Live or Leave

49 3 0
                                    

Live or Leave

Naramdaman mo na ba yung feeling na gustong-gusto mo nang bumilis yung oras? Tapos pagbumilis naman parang gusto mo naman patigilin? Hahaha, kasi ako oo. Hindi ko na tanda kung kailan nagsimula na parang halos araw-araw hinihiling kong sana bumilis ang oras. Bumaba ang araw at matapos ang gabi...

I'm the high school girl whose life is not fun as others have. I chose that. Pinili kong hindi makipagkaibigan, pinili kong gumawa ng mataas na dingding sa pagitan sakin at ng mga tao. Pinili kong isara ang pinto. Pinili kong ipinta ang itim sa puting papel kaysa bigyan ito ng kulay...

Umupo ako isang mahabang kahoy na upuan at tumingin sa altar. Pumikit ako, sana po bumilis na ang oras...

Pagbukas ng mga mata ko ay nagulat ako ng may nakatingin at nakangiti na lalaki sa harap ko, "Hello."

"Bye." tumayo ako at hindi pinansin ang lalaking yun. Sigurado ako isa lang yan sa mga kabataan na pumupunta sa simbahan makasipat lang ng sexy o gwapo.

"Grabe naman to, snob."

Napairap ako ng nagsalita sya sa gilid ko. Malapit na ko sa labas ng church pero nakasunod parin sya. Daldal ng daldal tungkol sa snob daw ako, hindi ko daw sya pinapansin, pansinin ko daw sya—kairita.

"Miss naman! Alam mo bang 25 times na kitang nakikita sa buong araw na to?" para tumigil na sya ay humarap ako sakanya at kinausap sya, "Kanina hindi ko alam pero ngayon alam ko na. Thank you sa information, because I honestly don't know that. Because I don't care." I did say na kakausapin ko sya. Pero hindi ko sinabing makikipagBFF ako sakanya.

"Yun na nga eh. Wala kang pakialam sa paligid mo, naeenjoy mo ba ang buhay mo?"

Napairap ako sa taong to. Anong karapatan nyang pakialaman ang buhay ko? "Ano bang paki mo sa buhay ko? Kung enjoy na enjoy ka sa buhay mo, sarilinin mo nalang dahil walang may pake."

"Why are you shutting people down?"

Natigilan ako, "Wala ka na dun."

"Bakit nga?"

"Ano bang pakialam mo?!" Nanlaki ang mga mata nya at tumungo, "Sorry sa abala." tumalikod sya at pumasok ulit sa simbahan.

Pinanood ko lang syang maglakad papalayo. Bakit bigla akong naguilty? Kasi sya lang yung nagiisang taong nakapansin sakin inaway ko pa? Hindi naman siguro...

Naguguilty lang siguro ako kasi nasigawan ko sya...

Sumakay ako ng jeep papunta sa UPLB at dumeresto sa isang gilid ng malawak na field na yun at naglagay ng mauupuan... I like crowded areas, they fill me head with noises. Let's say children and parents' laugh are my escape... Sila yung pinapakinggan ko, pagmusic kasi nakakaemo.

At least pag ingay ng masasayang tao, kahit papano natutuwa ka narin. Nalilift ang spirit ko... But somehow, for the first time it actually did not work. Lutang kasi ang utak ko at pinapaulit-ulit yung pagsigaw ko dun sa lalaking yun. I feel so guilty. Sa mga nababasa ko kasi sa ganyan nagsisimula ang mga love story...

I'm turning down every opportunity of love. Of even a simple friendship.

Ang boring tuloy ng buhay ko. Kasalanan ko rin naman kasi ngayon tuloy naguguilty ako... Baka naman kasi makikipagkaibigan lang yung tao. Ang sama agad ng ugali ko at nagconclude agad.

Sige, since sabi nya naman lagi kaming nagkikita, pagnakita ulit naming ang isa't isa papakabait na ko.

Dahil sa paglutang ng utak ko ay di ko napansin ang bola na lumapad diretso sa muka ko. Hindi lang yun. Sa sobrang lakas nito ay nauntog din ang ulo ko sa katawan ng puno sa likod ko. Nice, sure akong hindi bola ang hiniling kong sign na magpapakabait na ako. Leche.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Live And StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon