Casanova and his Best friend

574 13 0
                                    

[KEN's POV]

 Total Revision ~

 ------------------------
 

"Kyaaaaaaaa~! Hiii Ken!"

 

"Keeeeeeeen!!! Ang gwapo moooooo!"

"Akin ka na lang Ken!"

"Crush kita Ken!"

 Yan lagi naririnig ko. Nakakabingi na. -___- nakakabasag na ng ear drums. wala nang ibang nasasabi eh. Kung tsina-charge lang mga 'to?? ay malamang, linagyan ko na ng muriatic acid para BOOOOOOOOOOM! Sabog na. :D wala ng maingay. masaya na lahat! XD Nakakainis na rin kasi minsan. Di na ako binigyang privacy ng mga tao.  Ayoko sana magreklamo pero sumusobra na rin eh.

Oh well, by the way, Ken del Valle's the name. Well, uhmm.. ako lang naman ang Casanova na anak ng may-ari ng school na 'to, ang del Valle High. Mwahahahahaha! so, may angal? Wag na.

So, okay, kababalik lang namin after a very looong Semestral Break. Kaya ayan! Nagkakagulo ang mga girls at girl in-heart na mga alien, di, joke lang, mga lalaking baliktad ang puso, in short, pati bakla baliw na sa'kin. Sino bang di makakamiss sa'kin? Sa gwa-----------------------.

"Keeeeeeeeeen! Duuude!!!" -see? ganyan ako ka-irresistible. Napalingon ako sa tumawag sa'kin. luuuh, di man lang ako pinatapos sa speech ko...sa isip nga lang. kapal ko naman para ipagsigawan pa talaga yun. (kahit, totoo naman.)

"Ano ba kelangan mo Chan?" - Sino si Chan? Best friend ko kaya "chan". Haha. Si Christian, Christian Renz Fortalejo, best friend ko.

Tinitigan ko si Christian. Di kasi umimik eh. -.-

"Ayyy.. parang may mali." -sabi niya sabay pasingkit ng mga mata na parang may sinusuri. Anong kalokohan na naman ang pinagsasabi nito?

"Huh? di kita maintindihan." -srsly? anong sumapi sa lalaking 'to? (  -.-" )

"hindi ikaw si Ken! ibalik mo siyaaaa. ibalik mo bestfriend kong loko-loko!!" - gusto kong manghampas ng tao. Wala nang makakapigil sa'kin.

 

Kaya ayun, hinampas ko si Christian....

"Si Ken ka naaaaa!" -sabi niya sabay himas sa ulo niya. dun ko siya hinampas eh. at talagang tumatawa pa siya. -____-

"Haaa? Ano ba pinagsasabi mo? Kanina ka pa parang may sapi ah." - pagkasabing-pagkasabi ko nun, pinaghahampas ko na naman siya.

"Wala kasi yung panghahampas eh. kaya, kulang ang katauhan ni Ken kanina. Pero, oooy, captain, dume-demonyo ka na. Naloka na yang likod kooo! Araaay~!" -sabi niya. tapos patakbo-takbo siya para di ko na maabutan.

 

Mahal ko tong kutong lupang 'to eh kaya ganito ang welcome back present ko sa kanya.

Matapos ko siyang patayin, joke. Matapos ko siyang paghahampasin, huminto na rin kami. Nakakapagod eh.

 

"Pre, sakit nun ah? Ngayon nga lang tayo nagkita ulit, nanghahampas ka pa ng pagkawagas-wagas. Tsss. Daig mo pang babaeng kinilig kung manghampas." -sabi niya tapos sabay hagalpak ng tawa. Tsss. Nasabi talaga niya yun? -__-

"HA-HA! Tatawa na lang ako. Gusto mo sapak pa?" - sabi ko sabay talikod sa kanya. Nasa may gate pa kaya kami. Pinagtitinginan na kasi kami nang ibang mga studyante. Kasi naman, ang Casanova kasama ang pinaka-charming na basketball player. -__- oh, eh di ako na masama dito. Pero gwapo naman.

"Kapitan!" -tawag ni Christian. Kasi nga umalis na ako.

"Oh? Ano na naman?" -tanong ko ng hindi man lang humihinto sa paglalakad.

"Ready na para Inter High?" -tanong niya. Nanghahamon ba 'to? Hahahaha!

"Malamang! Ako pa tinanong mo? *smirks " -sagot ko sa kanya.

Nagtaka kayo ba't ako tinatanong ni Christian about sa Inter High? Di ko ba nasabi na ako LANG naman ang Captain ng Basketball team. Third year pa nga lang ako pero, oo ako na ang captain ng team. Di ko ginamit ang parents ko to become one, di naman ako ganun kasama. Talagang nabiyayaan lang ako ni Lord at napunta lahat ng blessings sa akin.

"Hala! MAHANGIIIIIN!!!!" -sarkastikong sabi niya. Walangyang 'to. May acting pa na parang linilipad siya ng hangin.

"Kapal mo rin eh noh?" -sabi ko sabay batok sa kanya. Naha-highblood ako sa taong 'to.

"Joke lang Kap, 'to naman oh di mabiro." -sabi niya ng nakangisi.

"Mas mabuti pang pumunta na tayo sa room natin. Baka ma-late pa tayo." -sabi ko sa kanya. Kaya, naglalakad na kami papuntang room ng may nahagip ako sa paningin ko...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Konting edit, typos at mas formal na writing. Mas umikli 'to. Haha. Babawi na lang. :)

Em-em ♥

Reasons to Become One: Torpeng Casanova at Hidden-in-Disguise na NerdWhere stories live. Discover now