Best 3

4.3K 118 3
                                    

Chapter 3

Naiwan sila Celix at Herald sa loob ng conference room. 


"Ang yabang mo kanina kabago bago mo palang kala mo may ipagmamalaki kana?" ang inis na sabi ni Herald


"Yan ba ang sasabihin mo sa akin tanda?" ang ngising sabi ni Celix


"How come na tawagin mo kong Tanda?!" Ang tanong ni Herald 


"Tinatanong pa ba yan! Ang tagal mo na sa showbiz! Matanda kana! Hahaha!!!!" 


Bigla naman napatayo si Herald na akmang susuntukin si Celix. Ngunit di niya itinuloy yun. 


Samantala si Celix ay nakaramdam ng kaba at takot pero di niya pinahalata kay Herald


Nanatili lang siya nakaupo. 


"bat di mo ituloy yang pagsuntok sa mukha ko. Tignan lang natin kung mapapasama ka pa sa movie project na ito" ang ngising sabi ni Celix at tumayo na ito at pumunta na sa pinto pero bago siya lumabas ng tuluyan sa kuwarto iyon ay humarap muna siya kay Herald


"Kung inaakala mo na makukuha mo ang role ni Lorenzo pwes nagkakamali ka. Ikaw ang nanalo noon. Ako naman ang mananalo ngayon" tuluyan na siya lumabas. 


Naiwan na nagiisip si Herald sa sinabi ni Celix sa kanya. 


"Ano ang ibig sabihin niya na ako ang nanalo noon?" ang tanong sa sarili ni Herald


Naghintay muna sandali si Herald sa loob bago siya lumabas sa conference room. 


Gabi na nakauwi sila Celix at si Peachy sa condo unit nila. 


Pagpasok palang ni Celix sa condo ay nagtatalon siya sa tuwa dahil nakuha niya ang isa sa mga lead role ng Jail Love Story pero di pa siya buong masaya dahil ang gustong niyang makuha ay ang role ni Lorenzo


"Wag ka muna magpakasaya dahil di pa natin alam kung sino sa inyo dalawa ni Herald ang makakakuha sa role ni Lorenzo" ang maarteng sabi ni Peachy at pumunta na siya sa kusina para makapagluto na siya. Dahil ayaw ni Celix na kumain sa labas dahil masarap magluto si Peachy. 


"Oo alam ko. Pero di ko alam kung ano ang ipapagawang audition ni Kiel sa aming dalawa" 


"Mabuti pa pumunta ka sa kuwarto ko at kunin mo yung libro ng Jail Love Story at basahin mo ito para maintindihan mo mabuti ang storya" 


"Pero naikwento mo na sa akin diba? Ok na yun" 


"Adik ka ba Celix wag kang ganyan ito ang kauna unahang movie project mo kaya ayusin mo. Heto ang magiging batayan kung aangat o babagsak ka. Tsaka di ka naman nakinig adik ka! Natulog ka!" 


Napakamot ng ulo si Celix at pumunta sa kuwarto ni Peachy upang kunin ang libro. 


Habang hinihintay niyang matapos maluto ang nilulutong pagkain ni Peachy ay abala siyang nagbabasa ng libro. 


Napangiti naman si Peachy sa kanyang nakita na seryosong nagbabasa si Celix. 


Naisip niya na sana wag lumaki ang ulo ni Celix kapag nakuha na niya ang inaasam niyang kasikatan. 


Samantalang si Herald ay imbes na umuwi nalang sa condo ay nagpunta siya sa isang high class at sikat na bar upang uminom. Lagi siyang nagpupunta dito kapag stress sa trabaho. 


Naupo na siya sa paborito niyang pwesto sa bar counter at nagorder ng maiinom niya. Ayaw niyang magpakalasing ngayon chillax lang ang gusto niya. 


Iniisip niya pa din kung ano ang ibig sabihin ni Celix kanina. 


Dumarami na ang mga tao sa bar at di namamalayan ni Herald ay napaparami na din ang inom niya. 


"Oh my GOD! Totoo nga ang sinasabi nila" ang bilang sabi ng isang babaeng nasa likod niya kaya naman napaharap siya dito at binigyan ng isang makalaglag panty na ngiti. 


"Gwapo at hot and super duper yummy ka nga sa personal" ang kinilig na sabi ng babae


"Masyado mo naman ako pinuri. Anyway thank you sa compliment" 


"Puwede po bang selfie po tayo" 


"Sure why not" 


Matapos makapagselfie ang babae ay nakipagkwentuhan muna siya dito bago umuwi sa condo niya. 


Malakas sa tolerance sa alak si Herald kaya nakapagdrive pa siya pauwi sa condo unit niya. 


Wala na siyang paki kung may makakita pa sa kanyang paparazzi. 



______________________



Celix POV 


"Ganun pala ang kwento ng Jail Love Story parang true to life story siya" ang takang tanong ni Celix sa kanyang sarili


"Yun nga ang chismiss sa apat na sulok ng Jail Love Story di sinabi ni Kiel kung totoo ba o hindi ang story na yan kaya naman parang pancake kung maubos ang kopya ng Jail love story para lang malaman ng mga tao kung paano ba nasabi ng ibang tao na totoo ang story na yun. Inshort na curious ang mga tao yan ang na gamit ni Kiel Santos para maging sikat at best selling book ang libro niya. 


Tumango tango lang si Celix at pinagpatuloy niya ang pagkain. 


Im The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon