From Pain to Fame
By: chipchaps_12
(Author’s POV)
Hi!! I’m Chipchaps, just call me Ate Chippy. J This story is a product of a piece of paper inside my wallet. That time na nakita ko ang paper na yon, doon na siya nagawa sa mind ko. This story is such a story to live for. Girls, this is really dedicated to all of you. J
---
(Prologue)
"I'm sorry, but we're OVER."
Palaging nagfa-flashback sa utak ni Cindy ang mga salitang binitiwan ni Lance that time na naghiwalay sila. One month na ang nakaraan nang nangyari iyon. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin tanggap ang pagkawala nito.
Tumayo siya, pumasok sa kwarto niya at kinuha ang necklace na bigay sa kanya ni Lance.
Nakita niya rin ang papel na may sulat na "If I lose you, I will cry a thousand tears for you.", sulat yon ni Lance sa kanya that time na nag-promise ito na walang iwanan.
Tiningnan niya lamang ito hanggang sa gusto niya na itong tadtarin ng kutsilyo at itapon na nang tuluyan.
“Lose you lose you ka pa na Lance Vasquez ka, lose you? Yes, I feel the pain inside, but this pain…will lead me to FAME. Watch out Lance Vasquez.”, sabi niya sa sarili with self-confidence. At doon she convinced herself to make it.
---
CHAPTER 1
“In my victory, just remember me, when I make it shine!!”, kanta ni Cindy sa hallway ng school nila. Habang papasok ito sa school nila ay nanunuod din pala ng isang episode ng ‘Victorious’ sa IPad niya.
Nakita siya ng dean nilang si Miss Vicky na tuwang-tuwa sa kanya habang kumakanta ito.
“Hi Miss Torres, akala ko malungkot ka na naman.”, bati nito sa dalaga.
“Hi Dean! Hindi po. Pinapanuod ko po kasi ang ‘Victorious’, baka may makuha akong ideya para sa show this year sa school natin.”
“Well, that’s great! Pumasok ka na muna sa klase mo, late ka na for your Marketing subject.”, nakangiting sabi ni Dean Vicky sa kanya habang papunta ito sa office niya.
Binilisan na ni Cindy ang paglakad niya hanggang sa nakapasok na siya ng room nila, timing lang na magsisimula pa lamang ang Marketing nila.
Umupo si Cindy at pinause niya lang ang pinapanuod niya, nilagay ang IPad sa bag niya at nakinig na ng klase nila.
“Okay, let me ask you this, bakit hindi dapat tayo maging Masaya pa gang value ng peso sa dollar ay nasa 46 pesos na?”, tanong ng prof nila.
Tahimik ang lahat, walang gustong sumagot.
“Any answers?”
Si Cindy ay napataas na lamang ang kamay dahil akmang magkakamot ito ng ulo niya, nakita siya ng prof nila at…”Yes Cindy, any ideas?”
Tumingin si Cindy sa paligid niya, sa mga kaklase niyang nakatingin na rin sa kanya. Tumayo siya at sumagot na parang ang sa utak niya ay ang ‘Victorious’ episode.
“Sir, hindi po dapat tayo maging masaya kung 46 pesos ang value ng peso sa dollar kasi pag ganoon ang magyayari, paniguradong tataas ang bilihin sa market. Pag 40 pesos lang ang value, mababa din ang price ng mga bilihin sa market. Sad for those na nangpapadala ng pera from States at umaasang mataas ang palitan but that’s the fact, mataas ang palitan, mataas din ang price ng goods sa market.”, sagot nito sa prof niya na tila wala siyang alam sa mga sinabi niya. Napaupo na lamang siya at tumahimik.
BINABASA MO ANG
From Pain to Fame
Teen FictionCindy Marisse is heart broken and she don't know what to do. As time goes by for her, she learned to discover everything in her life since the day that Lance broke up with her. She promised to herself that the pain that she felt deep inside will hea...