Heto na naman ako, Umiiyak As Usual. T^T Ano pa nga bang Bago? Pinagbababato lang naman nila ako ng mga Itlog kanina sa Hallway. Hindi tuloy ako nakaattend ng 2 Class ko at ang Masama, Lalabas ako dito ng Ganito pa rin ang Suot, Wala naman kase akong Extrang Uniform.
Apat na Taon..
Apat na Taon na akong Binubully at Ipinapahiya, Hindi na ba sila nagsasawa? Simula ng pumasok ako dito bilang 1st Year College, Hanggang sa Huling Year ko Ganun pa rin? Bakit nga ba ako ang laging nabubully dito? May Itsura naman ako, Ang ganda ko nga eh. Pero bakit Ganito? Lagi nalang ako ang Ginagawa nilang Katatawanan para sa kanila.
Dahil ba Hindi ako ganun karunong maki-Socialize sa Kanila ?
O Dahil lang sa Estado ng Pamumuhay namin? Porket ba Hindi ako ganoon ka-Yaman gaya nila?
Lagi nalang bang yan ang gagawing batayan para makahanap at pumili ng mga kaibigan? Ang KAYAMANAN? Eh, Paano nalang pala ang kaagaya ko ngayon? Wala na bang karapatan magkaroon ng Kaibigan?
Haha! Ay Teka Tama na nga ito, Andito na naman pala ako dinala ng mga Paa ko. Sa lugar kung saan ako nagiging Masaya. Sa Lugar na nakakaintindi saakin. Sa Tapat ng Pader na ito na nasasabi ko lahat ng gusto kong Sabihin. Sa Tapat nito na siya lang ang natataning Kaibigan ko. Yung mga Walang Huhusgang mga Mata saakin, Kasi wala rin naman talaga siyang Mata Literally. -__-"
Sa Tapat nito, Na Nagagawa ko ang mga gusto kong Gawin ng Walang Bawal at Walang Takot na ipahayag ang Tunay na JEN DELA ROSA. Haha! Nakakatawa talaga ako, Masyado na akong Disperadong magkaroon ng Kaibigan na kahit Ultimo Pader, Pinatos ko na.
Sa Rooftop na ito, Kitang Kita ko ang lahat. Ang Buong Unibersidad na ito. Buti nalang talaga at Magulo't masukal dito kaya Wala masyadong pumupunta rito kundi ako lang. Mga Mayayaman kase e, kaya natural Maarte rin.
Hindi naman talaga ako makakapasok rito kung Hindi dahil sa Scholarship na natanggap ko. Dahil ang mga Magulang ko, Separated na. Si Mama nalang ang nagpapaaral saakin. Pero Naging miserable na siya simula nung iwan siya ng Aking ama. Kaya ako nalang ang natitirang Matino, Nag-aaral ako at the same time Nagpapart time ako bilang isang Waitress sa Restaurant.
---
Kinuha ko na ang post-it note sa Bag ko na naging kaibigan ko na naging kaibigan ko na for a Long Time, yung Pader na ito ang ginaawa ko nang sarili kong Freedom Wall, Diary kumbaga. Buti nalang at hindi ito nagsalita, Dahil baka Magrereklamo na ito sa Sobrang Dami at punung punong Post-It notes na nalagay ko na rito.
Nagsulat na ako habang tuloy parin ang pagpatak ng Luha ko.
'
---Hi. Andito na naman ata ako. Haha! Araw araw na ata no? Eh Ganun eh, Araw araw din ako umiiyak kundi dahil sa mga Taong ayaw saakin dito, Dahil naman sa Nanay kong Wala nang ginawa kundi ang maglasing. Ba't ba kase ang Gulo ng buhay ko eh noh?--
*Blagg*
HUH? May kung ano na tumunog doon sa may Bandang Pintuan. Kaya tumayo ako at Pumunta roon.