2. Friendship

50 1 0
                                    

"Faiiiiiith! Gising naaaaa!"

"Ano ba friendship?!"

"Faith, naman eeeeeh!"

"ANG INGAY MO IBON!" Sigaw ko sa letseng babaeng to at umupo.

"Awww naman non Faith Dreana Arcil."

"Pwe! Lakas neto makatawag sa full name ko. Sabado ngayon aga aga mo. Anong problema mo Friendship?" matamlay na sagot ko. Pero bahagyang napatawa dahil sa tawagan naming FRIENDSHIP.

Napipikit pikit pa ang mata ko. Inaantok pa talaga ako.

"Wala naman. May itatanong lang ako."

Napatingin naman agad ako sakanya. Seryosong seryoso ang luka. Problema nito?

Ang seryoso naman neto, batuhin ko to cactus e.

"Break na ba kayo ni Stevann?"

Pagkasabi niya non. Napaisip ako. Hindi naman siya nakipagbreak kasi pinaalis ko na sya. Pero diba makikipagbreak dapat sya? KAHIT NA! HINDI PA KAMI BREAK. HAHAHA

"Hindi pa, yata?"

"Bakit may yata? Luka to."

"Eh, dapat kasi makikipagbreak sya kahapon kaso pinaalis ko na agad sya. Ibigsabihin nun, di pa kami break diba? Di pa naman nya nasasabing..."

"Break na tayo." Sabi ko na ginaya pa ang boses ni evann.

"Oo nga naman. Ganda sabe Faith!" Sarkastikong sagot nya at kinotongan ako.

"Who do you think you are?!" Sigaw ko. Pft, grammar please.

"Naks english, san mo nakuha yan?"

"Don sa libro kanina. Ang ganda nga ng kwento e. Kahit di ko naiintindihan." Sagot ko.

Napasapo na lamang ito sa mukha nya.

"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko.

"Wala lang. Meron na ba'ng patakaran na bawal pumunta sa bahay ng bestfriend?"

"Bestfriend? Sino bestfriend mo? Yang si spongebob?" Bored na bored na sagot ko. Sya naman, masayang masaya kakayakap sa malaking unan ko na spongebob.

"Tampo naman agad to, sus." Pang inis neto.

"Manahimik ka nga at lumayas. Hihithit pa ako oregano shoo!" Pagtataboy ko dito.

"Penge din ako!"

"Ayoko nga. Magtanim ka ng iyo."

"Kainis naman to. Baba lang ako ah. Rock and roll to the world whoo!" Sigaw nito habang papalabas ng kwarto.

"Hephephep. Yvonne Ashly Cruz, ibalik mo dito si babash." Sabi ko. Agad naman nyang binalibag si babash at tumakbo.

Pasalamat ka at nakatakbo ka. Binalibag mo pa si Babash ko. Walang manners.

Matapos ko'ng iligpit ang higaan ko. Naupo pa ako saglit sa kama at napaisip sa tanong kanina ni Friendship. Break na nga ba kami? May side sa isip ko na nagsasabing oo. At may hindi. Kasi yun naman talaga ang balak nya. Ang makipagbreak.

Pero hindi naman nya sinabi diba? Di naman nya nasabi kasi nga pinaalis ko na agad sya. ANG SAKIT KAYA! To'ng mga to. Wala talagang forever e, no?

Pagkatapos kong paganahin ang utak ko-- naks may utak ako! Hahaha.

Bumaba na ako at nahagip agad ng mata ko si Friendship na kumakain. Kapal ng mukha syet.

Lumapit ako dun at bahagyang umiikot sa upuan nya.

"Ang kapal mo friendship." pabiro kong sabi at naupo na sa tabi nya.

Kumuha na ako ng rice, bacon at eggs.

Sabi nila, Kumain daw ng almusal na parang hari. Kumain daw ng tanghalian na parang prinsesa. Kumain daw ng hapunan na parang pulubi.

At iyan ang ginagawa ko. Breakfast is the most important meal of the day. Taray. Nagiimprove ako ha.

Kumain kami ng madami at sabay natapos.

Nagboluntaryo naman sya na sya na ang mag uurong.

Aarte pa ba ako? Minsan lang yan magsipag.

Siguro nahiya kasi ang dami nyang kinain.

Ng matapos siya mag urong. Dumating naman si Mama.

"Goodmorning, Ma." Bati ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Kumain na kayo?" Tanong nito at ibinaba ang ipinamili sa sala.

"Opo ma. Akyat lang kami ha." Sagot ko at hinila si Friendship.

Ng makahiga na ako sa kama ko. Sumigaw naman si Mama galing sa baba pero hindi ko naintindihan.

Nakahalata naman si Friendship na hindi ko naintindihan, kaya nagsalita sya.

"ANDYAN DAW SI STEVANN FAITH."

-

Hope you like this chapter! :')

Don't forget to vote, comment and share. Loveyou guys. <3

PS. Faith's bestfriend (Yvonne Ashly Cruz) and Stevann at the multimedia :)

My Worst ReincarnationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon