Ang Ama ay binago ng Ama

118 1 2
                                    

                 Marami sa mga ama ang may bisyo. Ang karaniwang bisyo na lumalaganap ay ang alak, sugal at sigarilyo. Pero ang tanging kinahihiligan ng ama na bisyo ay ang pag - iinom at sigarilyo. Ang ama ay nagngangalang "Jerry". Isang trycycle driver. masipag naman siyang bumiyahe, pero kapag naharang na ng barkada niya na uminom. Siguradong putol ang pagbibiyahe, walang kita. Ang asawa niya ay nagngangalang "Emelda". Sa bahay lamang ito. Karaniwang eksena, kapag umuwi ng lasing ang asawa siguradong gulpi si nanay. Dahil na naman sa selos. Meron silang tatlong anak. Ganito ang palaging nangyayari tuwing kakapanganak pa lamang ng asawa. Bugbog dito, bugbog doon. Halos kumapal na ang mga mata dahil sa pasa. Matagal na sana silang naghiwalay kung hindi lang naawa ang asawa. Dumaan pa ang mga araw. Naging lima na ang mga anak nila. Ganun parin ang eksena. Away dito, away doon. Halos parang gusto naring makisali ng panganay, pero nagtimpi na lamang ito at hinayaan na lamang ang mga magulang.                                                                                                       

                     Isang araw, may dumalaw sa kanilang mga tagapagpahayag ng salita ng Diyos. Ang ina ang humarap sa mga tagapagpahayag. Sinilip ng panganay. Nahihiyang lumabas. Paulit - ulit na nangyari na kada - linggo ay may nagpapahayag sa bahay nila. Dumating ang araw na kailangan na nilang lumipat, dahil baon na sila sa utang sa inuupahang bahay. At nakalipat na nga sila. Malapit sa nilipatan nila ang simbahan kung saan nagsisimba 'yong mga nagpapahayag ng sa kanila. Mahilig sa instrumentong pantugtog ang panganay. At may karanasan narin siya sa pagpalo ng drumset. Kaya sinubukan niyang makipagsalamuha sa mga tao doon.                                                                          

                 Isang taong lumipas. Lilipat na naman sila, dahil puro utang na naman ang inupahan nilang bahay. Palaging lasing ang tatay. Mas binibigyan pa ng ama ang bisyo kaysa pamilya. Bago palang ang panganay sa simbahan pero hiniling na niya sa Diyos na makasama ang buong pamilya sa simbahan. Isang linggo ang dumating, kaarawan ng pangatlong kapatid ng panganay. Wala pang tao sa simbahan ng dumating siya. Nag-umpisa na sila sa unang gawain. Ang "Sunday School". Dumarami na ang tao. At natapos na ang Sunday School. Uumpisahan na ang ikalawang gawain. Ang "Praise and Worship" . Habang naghahanda ang ilan. Maya-maya pa ay dumating na ang ina ng panganay. Sumunod ang kaniyang tiyahin at pamangkin. Pumasok narin ang kaniyang kapatid at hindi ang hindi niya inaakalang dadalo. Ang tatay niya. Drummer ang panganay sa "Praise and Worship Service". Naiyak ang panganay, dahil natupad narin ang matagal na niyang hinihiling sa Diyos.                                                                                                                                                

                   Simula noon ay bihira nalang maharang ang ama ng mga barkada nito. At ang pamilya ay palagi ng masaya. Ang tahanan ay naging ,maliwanag na. Born Again ang relihiyon ng pamilya. Kaya alam nila ang tama. Ang panganay ay 4th year high school. At ang panganay ay nagngangalang "Jeremy John A. Amarille" na humingi ng tulong sa Diyos Ama upang magbago ang kniyang ama.                                                                                                                                                               

                                                                          KATAPUSAN... 

 Based on the True Story

Normal Family Problem...

And the true Works from God...

I Hope You Like IT!!!

Story of all living thingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon