I LOVE YOU [ONE SHOT]

539 21 27
                                    

" I LOVE YOU!"

Ano bang ibig sabihin ng 'I LOVE YOU' para sa inyo? Pero para sakin, iba-ibang iba. Ang katagang iyon ang tanging bagay na hanggang ngayon ay hindi ko parin nakakalimutan. Memorable na memorable 'to sa'kin kung baga.

Lagi- lagi ko itong iniisip at kahit kailan hindi ito nawala sa isipan ko.

Naaalala ko pa noon, nung nasa mall ako. Nasa loob ako ng National Book Store at nagbabasa ng mga libro. Habang nagbabasa ako, may naramdaman ako na may lalaki na pala ang tumabi sa'kin  at  nagbabasa din. Akalain mo yun, kapareha din kami ng libro na binabasa.

Dahan-dahan akong tumingin sa mukha nito. Di inaasahan na na tumingin din pala siya sa'kin at makasmile. Ang gwapo gwapo nga niya eh kasi nakasmile siya widely. At parang nawala lahat ng problema ko nung nakita ko yung pagmumukha niyang gwapo. Wow! Chansing lang haa. Parang na love at first sight lang. Bigla naman tumaln ang puso ko nung bigla siyang nagsalita.

"Oh? Natulala ka diyan? Baka matunaw ako niyan!"

Aish! Nakakahiya naman yung ginawa ko. Totoo ba na, na tulala ako? Pakshet naman oh..Ahh.. Super nakakahiya.

"Ahh! Sorry!"

"Okay lang 'yun! Sanay na ko."

"Wow! Yabang!"  pero syempre kinilig ang lola niyo.

"Ahh. Binabasa mo din yang Hunger Games?"

"Sa palagay mo? Di ba nagbabasa yung tao?" ang mean ko naman siguro noh? Hahahaha! Inatake na naman ako ng mean mode ko. ^____^

"Aish! Ako nga pala si Bryan."

"Ahhh!"

"Hindi mo ba sasabihin ang pangalan mo?"

"Nagtanong ka ba?"

Eh, bakit ko naman sasabihin ang pangalan ko eh hindi niya naman ako tinanong. Tengene lang eh noh?

"Aish! O sige sige, Ano pala pangalan mo?" sabi niya na may halong inis >___<

"Ako nga pala si Jessica!!!!!!" sabay smile ^_____________________^

"Nice meeting you!"

"Nice meeting you too, geh bye!"

Akmang aalis na sana ako kaso bigla siyang nagsalita ng malakas! Oo. Malakas talaga!!!

"KITA NA LANG TAYO BUKAS DITO HA! AASAHAN KITA! BYEBYE!!!" sabay kindat. Konti na lang talaga hihimatayin na talaga ako... 

Yun, yung unang araw na nagkita kami. Masayang-masaya ako nun kasi diba alam niyo na, kinilig ang lola niyo. Aish! Pati lola dinadamay! hehehehehe. 

Dahil nga hindi ako mapakali, talagang pumunta ako sa National Book Store kinabukasan nun kasi nga, alam niyo na. Ahihihi! At nandun nga siya.

Ang punctual punctual nga niya eh. Ang aga pumunta dito sa Nationak Book Store. 

Ang gwapo gwapo nga niya eh! Nakasuot lang naman siya nun ng red polo shirt tapos naka pants tapos nakabonnet! Tapos fit na fit pa 'yung polo sa katawan niya. Halata nga yung *gulp* perfectly sculpted *gulp* six pack abs niya eh! Hahahah! Chansing na naman dating ko niyan!

"OH! Tulala ka na naman?"

"Eh, kasi yang abs mo eh nakakasilaw tsaka ang hot hot mo tignan!"

I LOVE YOU [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon