Chapter 9

164 18 0
                                    

Daniel's POV

Hindi ko alam. Wala akong idea kung anu ba yung sinasabi ni kath na sasabihin daw nya.

Hindi naman okay sakin nung nawala sya eh.

Sinabi ko lang yun para macomfort si kath kasi naiyak sya habang yakap ako.

I have no idea talaga. Sana naman good news ang sasabihin nya.

Nung mga panahon na wala sya, hindi ko alam gagawin ko hindi ako mapakali eh.

Sa araw araw ng buhay ko, hindi kumpleto kapag wala si kath. Mahal na mahal ko yung babaeng yun eh.

Tinetext ko sya hindi naman nareply, tinatawagan ko hindi naman nasagot. Hay naku mabuti pa tatanungin ko nalang sya.

Inalalayan ko sya sa paglakad nya hanggang sa makaupo kami. Ang sarap ng feeling ng ganito parang asawa mo na ang nasa harap mo. Hayaan mo kath pagdating ng panahon magiging asawa din kita. *grin*

Ay anu ba Daniel kung anu anu iniisip mo! Tigil.

Walang nagsasalita sa aming dalawa kaya nauna na ako.

" Baby, ahhm.. Ano ba yung sasabihin mo sakin? Please tell me. I'll never get angry to you. "

Nakatungo lang sya. Hindi sya nagsasalita.

" Baby please tell me naman. Alam ko na nawala ka for 1 week pero tiniis ko yun kasi naniniwala akong babalik ka at hindi mo ako lolokohin diba?! Diba baby hindi mo naman talaga ako lolokohin? "

" Ah. Y-yunn... Yun ba. Ah eh, gusto ko lang sabihin na... na.. na anu.. na..--- "

" Baby sabihin mo sakin, na anu yun? Wag kang mahiya sige na baby "

" Kasi Daniel, hindi ko kaya mawala ka sa bu *sniff*.. Sa buhay ko eh. Baby please ipaglaban mo ako hanggat sa makakaya mo ha. I love you ver much baby *sniff* "

Nakayakap sakin si kath habang umiiyak. Naku ayaw na ayaw ko pa naman na may nakikitang umiiyak na babae. Lalo na si kath. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit nya sinasabi yun eh. Hindi pa naman ako mamamatay.

" Syempre baby, ipaglalaban kita kahit saan, kahit may dumaan pang elepante, poprotektahan kita, I love you too very much baby. Tahan na. Andito lang ako hindi kita papabayaan. Pero bakit mo ba sinasabi ang mga ganyang bagay. Kath walang makakapagpahiwalay satin. Hindi mo naman ako niloloko diba? "

Humiwalay sya sa yakap ko.

" Nagkakamali ka. Sige na. Aalis na ako. Magkita nalang ulit tayo bukas ha. Puntahan mo nalang ako sa bahay. "

Umalis na sya ng dali dali. Hahabulin ko sana pero hindi ko na naabutan. Pero ano daw?! Nagkakamali ako? Nagkakamali saan??! Nagkakamali na hindi nya ako niloloko?!

*****

Kathryn's POV

Umalis na ako at hindi ko hinayaang magpahabol pa kay Daniel.

Bakit hindi ko nasabi kay Daniel. Ang tanga tanga ko talaga. Ang tanga tanga mo! 

" Ang tanga tanga mo Kaaaaaatttttttthhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!! "

Hindi ko na napigilan na umiyak. 

TT__TT

Next day....

Umaga na naman at pasimulang araw na naman.

* ding dong *

True Love Hurts (Short Story; COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon