'ko ni daddy sa kotse since dun din naman ang daan papunta sa work nya.Habang nasa biyahe kami ay nag cellphone muna ako at nag scroll lang dun sa reels ng fb,habang nanonood ako ay biglang may nag message sa'kin at nagulat ako dun sa nag pop up na pfp...si...si...AIDEN?ano naman kaya yung kailangan nya sa'kin??
(Messenger)
Aiden Axel Campbell:
Meet me at the GYMNASIUM
Ayan lang naman ang nabasa ko dun sa chat nya...ano naman kaya yun at bakit sa gymnasium pa nya kailangang sabihin yun?hay bahala na... tsaka who cares?...eh alam ko naman na wala akong ginawa,anyway maya maya ay nakarating na'ko sa school,kaya naman bumaba na'ko sa kotse at nagbabye kay dad.Pagka alis nya ay naglakad na ako sa loob ng gate,habang naglalakad ako ay bigla kong naisip yung chat ni Aiden na magkikita kami sa gymnasium...tutuloy ba ako o wag na lang? Eh baka kasi makita ko na naman yung mukha nung MINNIE MOUSE na yun.Kaya naman di na ako pumunta sa gymnasium at naglakad na lang ako papunta dun sa building ng classroom namin,At pagpunta ko dun sa academic building ay pumasok na ako at umakyat sa hagdan na masakit sa tuhod.Anyway habang umaakyat ako ay nakasalubong ko yung kakambal ni Aiden
"Oh Kaylee andyan ka pala si Ai---"di ko na pinatuloy ang sasabihin nya dahil nilagpasan ko lang sya,hay ayokong makipag usap sa kahit sino sa inyong dalawa...Maya maya ay nakarating din ako sa classroom hay salamat naman,anyway agad na'kong umupo sabay nag cellphone ako...habang busy ako ay bigla na lang may nagpatong ng kamay sa desk ko,kaya naman napatingin ako sa kanya
"Good thing i didn't wait for you for so long dun sa Gymnasium"sabi nya kaya naman napatingin ako dun sa nagsalita at napa simangot ako
"Ano na naman Aiden?"pataray kong tanong sa kanya sabay tingin ulit ako sa cellphone ko,at nagulat naman ako ng bigla nyang hatakin ang kamay ko sabay lumabas kami ng classroom...
"Saan mo ba ako dadalhin Aiden??"sabi ko habang pilit na bumibitiw sa kanya...maya maya ay nakarating din kami sa...GYMNASIUM?
"Kaylee let's talk please?"sabi nya habang nakatingin sa'kin at nag crossarms naman ako saby talikod sa kanya,hinawakan naman nya ako sa dalawang braso ko at iniharap ako sa kanya
"Please?Can we be friends again?"sabi nya with puppy eyes kaya naman napa roll eyes ako
"Sige na nga...mapilit ka eh"sabi ko habang naka crossarms,pero bago pa man ako makapag react ay niyakap na nya ako...agad ko naman sya tinangal dun sa pagkaka yakap nya at medyo nilayo sya,Agad naman syang ngumiti
"So...tara na sa room?baka marami nang tao dun at baka rin kasi hinahanap ng mga friends mo"sabi nya sabay hila na naman sa'kin palabas ng gymnasium...At ng makabalik kami sa room ay nagulat kami kasi andami na palang tao at andun na nga rin ang mga friends ko at nakatingin sa'kin habang nakangiti na parang nang aasar,maya maya ay dumating na ang teacher namin kaya naman bumalik na kami ni aiden sa kanya kanya naming upuan.Anyway pagkaupo namin ay agad na nagsalita yung teacher
"Ok class...were having our activity today,so find a partner"sabi ni sir kaya naman agad akong tumingin dun sa dalawa
"Guys pa--"di ko natuloy ang sasabihin ko ng makita kong nakatingin sila hailey at phoebe.At agad naman sabi ni Phoebe
"Kami na ni Hailey ang partner"sabi ni phoebe kaya naman nag roll eyes ako sabay tumayo para maghanap ng ka partner at bigla naman akong nagukat ng may magsalita sa likod ko
"Looks like tayo na ang partner ah"sabi nya...napatingin naman ako sabay ngumiti
*AUSTIN AURUSH
"BHE!partner nalang tayoooo"
"Uy pare...buti na lang magkatabi tayo"
"Waaaaaah sino pwede kong partner?"
Ayan lang naman ang naririnig ko mula sa buong paligid ko,and also nag hahanap din ako ng ka partner kasi ang magaling ko lang naman na kakambal ay iniwan ako at nakipag partner dun kay Kaylee,anyway habang naghahanap ako ng ka partner ay biglang may kumalabit sa'kin
"A-ahm...p-pwede bang makipag partner??"napatingin ako sa kanya
"Oh...ahm...sige"sabi ko sabay ngiti,anyway matapos makahanap lahat ng partner ay umupo na muna kami ng partner partner
"Ok class,since kumpleto na kayo lahat ay i want you all to answer this activity paper"sabi ng teacher sabay pakita dun sa hawak nyang papel na maraming nakasulat,naku mapupudpod ang utak naming lahat dun sa dami ng nakasulat...anyway pinamigay na nya yun at pagkakuha ko nung papel ay nag start na kami na mag solve,Nagtulungan naman kami ng ka partner ko na mag solve dun sa mga nakasulat sa papel.Hay ano na kaya ang nangyayari sa papel ni Aiden at ng ka partner nya?At habang busy ang lahat ay tumingin ako dun sa pwesgo kung asan si Austin at ang ka partner nya...buti naman at nakakapag sagot silang dalawa,kaya naman nakampante na ako at nag focus na sa gawain ko...
