chapter 5

118 8 1
                                    

Chapter 5

Ethan's P. O. V

Kung kanina eh excite na excite ako ngayon na nandito sya sa harap namin ngayon eh di ako makapagsalita.

Hindi ako napipi dahil sa stunning sya . Eh halos mukhang nakapambahay lang nga sya eh pero di pa rin ako makapagsalita.

Paano ba naman kasi, si nathan niratsadahan agad. Psh di man lang ako makasingit sa usapan nila.

" hindi ka ba sasama sa class camp next month? " nathan

" di ko lang sure baka may lakad ako. " maxine

" once a year lang naman yun. " kent

" ano bang lakad mo? " dexter

" secret " sabi ni maxine ng nakangiti.

At nagpatuloy ulit sila sa paguusap. Ni hindi ko alam kung paano ako sisingit. Mukhang masarap nga talaga syang kausap puro sila tawa ng tawa eh.

" Anong tingin mo kay Ethan? " biglang tanong ni kent nq ikinagulat ko. Sa inis ko ay tinapakan ko ang paa nya na nasa ilalim ng lamesa.

"ARAY " biglang inda ni Maxine. Mukhang sya ang natapakan ko.
Napatingin namn sila sa akin.

" sos.... Sorr.... Sorry " nahihiyang sabi ko.

" so ano na nga, anong tinigin mo kay ethan? " ulit ni kent.

" Ethan? " sabi nya. ABA SABIHIN NYANG DI NYA PA AKO KILALA. KUNDI MAGPAPAKILALA AKO SA PARAANG DI NYA AKO MAKAKALIMUTAN. DI NYA MAKAKALIMUTAN ANG LABI KO HAHAHAHA

tumingin sya sa akin. Parang pinagaaralan ang mukha ko. Hindi ko alam pero nakaramdam bigla ako ng hiya. Inilapit nya pa ang mukha nya sa akin. Gusto kong yumuko pero basta ewan.

Bigla na lang syang ngumiti sa akin. Ewan pero nadala din ako sa ngiti nya kaya napangiti rin ako. Parang tumigil ang oras. Ang ganda pala ng mata nya,sobra...

" hmmmm.... Ayos lang " may ngiting sabi nya.

Bigla akong nakaramdam ng inis. Ako? Ayos lang? Pikon na pikon na talaga ako.

Umalis na lang ako, narinig ko ang pagtawag sa pangalan ko pero di ko pinansin yon. Nainiinis ako.

Nag muni muni muna ako sa labas ng makita ko si Hana isa sa mga toy koat tinawag nya na lang ako bigla.

Pag ka hi nya sa akin eh bigla ko na lang syang hinigit at hinalikan , nagulat sya pero gumanti rin agad.

Nang maghiwalay ang labi namin eh. Hinila nya na lang ako sa may sulok ng daan kung saan madilim. Naging gigil na gigil ang halik nya. Himas don himas dito hawak dun hawak dito.

" say you need me! " biglang sabi ko

" i need you " sabi nya

Hinalikan ko sya ulit at mabilis na pinaghiwalay ang labi namin. Hinabol nya pa ang labi ko pero pinigilan ko sya.

" say you want me " ako

" i f*cking want you " at nagpatuloy ulit kami.

Pagkapikit ko ay bigla na lang lumabas ang mukha ni Maxine sa isip ko. Sa gulat eh napatigil ako at nilayo ko sya agad sa akin.

Nagdedeliryo na ata ako. Nakita ko si maxine ang kaharap ko pero pagkurap ko ay nakita kong si hana ito.

Hinalikan nya ulit ako pero hiniwalay ko sya sa akin.

" stop " may fiin na sabi ko at iniwana ko sya duon.

Napasabunot ako sa buhok ko. Why am i like this? I dont like this feeling. I want myself back.
Malakas kong sinipa ang bato na nasa harap ko at lumipad ito. May tinamaan itong kotse pero di ko ito pinansin. May nakita ulit akong bato na mas malaki sa una.

" AHHHHHH " Sigaw ko at sinipa ang bato. Nakaramdam ako ng parang kuryente na dumaloy mula sa paa ko at bigla itong sumakit ng matinde. Nakadikit pala sa semento yung bato.

Pabagsak na ako ng may biglang humawak sa bewang ko. Ramdam ko ang pagyakap nya. Parang binalot nya ang buong katawan ko. Parang napakapayapa.

" Ayos ka lang ba? " bulong nya sa akin at naramdaman ko ang mainit na hininga nya sa may bandang tenga ko at bigla na lang akong napapikit at dinamdam ito.

" Ethan ayos ka lang ba? " muling sabi nya. At nakahawak pa rin sa bewang ko para di ako mahulog. Pinaling ko ang mukha ko para makita sya. Nagulat ako ng si Maxine pala ito.. Sa gulat eh pinilit kong kumawala sa yakap nya. At napaupo ako sa lupa.

" ARRAAAYY " SIGAW KO.

lumuhod sya at pumantay sa akin.

" psh ang tanga mo pala Ethan hahaha " tawa nya.

Naramdaman ko ang pag akyat ng lahat ng dugo sa mukha ko. napayuko ako bigla. .

Ngayon lang ako nagkaganito. Kahit kailan di ko ginusto itago ang mukha ko. Hindi ko ikinahiya itong mukha ko pero ngayon ayokong makita nya ang pamumula ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa kung ano man ang meron sa mukha .

MARAMING THANK YOU SA MGA NAGHINTAY NG UD. PARA SA INYO PO ITO HAHAHA

THE BOYISH AND THE CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon