Chapter Two
Nyx's POV
Sumunod ako kay Aliyah pero maya maya lang kung sinu-sino na kausap nya. Hayaan ko muna sya. Masyado kasing palakaibigan yan e. E ako, anti-social. Joke lang. Sobrang mahiyain lang siguro? Naupo na lang ako sa isa sa mga upuan dun. Grabe, mag isa lang ako dito. Ang ingay ng paligid.
Bakit nga pala sa rooftop gaganapin? Sobrang open kaya. Mahirap yun. Nagmasid na lang ako sa kanila at uminom ulit.
"Hello."
Sa gulat ko, nagkandasamid-samid ako. Bigla na lang may nagsalita sa gilid ko. Ang alam ko wala akong katabi kanina e. Nilingon ko yung kung sinuman yun.
O_O
Tinitigan ko lang sya ng ilang minuto kaya kinawayan nya ako sa mukha kaya bumalik na yung utak at kaluluwa ko sa mundo. Alam mo yung bigla kang natameme? ako yun ngayon e.
"A-ah e. H-hello rin." Uminom ulit ako tapos tumingin kung saan saan. Nakita ko na naman sya. Yung lalaki kanina.
"Your name?" Nilingon ko ulit sya tapos tinitigan ulit. Tapos tumawa lang sya.
"Bakit ba ganyan reaction mo lagi? haha." bakit ba ako kinakausap nito?
"H-ha. Sorry. Ako si N—" may nagsalita na sa stage na alam ko kay Yuri na boses yun kaya napalingon kami pareho sa harap.
"Mag-istart na. So kung pwede, maupo na ang lahat." Nagkatinginan kami.
"Bye." Nginitian nya ako at tumayo na sya tapos pumunta sa ibang seat kung saan sa tingin ko nandun mga kaibigan nya. Hinanap ko si Liyah at sinenyasan ko sya na maupo sa tabi ko. Tumahimik lahat tsaka nagsalita ulit si Yuri.
"May binigay kami sa inyong number kanina, remember? yung number kung pang ilan kayo magpeperform. Hindi kakayanin ng isang araw kung lahat kayo magpeperform, DUH. So according to the owner of this company and to the manager, three days yung audition. At mag-istart na bukas yung 1st batch. I know naguguluhan kayo dahil maraming tao. Our main goal has changed. Oh wait, sorry, nadagdagan lang pala. Besides dun sa magiging member ng 6 strings, may bubuohing mga bagong grupo. Band, dance group or what. So ang total population nyo sa ngayon ay 369. Wag kayong masyadong kampante dahil hindi aabot ng 100 ang makakapasok." Tumingin si Yuri dun sa papel na hinahawakan nya kaya huminto muna sya saglit. Sa mukha nya, para syang mayabang na ewan. Siniko ko si Liyah at ng tumingin sya sa'kin, tinanong ko sya.
"Sa tingin mo ba.. makakapasa tayo?"
"Oo. Basta ibigay mo na lang yung best mo." nginitian nya ako at nagnod na lang ako.
Nagsalita ulit si Yuri at tahimik akong nakinig. Medyo umingay na kasi e. Siguro yung iba nagulat, yung iba maingay lang talaga.

BINABASA MO ANG
The Audition ★
Teen FictionAre you going to hold an audition to decide who will win your heart?