Kainis lang, Bakit ko ba naisulat at naitype tong Tekstong to. -_____- Okay, dito ko ilalabas ang lahat ng lungkot na nararamdaman ko. Wahaha. :D
NAKAKAINIS! Ang hirap mainlove sa isang taong SIKAT. I know some of you can relate in this kind of topic. Many of us are..what do you call that? FANGIRL. Oo yun nga, Putragis! XD
Noong Una.
Nakita mo siya sa picture lang.
"Wow, Ang gwapo."
Kinabukasan, Hanggang tumagal ang araw. Nakalimutan mo na siya. Deadma nalang.
Pangalawa.
Nakita mo siya sa isang TV Show.
Tinutukan mo yung palabas na yun at nainlab sakanya habang nanunuod.
"Kyaaaah! Nakakakilig! How I wish, ako nalang sana yung girl!"
"Shet! Siomai na malagket, ang Hawt niyaa! Rawr!"
Pero pag natapos na yung palabas. Either, I-stalk mo siya sa INTERNET or deadma nalang ule.
INTERNET. Bagong paraan kung paano mag-stalk sa isang tao. Lalo na sa mga sikat.
Mula sa KPop News, aalamin mo yung mga favorites niya. Maging brand ng brief na suot-suot niya, nireresearch mo! HAHAHAHA! Seryoso, may kilala kong ganyan.
Tapos, pupunta kapa sa youtube panunoudin mo yung mga palabas nila pati MV ng kanta nila minsan pati yung mga Dare game na pinapagawa sakanila. Parang yung Running man? Shet, adun si Myungsoo (Asawako Char!) e. HAHAHAHA!
Minsan may time din na, nalulungkot ka nalang bigla kasi, may nalilink sakanyang babae. Tapos, mapapa-isip ka nalang.. "Ano bang laban ko sakanya?" Tapos pagnaka-move on.. Ayan na! NUMBER ONE SHIPPER NA NG FANSCLUB NUNG DALAWANG ARTISTA! HAHAHAHAHA!
Nakakainis. Kasi dati crush mo lang siya ngayon Hinde na.
Bakit? KASI NGAYON, MAHAL MO NA.
Obsess na. Lahat ng poster, kinokolekta.
Lahat ng Album niya, binibili.
Lahat ng tungkol sakanya, inaalam.
Pati mga Lyrics ng kanta niya at linya sa drama niya, kinakabisa.
Kahit nagkakanda-bulo bulol ka na. Tapos yung mga nakakarinig sayo na di alam ang lenggwaheng kinakanta mo, tinatawana kana.
Na-experience ko din kasi yan e. One time kumakanta ako sa classroom ng isa sa mga favorite kong kanta ng anime na pinapanuod ko. Grade 3 pa ako nito e.
Ako: (Kumakanta) Tae~ Tae~ Mii!
Kaklase: (Tumatawa) Ano? Tae tae you? Natatae ka? HAHAHA!
Diba? HAHAHA!
Yan ang buhay ng isang FanGirl.
Makita mo lang siya, Masaya kana.
Pag-gising sa umaga, makita ang picture niya sa screen ng cellphone at computer. Maka-halik, wagas na. Minsan may endearment kapa sakanya.
(Wag kayo mag-deny, alam ko ganto kayo. xD)
Laging Updated sa mga Guestings niya.
Kung minsan nga, ipinapakita pa yung picture niya mula sa cellphone tapos sasabihing..
"Gwapo ng boyfriend ko noh!"
Yung tangang makakakita naman na hindi alam na isang sikat na tao ang pinakilalang 'boyfriend.'
"OMYGOD! Shocks. ang gwapo nga niya. Ang swerte swerte mo naman Girl!"
Biglang dadating ang isang Fangirl din.
"Hah? Eh si Min Ho yan ng SHINee eh! Panong naging Boyfriend mo yan?"
Basag ang Melodrama. Naki-etching ang isang Fangirl. Binuko si kapwa Fangirl. Tapos na ang palabas.
ANG SAKIT. ANG HIRAP.
Seryoso,kasi kahit ang author neto, nasasaktan din. XD
Alam niyo ba yung feeling ng.. OMYGEE!
Langit siya, Lupa ka lang? You know, ang hirap mainlove sa isang sikat! I mean, SIKAT! Tulad ni Kim Myungsoo ng infinite, ni Min Ho ng SHINee, ni Baekhyun, ni Yonghwa ng CNBLUE. Kasi sa tuwing naiisip ko yunn. Natutulala nalang ako.
'May araw kaya na magkikita kami? Kyaah~'
Pero, Korea yun men! Philippines kalang! =((
'Pag nagkita kaya kami, alam niya pangalan ko? Alam niya kaya na number 1 fan niya ako? Na, lahat ng palabas niya tinututukan ko? Lahat ng poster niya binibili ko? Lahat ng picture niya, pinag-nanasaan ko?"
Syempre, hindi. Butterfly siya, Ipis ka lang. =/
Pero alam niyo yung masakit?
Yun yung nangangarap ka parin na magkakatuluyan kayo, which is malabo. Na, magkikita rin kayo, sa concert lang. Yung, You keep in dreaming things that will never happen. Yung kahit alam mo nang malabo yun. Go ka parin ng Go.
Cheer dito, Cheer diyan.
Siya kasi yung Inspiration mo eh. diba?
Sumasaya ka dahil sakanya. -____-
Pero, pagnalungkot ka dahil sakanya. Triple naman ang sakit kesa dun sa pagka-saya mo dahil sakanya.
Nakaka-inis bat ba kasi ako nainlove sa sikat? Ang lapit niya, pero ang hirap abutin. Badtrip!
Dati crush mo siya, ngayon mahal na. Ikaw, crush ba niya?
Sakit diba? Pero..
Go parin at sumusoporta kasi nga hindi dahil sa mahal o crush mo siya..
Kundi dahil, iniidolo mo sila. =)
PS. Pero okay na siguro yung kahit Makita mo ng live yung Abs? Mga ganun? HAHAHA!
================
Author's Note.
Kakapanuod ko ng To the Beautiful you, nainlove na ako kay Min Ho. Kaasar! Crsuh ko na din yung si Eun Gyeol? Yung bespren ni JC/Sul Li/Goo Jae Hee.
Kaya ayan, Todo emote ako. Haha. :"D
Wala lang to. Lols
BINABASA MO ANG
Fangirl...Are you?
HumorOkayy.. Hindi niyo po ito kailangang basahin, Pero kung gusto niyo, edi Go. HAHAHA! Ilang Pagdadrama ko lang naman toh, pasensya na. :D