Adriana's POV"Sa wakas! Makakalabas na rin ako. Ang tagal ko ring humiga sa kamang ito ah." Hinawak hawakan ko pa ang kama ko. Tumakbo ako ng Cr para magshower. Mabilis akong naligo at nagbihis ng bestidang blue na paborito ko at nagsuklay ng pula kong buhok.
Pumunta na ako sa baba para magpaalam kay mama.
"Ma! Alis na ako!" at hinug ko sya ng mahigpit.
"Anak, magiingat ka ah! Alalahanin mo hanggang ngayon lang ito." Sabi ni Mama at binigay ang regalo sa akin.
Patakbo akong lumabas sa gate namin at nakita ko ang naghihintay sa aking driver namin.
"Mang Pits! Namiss kita!" hinug ko si Mang Pits ng mahigpit
"Dalagang dalaga na Adrianna, halika na at ihahatid na kita sa bahay nya." sabi ni Mang Pits at binuksan ang pinto ng sasakyan para ako'y makapasok.
Natatanaw ko na ang mga pamilyar na mga bahay na nagsasabing malapit na ako sa kanila. Miss na miss ko na sya, ngayon ko na lang ulit sya makikita at parang huli rin.
"Andito na tayo, Iha pumasok ka lang sa loob nakausap ko na ang yaya nya." sabi ni Mang Pits
Pagkababa ko pa lang ng sasakyan ay ramdam ko na ang ihip ng hangin na hinahanap-hanap ko. Pumasok kaagad ako ng bahay nila at nakita ang yaya nyang si Ate Liz
"Hi ate Liz! Akyat na po ako ah?" pagkatapos kong sabihin iyon ay umakyat kaagad ako ng kwarto nya.
Pagkakita ko ng pinto ng kwarto nya ramdam na ramdam ko ang kaba.
"Sasabihin ko na ba ang totoo kong nararamdaman?" pabulong kong sabi at binuksan ang pinto.
Amoy na amoy ko ang paborito nyang pabango, kitang kita ko rin ang buhok nyang kulay brown, ang labi nyang manipis at mapula, ang kanyang katawang nakaaantig ng kahit sinong babae.
Tulog pa ito ngunit kaunti na lang ang oras, inilagay ko ang regalo ko sa study table nya at umupo sa tabi ng kama niya.
"Hi Sky Timothy Ponce! Sorry ngayon lang ako nagparamdam sayo. Ngayon Lang Kasi ako pinayagan Kung saan huli na, huli na ang lahat." Naiiyak kong sabi.
"Alam mo ba matagal na kitang gusto simula nung naging magbestfriend tayo. Ay! Hindi nung una ko pa lang na nakita ka, napatulala kaagad ako at tumalon ang puso ko sa saya." Kwento ko sa kanya.
"Kailangan mo ng malaman na mahal na mahal kita. Sorry at tulog ka pa habang sinasabi ko Ito. Alam ko naman kasing ayaw mo akong nakikitang umiiyak." Pinunasan ko ang luha ko at biglang nagulat dahil bigla niya akong hinila at siniil sa isang yakap.
"Adriana Denise Walter, mahal na mahal at miss na miss na kita." At hinigpitan ang kanyang yakap.
"Bakit ngayon ka Lang nagpakita at nagparamdam sa akin? Malapit na ako mabaliw Adri!" Bumitaw sya sa yakap at tumitig sa mata ko.
"Sorry sky! Sorry at hindi ako nagpaalam na ako ay aalis." Sabi ko habang pinupunassn Nya ang aking luha.
"Adrianna, please wag ka na umiiyak. Ngayon na Lang ulit kita nakita at nakasama tapos iiyak ka pa." Sabi ni Sky habang pinapatahan ako.
Timothy's POV
Naramdaman kong may bumukas ng pinto ng kwarto ko. Naamoy ko kaagad ang pamilyar na amoy nya. Naramdaman kong umupo sya sa tabi ng Kama ko.
Narinig ko ang boses nya. Ang boses na napakatagal kong hinintay na marinig. Ramdam ko ang lahat ng sinasabi Nya. Rinig na rinig ko ang sinasabi nya at sinasaksak ang puso ko sa bawat salitang binibitawan Nya.
