YURIKO's POV
"Huhuhuhuhuhu! Nakita ko siya may kasamang babae!!!!" sigaw ni Cass
"Huhuhuhu! Ako din! Pero akin malupit! Nakita ko sila ng babae niya na nag-hahalikan! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!" sigaw ni Elaine
Napatakip na lang ako ng tenga. Bakit? UNA, hindi ko kaya ang mga panghihimutok nila sa mga boyfriend nila. PANGALAWA, ang ingay nila mabuti na nga lang at nandito kami sa likod ng school. PANGATLO, hindi ako makarelate dahil wala akong boyfriend at dahil hindi ko alam yung pakiramdam nila na ganyan kasi hindi pa ko nai-inlove! -____-
"Huhuhuhuhuhu....Yuri bakit...bakit nakatakip ka lang ng tenga diyan?....huhuhuhu...i-comfort mo kami!!!!" sabi ni Elaine habang nahagulgul.
"Oo nga! Huhuhuhuhuhu!" - Cass
"Hindi ako marunong nun! Tss. Pwede ba! Tumigil na kayo sa kakangawa! Lalaki lang yan! Andami diyan oh! Tss!" nag-cross arms na lang ako.
"TOMBOY KA KASI! HUHUHUHUHUHU!" - Cass
"MATIGAS ANG PUSO MO!!! HUHUHUHUHUHU" - Elaine
"Huhuhuhu...Baliktad ka girl!....PUSONG BATO YUN!!!" - Cass
Napa-face palm na lang ako. Alam mo yun, umiiyak sila tapos nagawa pa nila mag-ganyan! Tss. At kung hindi ba naman sila mga baliw eh kinantahan ba naman ako ng pusong bato. -____-
"KUNG AKO'Y MULING IIBIG SANA DI MAGING KATULAD MOOOOOOOOO
KATULAD MOOOOOOO NA MAY PUSOOOOOOOOOOOONG
BATOOOOOO" sabay nilang sabi.
Tumayo ako at nag-pagpag ng legs. Bakit legs ang pinagpag ko imbis na yung skirt ko? Simple lang, masyadong maikli yung skirt namin dito sa school. Tss. Naka-aztec short na nga ako eh. Tsaka mas okay ng madumi yung skirt ko imbis na yung legs ko. Kutis mayaman ko no! Kahit di ako mayaman. -___-
"Huhuhuhu... Saan ka pupunta Yuriko?!" - Elaine
"Sa lugar kung saan wala kayo!" sigaw ko at nag-lakad na ng mabilis.
Hay nako. Bahala nga sila dun. Kahit na ngumawa sila ng ngumawa walang mangyayari sa kanila!
Napadpad ako sa hallway ng school. Umupo ako sa tabi ng isang poste at tsaka nilabas ang ipod shuffle ko. Pinasak ko ang earphones ko sa tenga ko.
Hay ang init. Nasaan na ba ang panali ko sa buhok? Kinalkal ko ang bulsa ko at VIOLA. Tinali ko ang ipit ko sa mahaba at medyo wavey na itim kong buhok.
Kung titignan mo ang itsura ko ngayon, mukha akong rebelde. Bakit? Kasi naka-one sided yung buhok ko at medyo messy pa. Yung shirt ko naka-tuck out sa skirt ko. Hindi ako naka proper shoes, naka artwork shoes ako na-color fatigue. Yung necktie ko wala sa ayos. Yung I.D ko nasa bulsa ko.
Gusto ko man ayusin ang sarili ko ngayon dahil mukha akong gangster eh tinatamad ako. -____-

BINABASA MO ANG
Never Been Inlove
RomancePosible kayang mag-kainlovan ang dalawang taong....HINDI PA NA-IINLOVE?