"Nak, gising na!" -mama
Time check: 4:32 a.m.
Bumangon naman ako kaagad.
First day of school ngayon.
Lahat ng estudyante, sisipagin bumangon ng maaga, XD
Dumirecho ako sa CR para maligo.
Kumanta narin tayo para masaya.
"(Insert tune here) Lalalalalalala~" -ako
*Fast forward*
All set na 'ko papuntang school.
Ihahatid na 'ko ni kuya Jastine.
Kulang na lang, yung baon ko.
Dumukot si papa ng 200 bill sa wallet niya.
"Umm. pa, third year na po ako.. hehehe" -ako
Walang imik-imik, kumuha na siya ng isa pang 100 sa pitaka niya.
YAY! ^_^
Nagpaalam na 'ko sa kanila at sumakay na 'ko sa kotse.
Si kuya ang driver ko. Hihihi. ^_^
Umandar na at sinimulan na niyang mag-drive..
Nakadungaw ako sa bintana.
Nakakaaliw lang kasi.
Sa mga nadadaanan naming mga lugar, may mga nakikita akong mga ka-school mate ko.
Mga exited rin sila.
Time check: 5:38 a.m.
Ang aga aga pa pala talaga.
Ang dami nang tao dito sa school.
FIRST DAY NGA KASE.
Hinanap ko na yung daan ko papuntang classroom.
Sa third floor kami.
Ka-floor namin yung mga 4th year students na star section din.
Nga pala,
Pag star section ka,
Nakakaangat ka sa ibang normal students.
Pero hindi ko sinasabing bobo sila ha.
Nagkataon lang talagang kami yung top 55 na pumasa sa entrance examination.
So obviously, 55 kami sa ibang section.
Kami't-kami lang din ang magkakaklase every year.
Sounds nakakasawa?
WRONG,
Kung bakit,
You'll know soon. >:)
Pumasok na 'ko sa classroom para makahanap ng mauupuan.
What the-?!
"Uy Rianne, pumili ka nalang ng uupuan mo jan. arkilado natin 'to." -sabi ni Shaira tsaka nag-smile.
Napatawa ako.
Like, WOW?! naaarkila na pala pati row ng upuan.
Ang nakakatawa dun, nag-effort yung iba kong katropa na pumasok ng sobrang aga para makapag-reserve ng upuan para lang magkakalapit kami umupo.
Tapos nagdikit pa sila ng Intermidiate paper sa sandalan ng bawat upuan sa likod at sinulatan ng:
"Keep your ass off this chair. Its reserved."