"Gusto ko ng kape," ito'y aking paboritong kataga. Kapag ako'y masaya, lalong-lalo na kung ako'y malungkot. Minsan may nagbibigay, kadalasan ay wala. Matanda na ako, kaya ko na ang sarili ko. Bakit hindi na lang ako ang magtimpla? Nakakatawa. Gusto ko lang namang magkwento, ng taga-pakinig. Naiintindihan niyo ba?
Isang pakete ng pag-iintindi at matamis na ngiti. Kasalo sa mapait kong buhay. Baka sa kabilang buhay doon ko mahahanap ang taong magtitimpla ng pake, para sa akin. Hindi ito kaduwagan, matapang lang ako, kasing tapang ng kapeng may halong racumin na aking iinumin. Gusto ko ng pake.
BINABASA MO ANG
Pakape
RandomItaga mo man sa init at pait ng kape, wala na akong pake sa sakit at sugat na iyong dulot.