One Shot

753 26 19
                                    

May sikreto akong sasabihin sa'yo....

Napaupo bigla si Sarah ng marinig iyung kanta mula sa playlist nya.

Suot-suot ang headset, nakiknig sya ng mga favorite songs nya habang nakahiga sa kama sa loob ng hotel room nila ni Ms Garli, Ms Nadine at ni Ate Ana, ang PA niya.

Inaayos na ni Ana ang mga gamit nya para wala na silang aberya pa sa pagi-impake kinabukasan, bago ang flight nila pabalik ng Manila.

Kasalukuyan silang nasa Cebu, para sa pagsuporta kay Matteo sa IronMan, dahil narin sa pakiusap ng ina nito sa kaniya, mula nung birthday niya kamakailan lang.

Matagal narin naman na siya nakapangako sa boyfriend nya na manunuod siyang compnetition para i-cheer ito, kaya naman kahit na maraming siyang pagaalinlangan, gawa narin ng mga ganap nitong mga nakaraang buwan, ay buong puso parin niya pinagbigyan ang kasintahan. Para nalg hindi siya ma-ilang sa pamilya neto, isinama narin niya ang dalawa sa pinaka-ttusted na kaibigan niya, bukod sa kanyang PA.

"O, Pots, nakatunganga ka dyan?" Tanong ni Ana ng makita siyang nakaupo sa kama, suot ang headphones at nakatitig sa kawalan.

Ngayin ay aaminin ko na, na sana nga'y tayong dalawa....

"Uuyyy, Pots!" Napatigil sa pagtutupi ng damit si Ana at nagtataka habang tinatawag amg atensyon niya.

Hanggang ang puso mo'y napagod, sa kahihintay ng kay tagal....

"Sarapotpots! Anu ba!" Pumitik si Ana sa harap ng mukha ni Sarah.

Nagulat naman si Sarah at napatingin kay Ana habang ang mga mata niya ay mulagat na mulagat.

"Ate...." Biglang nanginig ang boses nya at tila ba may namumuong luha sa gilid ng mga mata niya. "Ang tanga-tanga ko po, ate...."

"Hala! Pots, anung nangyayari, sayo?" Nalikito si Ana at lumapit ng tuluyan para mahawakan sa magkabilang balikat si Sarah.

"Haaaaayyyy, sarap ng dinner!" Biglang pasok sa kuwarto nila Ms Garlic at Ms Nadine.

"Agree!" Sambit ni Ms Nadine. "Now we can rest and finally we'll be ba in Manila tomo---", pero di niya natapos ang kaniyang sinasabi ng biglang nakita nila ni Ms Garlic si Ana na akap-akap si Sarah habang si Sarah naman ay humahagulgol.

"Bebe Sars!" Bulyaw ni Ms Garlic at lumapit agad sa tabi ni Ana sa kama. "Anyare sayo?"

"Uy, ano yan?" Tanong naman ni Ms Nadine kay Ana. "Ba't nagkakaganyan yan?"

Napatingin nalang si Ana sa kanila habang umiiling-iling. "To kaseng si Pots, eh. Nakipagkalas na daw sya kay sir Bamboo kanina pala, after nung race ni Matt."

"Ano?!" Napasigaw si Ms Garlic. "Bhe, akala ko ba, may usapan kayo?"

Napaupo parehas sina Ms Garlic at Ms Nadin sa kama, kaharap sina Ana at Sarah.

"Mi-Ms Garlic, Ms Nadine", umiiyak parin si Sarah, "hindi ko na po kase kaya yung, yung ganito. Nahihirapan napo ko sa sitwasyon namen, eh."

"Pero Bhe", ipinatong ni Nadine ang kamay niya sa tuhod ng dalaga, "diba, maayos naman lagay nyo bago ka umalis? Kala namen ok na usapan nyo? Maayos ang lahat? Ano naging problema?"

"Ang totoo po nyan", suminghot si Sarah, "opo nakapagusap kame bago ang pagalis naten, alam po ni Coach na kailangan kong gawin to. Pero po ang totoong usapan namen ay hahayaan nya akong makapagisip para magdesisyon kung sino pipiliin ko...."

Bumagsak ang mga balikat nina Ms Garlic at Ms Nadine. "At pinili mo si Matteo?" Tanong nila.

"Hindi po, nakapagpaalam nadin ako sa kanya kanina bago po tayo bumalok dito sa hotel", sagot ni Sarah, "pero sa cellphone, nakipagkalas narin po ako kay Coach."

Muntik Na Kitang MinahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon