2:50 (The Tragic Boston Marathon Story)

69 1 2
                                    

Masakit mawalan ng isang minamahal... Isang minamahal na inakala mong makakasama mo na habang buhay… Isang minamahal na makakasama mo sa hirap at ginhawa… At isang minamahal na pag-aalayan mo ng buo mong buhay…

Sadya nga bang unfair lang ang mundo? At pinipili lang nito ang mga taong pasasayahin nito?

(I was reading my news feed a while ago when an article about Boston Marathon caught my attention. Un kasing isang namatay dun, dapat magproprose na sa kanya ung boyfriend niya pagdating niya sa finish line. But she died in the explosion. :( Ayun, nainspire akong gawn ng story. hehehe I hope magustuhan niyo po! Pwede kayong magreact ng opinion niyo about dito. Thank you. :D)

---> Actual photo of the couple on the ride side.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“You still awake huh?”, ang malambing na boses na iyon ang nagpadilat ng mga mata ko. I glanced at her angelic face once again. Ang ganda pa rin talaga niya kahit na wala ng make-up sa mukha niya. Ang sarap titigan, ang sarap hawakan. Bagay na bagay sa mukha niya ang pangalan niya.

“Angel…” I hugged her tightly. Tuluyan na akong humarap sa kanya upang mas mayakap ko siya ng mahigpit. She hugged me back, making me feel delighted. Ang sarap-sarap talagang yakapin ng Angel ko, at hinding-hindi ako magsasawang yakapin siya ng ganito.

“Bakit gising ka pa? You should be sleeping now.” Sinaway ko ito ng bahagya. Sumulyap ako sa munting orasan sa may bedside table namin. It’s already 2:50am. Excited kaya ito para mamaya?

“Hindi ko din alam eh. Maybe I’m just excited for the marathon?”, Pa-sweet na sagot nito sa akin. Bahagya akong bumangon sa pagkakahiga ko sa kama. Ginaya din niya ang ginawa ko. Pareho kaming sumandal sa headboard ng kama.

“Ano ka ba, dapat nagpapahinga ka na ngayon para hindi ka lelembot-lembot mamaya. Your excitement won’t help you.”, sagot ko naman sa kanya. She just shrugged her shoulders. Makulit talaga ang Angel ko.

Nasa Boston kaming dalawa ngayon ni Angel at kasalukuyang naghihintay sa isa sa mga prestihiyosong marathon sa buong mundo—ang Boston Marathon. Libu-libong tao ang nangangarap na makasali at maging bahagi ng nasabing marathon na ito, ngunit iilan lang ang pinapalad. Hindi kasi ganoon kadali makapasa sa qualifying standards ng Boston Marathon, at marami ding proseso na kailangan pang pagdaanan. Idagdag pa ang gastos sa pag-aasikaso ng mga ito at sa pagpunta sa Boston, USA  para lang makalahok dito.

Pangarap na ito ni Angel kahit noong bago pa lamang kaming magkarelasyon. She’s a runner, she’s actually from a family of runners kaya naman kung saan-saan ng marathon siya napapasali, bagay na nagustuhan ko din sa kanya.

Simula nang maging kami, palagi na niya akong niyayaya sa mga fun run activities na alam niya. She’s never been tired of joining fun runs nationwide and even international, panata na raw kasi niya talaga ito. Nag-eenjoy naman akong samahan siya sa mga ganito eh, masaya naman kasing tumakbo lalo na’t kasama mo ang taong mahal mo.

At ito na nga ang pinakahihintay niyang salihan namin, ang 2013 Boston Marathon. This year siya pinalad na makasali dito kaya naman tuwang-tuwa talaga siya. Too bad for me, hindi kasi ako naging qualified for the said marathon. Pero ok lang, sinamahan ko pa rin siya dito sa Boston para masaksihan ang pinaka-pinapangarap niyang salihang marathon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

2:50 (The Tragic Boston Marathon Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon