Nagising si Sandy sa lakas ng tunog ng radio ng kapitbahay. Dahil sa hindi na muling pagpikit ng kanyang mga mata, bumangon na siya at nagdesisyong maglakad-lakad sa labas ng bahay nila. Sa paglalakad niya, nakaabot siya sa playground na malapit sa bahay nila. Sinubukan niyang balikan ang kanyang pagkabata at nag-swing sa duyan hanggang sa maabot na niya ang mga dahon sa punong nagbibigay lilim sa duyan. Napangiti siya at sinabi sa sarili, "Ang saya maging bata ulit para walang problema at kalungkutan. Sana pala hindi na lang kami lumaki para walang nagbago sa 'min ni Tristan."
Natuwa si Sandy sa pagiging bata muli at sinubukan ang paborito niyang gawin habang nagsu-swing. Iyon ay ang tumalon mula sa pinakamataas na nararating ng swing na kinauupuan niya. Sa pagtalon niya, maayos siyang nakababa. Sa pagbaba niya, dalawang paa ang kanyang nakita sa harap niya. Agad siyang tumingala at agad din niyang namukhaan ang taong iyon.
Tumayo siya habang nawawala ang ngiti sa kanyang mukha. "Anong ginagawa mo dito?" Ang tanong ni Sandy sa taong pinakaayaw niyang Makita.
"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa'yo niyan? Sands, ang alam ko hindi ka lumalabas nang hindi nakaayos. Dati, tuwing naglalaro tayo gusto mo laging maayos ang itsura mo. Pinag-aantay mo pa ako tuwing lumalabas tayo."
"Pero matagal na 'yon Tristan. It's been what? A year? A year since I last have a real conversation with you. Bawal na bang magbago? And FYI, wala nang tumatawag sa'king Sands."
Tumango-tango na lang si Tristan at sinabing, "I guess you're right Cassandra." Ngumiti lang siya habang tinitingnan si Sandy na may halong pang-iinis. "You know what? Let's just forgive and forget all the things that we did and said to each other a year ago. Let's be friends again like nothing happened."
"I don't think I did anything to you and I don't think na kaya kitang patawarin. Let's just forget each other. Okay?" Umalis si Sandy at naglakad nang mabilis pauwi sa kanilang bahay. Hindi siya makapaniwalana nakita niya ang taong pinakakinaiinisan niya. At ang mabigat pa, nakita niya iyon sa dati nilang tambayan.
Pagkarating niya ng bahay nila, may nakaparadang kotse sa harapan. Itim ang kotse at mukhang bagong-bago. Bumaba ang driver ng kotse at agad nilapitan ni Sandy.
"Bryan, is that you?"
Ngumiti lang ang lalaki at tinanggal ang suot na shades.
"Ikaw nga!" Mahigpit niyang niyakap si Bryan, ang taong pinakamalapit sa puso niya ngayon.
"Ang higpit ng yakap mo. Ibig bang sabihin niyan namiss mo ko? Ibig sabihin rin ba niyan, masasagot mo na ako ng yes?"
Inalis ni Sandy ang pagkakayakap niya kay Bryan at sinabing, "You know Bryan, you're still the same as before. Super persistent." Ngumiti lang siya habang tinitingnan si Bryan.
"Siyempre naman. Kailangan kong maging persistent sa'yo. Baka kasi maagaw ka ng iba."
Agad nag-change the topic si Sandy. "So, what are you doing here?"
"I finally convinced my parents to continue my studies here with you."
"So, that means you're staying?"
"Ayaw mo? Sige, I'll get the first flight back to the States mamaya."
"Of course not. I really missed you, Bryan."
Matanda ng isang taon si Bryan kay Sandy at barkada nito ang kuya niya. Matagal-tagal na rin itong nanliligaw kay Sandy hanggang sa pumunta si Bryan sa States para mag-aral. Isang taon na rin ang nakalilipas mula nang umalis ito. At ngayon, gusto niyang ipagpatuloy ang panliligaw. Sa pagkakataong iyon, alam niyang malaki ang pag-asa niya kay Sandy. Nararamdaman niyang may feelings na rin si Sandy sa kanya. Pero ang ikinatatakot niya ay ang tungkol sa nakaraan ni Sandy at ni Tristan. Hindi niya alam kung may nararamdman pa si Sandy para kay Tristan, ang dakilang best friend ni Sandy na umiwan sa kanya sa ere. Naaalala pa niya kung paano niya kinomfort si Sandy noon at kung paano siya nasaktan noong nalaman niya na kailangan niyang umalis para mag-aral sa ibang bansa. Ayaw man niyang iwan ang minamahal, kailangan niya iyong gawin dahil kagustuhan ng mga magulang niya. Ngayon, haharapin niya lahat ng nararamdaman niya at handa siyang masaktan kung hindi man siya ang piliin ni Sandy.
BINABASA MO ANG
Intertwined
Short StoryYou will never know when you will fall in love. You will never know whom to love until that person comes a long. You will never know right away if that person is the one. But just seeing how both of your hands perfectly intertwine, you will know tha...