Chapter 19

100K 3K 810
                                    


Chapter 19
Letting Go And Accepting

"Hailey, you're here." puna ni Tita Sandra at humalik naman si Hailey sa pisngi ni Tita bago ito bumaling sa akin.

"Nandito ka pala, Bella." nakangiti nyang sabi sa akin.

"She'll be here everyday, Ate Hailey." ani Lauren at binigyan ng isang tipid na ngiti si Hailey.

"Why?" naguguluhang tanong nito. "Are you going to work here too?" sabay baling nya sa akin.

Nahihiya naman akong umiling saka kinabit ang aking ibabang labi dahil sa tono ng kanyang boses na para bang sinasabing dapat ay hindi ako nandito araw-araw.

"She'll live here with us." sagot naman ni Tito Sean. "Maagang nagbahay ang kaibigan mo eh." tawa ni Tito Sean.

Napayuko nalang ako't pinaglaruan nalang ang pagkaing nakalagay sa plato ko na nilagay ni Vini kanina na halos hindi ko na maubos sa sobrang dami.

Nakita ko namang hindi makapaniwala si Hailey sa kanyang narinig. "Really?"

"Why?" biglang singit ni Vini na parang hindi natunugan ng maganda ang boses ni Hailey. "Is there anything wrong with that?" malamig nyang tanong kay Hailey.

Ngumiti naman si Hailey at umiling saka tumingin kay Vini. "Wala.. Uhm.. Nagulat lang ako." sagot nya saka tumingin sa akin. "Madalas na pala kitang makikita twing family gathering." sabi nya sa akin.

"Uhmm.. hindi naman ako kasama sa mga family gathering na 'yan.." nahihiya kong sabi dahil alam ko sa sarili kong wala naman akong kinalaman sa family gathering nila.

Family gathering nga eh. Event na para sa pamilya at sa pagkakaalam ko'y wala na akong pamilya't ako nalang ang nag-iisa.

"Why not, Bella?" ani Tita Sandra at napatingin ako sa kanya. "You're a part of our family now." ngiti nya sa akin.

"Your Tita Sandra's right, Bella." gatong ni Tito Sean. "You're a part of our family because you are our son's wife."

"Dad!" muling singhal ni Vini.

Nagtawanan naman kami sa hapagkainan samantalang si Hailey ay hilaw na ngumisi.

"Kuya Vini's ears our turning red oh!" mapang-inis na sabi ni Lauren at tinuro pa ang kanyang Kuya.

Awtomatiko naman akong napatingin kay Vini na ngayon ay nag-iwas ng tingin sa akin at kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang tenga.

"Damn! My son's so whipped!" tawa ni Tito Sean. "Hindi ka nagmana sa akin." umiling-iling pa sya.

Pinalo naman sya ni Tita Sandra. "Gaya mo pa sa'yong babaero ang anak mo." irap nito sa asawa.

"Okay.." tumahimik kaagad si Tito Sean. "I shouldn't have talked."

"You're whipped too with the girl you love, Dad." ani Vini. "Yun ang namana ko sayo." proud nitong sabi.

Nagtawanan sila't alam kong ako naman ngayon ang namumula dahil sa sinabi ni Vini.

Hindi nya ito diretsahang sinabi ngunit parang indirect nyang sinabi sa akin na mahal nya ako.

"Ate Bella's blushing naman." hagikgik ni Lauren.

Kinagat ko naman ang aking ibabang labi't kinantiyawan at binansagan kami ni Tito Sean na 'blushing couple' na agad binara ni Tita Sandra na para syang isip bata kaya muling natahimik ang hapag kainan.

Napalingon ako sa gawi nila Tita Sandra't naalala kong nandito pa nga pala si Hailey na parang hangin lang ngayon dahil hindi namin napansing nandito pa sya dahil kami-kami lang ang mga nag-uusap.

Beautiful DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon