Kaydee's point of view
Nakarinig ako ng pagtikhim dahilan kung bakit ako napabitiw sa yakap ko kay Tita. Inaanasahan ko na naman ang tagpong ito kaya kahit may ganito pa na mangyari ay tuloy pa rin ang plano ko.
"I'm sorry, Ms. Lim, may naalala lang ako sayo." Sabi ni Tita Jill at saka ako nginitian.
"Okay lang po 'yon. Saka pwede nyo na lang po akong tawaging Kaydee." Sabi ko sa kanya. Kahit naman nagbago na ang ugali ko ay marunong pa rin ako na gumalang sa nakakatanda sa akin.
"So, Ms. Lim..." Lumingon ako kay Jules na bahagyang nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanyang ina.
"I just remember Kasidee on her." Malungkot na wika ng ginang. Dahil sa kanyang sinabi ay tila natigilan ako, mukha pa rin ba akong mahina?
"Stop it, Ma," Pagsaway naman ni Jules rito.
"So, let's start the meeting." Pagpapatuloy ni Jules kaya naman nagsiupo na kami ng iba pang shareholders.
"Ms. Lim, anong balak mo ngayon sa 10% shares ng mga Lopez sa kompanya?" Jules asked.
"I'm planning to buy the 10% of the Lopez'. Saka nakapirma na ko sa kontrata, magbabago lang ang magmamay-ari ng shares pero hindi ko ito i-pu-pull out sa kompanya nyo." Malamig na sagot ko rito.
"Nice choice. Pwede nating pag-usapan mamaya ung tungkol sa pagbili mo ng 10% share. Sa ngayon, I will first introduce you as the new stockholder." Pagkasabi ni Jules noon ay tumayo sya sa kanyang kinauupuan.
Ipinakilala nya ko. God, malamang naman talaga dapat nya kong ipakilala dahil later on, ako na ang hahawak ng 20% shares. Nasa gitna sya ng pagsasalita ng bumukas ang pinto ng conference room at may hindi kaayaayang babae ang pumasok. Lintik lang talaga kung makakalimutan ko ang itsura ng isang 'to.
"Jules!" Matinis na boses na sigaw nya kaya lalo pang napunta sa kanya ang atensyon ng mga tao na nasa kwartong ito.
"Jen..." Tawag ni Jules na tila nahihiya sa mga tao sa loob. Agad nyang pinuntahan ang kasintahan nyang hilaw na tinalo pa si Taylor Swift sa pula ng nguso at si Lady Gaga sa kapal ng make-up.
Napalingon ako kay Tita Jill na masamang nakatingin sa kinaroroonan nila Jules at Jennica. Ilang sandali lang ay naglakad ang dalawa, naupo si Jennica sa kaliwang bahagi ng upuan ni Jules, katapat si Tita Jill, na katabi naman ako. Matindi ang gaga, may reservation pa, kaya naman pala walang nakaupo sa upuan na yon.
"W-who the hell are you?" Tila kinakabahan at nagdadalawang isip na tanong nya sakin. Syempre, kakabahan ang gaga dahil kahit nagbago na ko, makikita pa rin nila na ako si Kasidee, my god, hindi naman kasi ako nagpa-plastic surgery.
"Stop ruining everything, Jennica, baka mamaya dahil sa katalklesahan mo, pati mga investor ng kompanya ay mag-pull-out na ng shares nila." Natahimik ang buong conference room dahil sa sinabi ni Tita Jill. Nang tingnan ko si Jennica, marunong naman pala syang mahiya.
Tumayo ako para pormal na magpakilala sa kanya. Ibahin nyo ko sa isang 'to, may class ako at ginagamit ko ang pinag-aralan ko.
"My name is Kaydee Lim, one of the new stockholder, just so you know." Inabot nito ang kamay ko, pero ang isang 'to, mahigpit ang kapit sa akin at nakikipagtinginan pa ng masama, kaya dahil mas bitchesa ko sa kanya, mas hinigpitan ko ang hawak sa kanya dahilan para bumitiw na sya.
