My Corpse Husband (M.C.H) CHAPTER TWO!

93 1 0
                                    

(Heaven's POV)

Tahimik lang kame ng mag salita siya.

"Namatay ang kaiisang anak ko dahil sa car crashed. " sabi ng matanda at lumingon sa ibang direksyon.

Bigla ko tuloy na alala ang mga magulang ko.

Bigla nalang tumulo ang luha ko pero agad kona man ding pinunasan.

"Huwag mong pigilan iha. Ilabas mo lahat ang kinikimkim mo sa puso. Kung may problema ka iha sabihin mo lang makikinig ako. "

Nilingon ko siya pero naka titig lang siya saakin at handang makinig.

I know she's a stranger and i just met her. Pero wala talaga akong mapag sabihan ng problema ko. Ayshh bahala nanga.

"Huwag kang mag alala iha, Mapag kakatiwalaan mo naman ako. " sabi niya. Naramdaman niya siguru ang pag dadalawang isip ko.

I let out a big sigh and speak.

"Napakasakit po talaga sa puso. Yung taong mahal ko po kasi ay niluko ako. Nahuli ko siyang may kahalikan. Saan kaya ako nag kulang sa kanya? Ibinigay ko naman sakanya lahat. P-peroo niluko niya parin ako. " sabi ko sabay tulo ng mga luha ko.
tumingin ako sa ibang direksyon upang di mailang.

"Iha alam mo. Ang pag ibig kailangan ng sakripisyo. Lahat ng Tao nasasaktan at nag kakamali. Pero sa lahat ng pag kakamali at sakit na ating naranasan my leksyon na natutunan. " sabi niya. Wow lakas ng hugut ni lola.

"O-opo alam ko po yun. Handa ko rin naman siyang patawarin. " sabi ko at pinunasan ang luha ko.

"Maganda yan iha madaling mag patawad ang puso mo. " sabi niya at ngumiti.

"Mabuti nalang ay hindi ka naging katulad ng anak ko. " sabi niya na may pait at lungkot sa boses.

"Mawalag galang napo pero ano po ang ginagawa niyo dito eh napakagabi napo at Baka mapano po kayo?" Out of the topic kung tanong.. na cu curious kasi ako.

"Tuwing gabi dinadalaw ko ang anak ko dahil umaasa pa akong mabubuhay siya muli." Sabi niya...hala pwedi bayun mabuhay ang patay...paano?

"Huh ehh? Paano naman po??" Sabi ko sabay kamot sa buhok.

"May mga bagay iha sa mundo na hindi mo alam. Minsan kailangan Itong manatiling misteryo para sa lahat. " sabi niya ...
Wew weird naman niya.

"ah okay po. Eh yung sinabi niyu po kanina about sa anak niyo. Ano po ang nangyari sakanya?"

"Naaksedente siya dahil hindi kasi niya matanggap na hiniwalayan siya ng kanyang nobya. Ilang araw din siyang nag mokmok at nag pakalasing dahil sa babaeng yun. Nung araw bago siya maak-sedenti ay nakita niya ang dating nobya na may kinakasama ng iba. Dahil sa galit at sakit na naramdaman, naging isa Ito sa mga rason ng kanyang kamatayan. Kaya kahit matanda na ako kailangan ko parin siyang dalawin tuwing gabi. Alam kong mabubuhay siyang mula pag nakita kona yung babaeng karapat dapat sakanya. " sabi niya ng may pag hihinagpis ang boses.

"Ahh okay po. " sabi ko at tumayo na at nag pagpag.

"Ahmm ale kailangan ko napo umalis. Lumalim nadin po yung gabi. Eh kayo po? Saan po kayo naka tira? Hatid ko napo kayo? " pag aalala kung sabi.

"Huwag na iha. Okay lang naman ako-" hindi niya Natapos ang kanyang mga sasabihin dahil bigla nalang siyang natumba.

Halaa~ paano nato?

Dali dali ko naman siyang tinulungan, ngunit hindi siya maka tayo. Pina unan ko nalang siya sa lap ko.

"Ale!? Anong nangyari?! O-okay lng po ba kayo?" Pag aalala kung sabi.

"O-okay lang ako. Dumating na ang panahon..." sabi niya sabay tanaw sa puntod ng kanyang anak.

"Ale? Ano po ba ang pinag Sasabi niyo. Tatawag ako ng ambulance. " sabi ko at kinuha yung phone ko at nag dial ng ambulance...

"Paparating na ang ambulansya ale." Sabi ko at biglang tumulo ang luha ko sa kanya. Naalala ko tuloy ang nanay ko sakanya.

"I-iha sa tingin ko dina ako mag tatagal kaya may e aalok ako saiyo. " sabi niya habang hawak2x ang dibdib.

"Ale huwag po kayo mag salita ng ganyan *subs* A-ano naman po ang e aalok niyo?? *sniffs*" sabi ko habang umiiyak.

"Gusto ko sana pakasalan mo ang anak ko. "

"Ho? P-pero pata- "

"Iha pakiusap lang hindi na ako mag tatagal pa...*cuffs*"

"S-sige t-tinatangap ko po ang alok niyo alang alang po sainyo. "

"Salamat iha. Huwag kang mag alala mabubuhay siya muli at magkakasama kayo. "

" Tanggapin mo tong singsing iha. Hindi kita pipilitin kung kailan mo gusto siyang pakasalan. Basta pag ready kana pumunta ka ulit rito at sabihin mo ang wedding vows ng ikakasal. "

"O-opo. Promise gagawin ko po itagah man sa bato. " sabi ko at nag cross my heart habang umiiyak parin.

Hindi mn kame naging masyadong close. Naramdaman ko naman sakanya ang ina ko.

"Salamat iha. Aasa parin akong tutupadin mo kahit sumakabilang buhay naako."
Sabi niya at unti unting sumirado ang mata at nawalan ng hinga.

P-patay na siya.
Bakit ba lahat ng mahal ko sa buhay nawawala!

Dumating na ambulance at kinuha siya.

Pinulsuhan nila siya pero wala na talaga.

Sumakabilang buhay na siya.

Humagulgol ako sa pag iyak at niyakap ang sarili.

Lord ano po ba ang rason niyo at bakit lahat ng mahal ko sa buhay ay kinukuha niyo?
Sabi ko sa sarili

Naniniwala kasi ako sa kasabihang

Everything happens for a reason.

Naramdaman ko ang malamig na hangin at bigla nalang bumigat ang pakiramdam ko.

Pakiramdam ko mahihimatay na yata ako.

I feel dizzy.

I can see stars around ..

And

And

*and everything went black.*

My Corpse Husband (M.C.H)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon