*************
Hala! Ako po si Tina Kayla Makahabla! Tikay ang tawag sakin ng marami. 19 anyos. Probinsyana po ako. Lumuwas ako dito sa Manila kasi makikipagsapalaran ako dito. Ayoko sanang gawin dahil masaya na ako kapiling ang mga ina-alagaan kong mga hayop. Peru dahil hinabilinan ako ng yumao kung nanay, gagawin ko na lang, alang sa kanya.
************************
Hala! Andaming tao! Palagi ba pista dito at pagkarami-raming naglalakad?
“Ale, may pista po ba dini?” tanong ko sa babaeng nagtitinda ng kendi.
“Aba’y wala naman ineng.” Nagtatakang sagot niya sakin.
“Ba’t andaming tao? May milagro po bang naganap?” pagkatanong ko sa tindera, bumunghalit ito ng tawa. Hala? Anyare nito? “bakit po?” tanong ko ulit.
“Ineng, maraming tao dito kasi Maynila na ito. Siyudad na ito at hindi na probinsiya. ” miikling paliwanag niya.
“Ah, ganun po ba?”
“Aba’y san ka ba galing bata ka?” tanong niya sakin.
“Sa Probinsya po. Sige po ale. Salamat.” Pamamaalam ko sa kanya.
Hay, heto na naman ako, naglalakad sa hindi ko alam saan na lugar. Basta, magbabasa na lang ako nitong ipinadala ng inay ko. Parang mapa ba para sa kung sa anong lugar ang mapuntahan ko. Ayoko kasing sumakay ng jeep kasi di ko alam saan ang patutunguhan nila, di ko rin alam kung ano sa mga maraming nagtatakbuhang sasakyan ang sasakyan ko dito at higit sa lahat, wala akong pamasahe! >.
**************************
Teka… Saang lupalup na ng Maynila na ba ako nakarating? Ah! Liliko na lang ako diyan sa may kanto. Sabi dito sa bitbit ko na drawing eh.
Hala! Ba’t tahimik dito? Iilan lang sa mga tao ang naglalakad. Bahala na. Kakayanin ko to. Magdadasal na lang a--
“Hold-up to!”
Hala! Hold-up daw? Ano ang gagawin ko? “te-teka kuya!” nalilitong saad ko.
“Hold-up to!” giit ng kuyang hold-upper.
“Ha? A-ano? Wa-wala akong maibibigay kuya… T__T Hi-hindi po ako mayaman. Maawa ka kuya…” Natatakot na ako. Ano na ang gagawin ko? Tumitig si manong hold-upper sakin.
“Ginoo, tulungan mo po ako!” agad na sambit ko. Baka reypin ako nito! Wahhhhh! T____T Umiiiyak na ko sa takoooot.
“Hoy! Wag kang maingay!” idinikit niya ako sa pader. Wala na. Katapusan ko na talaga…
“Jesus! Patawarin niyo po ang hahalay sa katawang lupa ko. ” ang tanging nasambit ko at pumikit para di makita ang susunod na gagawin ni kuya hold-upper nang ako’y yakapin niya. Dahil siguro wala siyang mahold-up sakin, gagahasain na lang niya ako. Hindi ko man lang maranasan ang makasal, hindi ko matutupad ang mga pangarap ko, mga pangarap ni inay! Patawad nay, kung di ako magtagumpay sa inihabilin niyo sakin… Pumikit lang ako. Hindi ako gumagalaw….
Hala!? Walang humahalik sa akin? Walang gustong maghubad sa akin?binuksan ko ang isa kung mata…
-_^
O_______O S-s-si manong? N-Na-nakangiti sa-sa akin? Akala ko ba gagahasain niya ako?
“hohold-apin talaga kita.” Malumanay niyang sabi.
Sus! Ginoo! Ke-Gwapo pala tong si kuya hold-upper… hala, ang ganda ng mata niya. Ang kanyang pilik mata, haba nay! Ang tangos rin ng ilong niya. At ang labi niya! Kesarap halikan! Hala! Ano ang pinag-iisip ko! >//////<
“wa-wala lage akong maibigay!” Sus Maria! Kagahi ug ulo!
>.<
-_o
o_o
Nakipagtitigan na lang din ako dun sa makisig na hold-upper ko. Di niya kasi ako binitiwan eh!
Hala! Ang titig niya, makakalaglag kaluluwa! >/////////<
“Pa-papatayin mo na rin ako?” pumiyok na ang boses kooo! Parang nai-ihi ako… >.< kegusto ko na talaga sumigaw kaso ….
“MAHAL KITA! KAYA HOLD-UP TO, AKIN NA YANG PUSO MO!!”
O______O Hanoh daw? Puso ko? Hala! naman eh! ^____^
______________________________________________________________
Wala lage ako maibigay = Wala talaga akong maibigay.
Kagahi ug ulo = ang tigas ng ulo.
Hope you enjoy reading. ^____^
BINABASA MO ANG
Hold-upper!!
Teen FictionBagong salta lang sa Manila si Tikay galing probinsya. Dahil kebago-bago pa, at halatang namangyan sa bagong kabihasnan, siya ay naagdiskitahan at nahold-up. Pagbigyan kaya niya ang hiling ng isang hold-upper?