Matapos ang tagpong iyon ay bumalik ako sa inuupuan ko kaya itinuloy ni Jules ang sinasabi nya, nainform ako na dumarami na ang bilang ng malls, hotels at condominium ng kompanya. Nalaman ko rin na ang hilaw na si Jennica ay may hawak ng 5% sa kompanya.
Muli lang natigil ang meeting ng mag-excuse si Jennica dahil may kaylangan daw syang i-meet regarding sa kanyang modeling. Modeling kuno, ang sabihin nya, rumampa lang ang alam nya at masyadong mahina ang utak nya para sa ganitong klase ng usapan.
"Meeting adjourned." Nagsilabasan ang iba naming kasama ng sabihin ito ni Jules, pero nanatili kami dito ni Tita Jill, sya ay dahil mukhang iintayin nya si Jules at ako naman dahil balak ko ng bilhin ang 10% pang shares ng kompanya.
Matapos naming magkapirmahan ay ganap na akong may hawak ng dalawampung porsyento ng shares, mas malaki sa iba pang shareholders.
"Thank you for being part of our company." Sabi ni Tita Jill at saka ako kinamayan, malugod ko namang itong tinanggap.
"Ako po ang dapat magpasalamat dahil sa pagtanggap nyo sa akin dito." Pagpapasalamat ko rin.
Liningon ko si Jules at ng magkatinginan kami ay agad syang nag-abot ng kamay.
"Hindi ka nagkamali sa kompanyang 'to, Ms. Lim." Nilingon ko sya matapos nyang magsalita. Nakita ko ang mata nyang pilit na kinikilala ang bawat parte ng mukha ko. Malamang, makakita ka ba naman ng kamukha ng kilala mong matagal ng namatay, di ka pa mapapatanga?
"Sana nga." Malamig kong tugon sa kanya.
"You two, alam kong kaylangan nyo pang mag-usap tungkol sa kompanya pero kinakailangan nyo rin na kumain, mag-a-ala-una na." Sabi ni Tita Jill kaya naman napabitaw kami ni Jules ng hawak. Agad rin syang lumabas kaya naiwan kaming dalawa dito sa loob ng apat na sulok na kwartong ito.
"Ms. Lim, kung gusto mo ay mauna ka ng lumabas, may aayusin lang ako saglit sa office. We can talk after sa isang restaurant malapit dito." Sabi ni Jules.
"I'll wait for you outside. Saglit lang naman ung aayusin mo, right?" Sagot ko sa kanya.
"Sure. Ikaw ang bahala." Pagkasabi nya noon ay agad akong lumabas ng conference room. Oo wala na kong nararamdaman sa kanya pero parang hindi ko kayang tumagal sa iisang lugar na kami lang ang naroroon.
Pagbaba ko ng lobby ay naupo ako sa waiting area. Pagkaupo ko pa lang ay nakita ko na si Jennica.
"Ano pa'ng ginagawa mo dito?" Tanong ng impaktang si Jennica.
"Can't you see? I'm waiting." Sabi ko rito. Kung nagtatapang tapangan sya, well, mas matapang na ko sa kanya.
"Sinong inaantay mo?" Tanong nya ulit.
"What are you? A reporter? God! You're so loud! But to answer your question, I'm waiting for Jules." Malamig na sagot ko dito.
"Why?!" Napipikong tanong nya ulit.
"God! Tanong ka ng tanong! Kakain kami sa labas at may idi-discuss pa sya sakin tungkol sa kompanya." Naiiritang sagot ko ulit sa kanya. Nakita ko ang lagkairita sa mukha nya.
"You! Ugh!" Sabi nito at saka nag-walk-out.
Kasabay ng paglabas nya ang paglabas din ni Jules sa elevator. Agad naman itong bumaling sa akin ng tingin at naglakad papunta sa kinaroroonan ko.
"Let's go?"
BINABASA MO ANG
Her Greatest Return
General FictionHer Greatest Return Written by: TheDarkestBlue Highest Rank Achieved - #1 in General Fiction (May 31, 2017) Copyright © 2015 TheDarkestBlue, All Rights Reserved