Mr.Gm

1.6K 37 133
  • Dedicated kay him
                                    

A/N: Lahat ng nandito sa story na to, based from my own experience. Meaning, each and every detail eksaktong nangyari talaga sakin. Pinalitan ko lang yung pangalan nung guy for some reasons.

So here it goes.

 - - -

I will never forget this boy...

This one boy who captured my heart and drown it out completely.

Siya si Vj. Ang gm ko. Ang gm ng buhay ko. Siya yung nag iisang taong kinabaliwan ko ng sobra. Yung nag iisang taong iniyakan ko ng sobra sobra. Yung taong patuloy kong minahal kahit parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang sakit.

Hindi "kami", at lalong hindi naging "kami". Walang ganon. Ako lang yung nagmahal. Ako lang yung paulit ulit na nasaktan. Ako lang yung nagiisang nahirapan. Ako lahat. Bakit? Kasi pakatapos nung gabing yon, wala na. He left me hanging.

I fell..

hard.

Yun yung gabing hinding hindi ko makakalimutan. Prom Night. I was third year high school back then and dumating yung araw na inaabangan ng lahat sa buong high school life. Ang JS Prom.

Nung nagsisimula na yung sayawan, out of nowhere, biglang may kumalabit sa kamay ko. Siya na yun. Si Vj. Niyayaya nya ko sumayaw. Hindi kami naging magkaklase at hindi din kami magkakilala, personally. Pero alam ko ang pangalan niya, dancer siya sa shool namin e.

Inalok nya ang kamay ko para alalayan papuntang dance floor. Nanginginig pa nga yung kamay nya. Haha!Inabot kami ng four songs. Haba noh? Ewan ko ba. Di ko nga namalayan na gaunun na pla katagal. Kasi parang lahat ng bagay sa mundo, huminto ng mga oras na yon.

Para akong lumulutang sa saya.

Andami naming napag usapan. At nabigla ako nung may mga bagay pla siyang alam sa akin. Like kung sino yung partner ko. Tapos ka orsem, orientation seminar, ko pa pla siya nung first year. Hindi ko nga alam na nandun siya.Tapos yun. Basta! Ang dami niyang sinabi na nakakatuwa at nakakakilig.

Hindi rin nya hinayaan na mawalan kmi ng topic. Tapos nung third song na yung sinasayaw namin, hiningi nya yung number ko. Nagsmile lang ako. Wala naman talaga akong balak na ibigay, kaso nilabas nya yung phone nya at binigay sakin. So no choice kaya bingay ko na lang.

Higit sa lahat, napaka gentleman nya. Sobra. Yun yung pinaka hinangaan ko sakanya. Tinanong niya kung di daw ba sumasakit yung paa ko dahil sa heels. Tapos sbi nya pa magsabi lang daw ako kung pagod na ko at ihahatid nya na ko sa table namin. Ayon, nung ikaapat na kanta, nangalay na ko kaya sinabi ko sa kanya na pagod nko. Hinatid nya tlaga ako dun sa table. Tapos nung naka upo na ako, nagsabi siyang "thank you". WIth a smile pa yon! Haha :)

Yun na nga. Di ko ma explain yung naramdaman kong tuwa. Tapos tinandaan ko yung mga kanta na sinayaw namin. Una: Like A Rose. Pangalawa: Come What May (makaluma masyado hahaha). Pangatlo: God Gave Me You. Pang apat: So Close.

Natapos yung gabing yon na may mga iba ding nagsayaw sa akin, pero siya lang talaga yung pinaka tumatak sa akin. Ewan ko ba. Nung nakauwi na nga ako, bago ako matulog, para bang nag flashback yung lahat ng nagyari. Lahat ng nangyari kasama siya. Tinandaan ko talaga yung date. February 4. Sabado yun. Ang pinaka masayang gabi ng buhay ko.

Dumating ang monday. Siyempre may pasok na. At syempre.. di na mawawala ang chikahan sa mga nangyari! Naaalala ko pa, Chem  subject namin non. At nasa avr kami. Katabi ko yung kaklase  slash close close close friend ko. Di namin siya nakasama nung prom dahil nasa kabilang side sya nung event at hindi namin siya nahagilap. Siya si Ji.Kwinento ko sakanya lahat. Lahat lahat. Detailed! Meron din nga siya.Tapos yun. After ko ikwento sa kanya lahat, may narealize ako..

Mr.GmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon