Ms. Masungit.

45 4 1
                                    

[Mikel's POV]

"Manang Elisa, paki plantsa nalang din po ng polo ko para pag uwi ko mamaya galing ng school

nakahanda na po susuotin ko para sa party mamayang gabi ha? Thank you po manang. I love you,"

Kinuha ko na yong key ng motorbike ko at pupunta na sana ng school ng -------

"Kuya, pahiram ng car mo please?"

"San mo nanaman gagamitin Mariane? Napapadalas na yang pag hihiram mo saken ng car ah. Nasan na ba car mo?"

"Eh kuya, nakakahiya kasing mag commute lang papuntang school noh. And palagi nalang kasing nasisira yong car ko eh"

"Oh sige, sige. Basta gasolinahan mo yan ah?"

"Thanks kuya. The best ka talaga. I love you"

"Mag ingat ka"

Tinalikuran na niy ako at pumunta narin ako sa garage para kuhain yong motor bike ko.

Habang papunta ng school, may nakita akong tatlong babae.

Naglalakad lang sila. Sabagay, 20 minutes lang naman yong school kung lalakarin mo galing sa

bahay namin at 5 minutes naman kong sasakayin mo.

Di ko talaga maikakaila na naagaw ng aking pansin ang isang dilag sa kanilang tatlo.

Simple lang kasi siya manamit at balengkinitan ang katawan.

Hindi naman siya kaputian, hindi rin naman siya kaitiman.

Sumakto lang ang kulay ng balat niya sa kanyang mataas na ilong at mabibilog na mga mata.

Sayang! Di ko siya makikilala ng husto.

Kung nagkataong dala ko yong kotse ko, edi sana nahatid ko sila at nakikila pa siya ng husto.

Pero hindi eh. And worse, hiniram pa ng maganda kong kapatid car ko.

Hayy, sa susunod na nga lang.

"Tagal mo pre! Ilang oras na akong naghihintay sayo dito," sabi agad ni Iver sa akin. Kasalukuyan

lang namang ipinapark ko ang aking motor bike. Hindi ko naman kasi alam na dito siya

maghihintay eh.

"Grabe, 8:30 palang ah? 9:00 naman yong practice natin diba?"

"Eh manghihiram sana ako ng tab mo eh! Dala mo ba? Pa tumblr naman. May iuupdate lang ako.

Naiwan ko kasi yong tab ko sa bahay eh"

"Gago to. Akala ko pa naman kung ano. Kunin mo sa bag ko. Sauli mo agad yan. May gagamitan

din ako niyan. Tara na. Teka, nasan ba si Jerome?"

"Nasa court na. Don nalang daw tayo niya hihintayin. Alam mo na yon, ang daming nilalanding babae"

"Nga naman. Tara na"

Habang papuntang court, ang daming nagtitinginan at naghihiyawan sa amin ni Iver. Ano ba meron

sa aming dalawa? Well, sanay narin ako eh.

Sa tuwing dadaan ako sa school na to, di nawawalan ng hiyawan at tinginan.

Minsan nga parang ayoko ng lumabas ng room eh. Pero nasanay narin ako ng tumagal.

By the way, kaya nga pala magpapractice lang kami ngayon dahil binigyan kami ng Mrs Montes,

ang principal ng school ng special treatment.

Malapit na daw kasi yong finals ng game between Tabon University and De LaSalle John Bosco

College which is ang school namin.

Hindi pa daw kasi natatalo ang campus namin eversince sa basketball.

Katulad nga ng inaasahan, nandun nga si Jerome sa court at nakikipag landian.

Sabagay, gwapo naman talaga si Jerome eh. Moreno, may hugis ang ilong, hubog na hubog ang

katawan at may malakas na karisma. Pero Chickboy nga lang.

"Huy Jerome, tigilan mo na yan, mag insayo na tayo," awat ko sa kanya.

Narinig ko pa ang sinabi ni Jerome sa mga bababeng nakapaligid sa kanya.

Teka muna girls ha. Practice lang muna kami. Mamaya nalang ha? Sige.

Si Jerome talag kahit kailan. Sa isip-isip ko.

Iniwan na ni Jerome ang mga babae at pinuntahan ako.

"Oh Mikel, bakit ang aga niyo tol?" takang tanong ni Jerome sa akin habang inaakbayan ako.

"Its better to be early than to be late"

"Ahhh"

Hindi na agad namin pinag-usapan ang pambabae ni Jerome. At agad na nagsimula sa nasabing practice.

Hindi naman sa nagbubuhat ng sariling bangko pero para samin ay kami na ang magiging panalo. 

Kaming tatlo ang naging star player nong last year na nag laban ang school namin again Tabon University.

Matapos ang practice namin ay dumiretso kami ng canteen.

"Iver, akin na nga yong tab ko," sabi ko sa kanya.

"Teka. Hindi pa ko tapos sa pagbo'blog eh. Naglolong post kasi ako." sabi niya

"Naku Iver. Gwapo nanaman din tayo eh. Famous narin naman tayo sa tumblr. Hindi mo na kailangan mag long post ng mag long post. Marami narin naman tayong followers diba Mikel?" Sabi ni Jerome.

"Ewan ko nga sa inyo," habang naglalakad ay hindi ko inakalang makikita ko ang babaeng nakita ko kanina.

Kinabahan ako.

Hindi ko alam kung san ako titingin.

Kaya ang ginawa ko'y inagaw nalang ang tab kay Iver habang hindi nakatingin sa daan.

Kaso nangyaring----------

"Sa susunod kasi, tingin-tingin din sa dinadaanan pag may time," sabi niya.

Yan tuloy ang inabot ko sa kanya.

Kasalanan niya eh.

Kung hindi lang siya maganda eh di sana hindi ako naging ganon noh.

Sa school lahat ng babae nakatingin saken. Hindi ako magawang ganunin pero siya? Nakakaiba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kahit sa TUMBLR lang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon