Matagal nang naririnig mula sa mga kaibigan at ibang tao ni Jasper na isang "manlalaro" ang taong nagugustuhan niya.
Challenge para kay Jasper ang mapatino ang mga ganung klaseng tao. Wala siyang pagsubok na sinusukuan. Love life pa kaya.
Nang magbigay ng sign ang langit na posibleng may forever sila ng taong yun, todo effort na si Jasper na magkalapit pa sila ng husto ng taong yun.
No sex without commitment, isang rules na sinuway ni Jasper sa kanyang sarili. Baka naman kasi mauwi sa totohanang relasyon ang sex with benefits na kalakaran sa mga pamhinta at bakla.
Kahit hindi kayo, pero nagseselos ka, karapatang wala naman dapat, isang prinsipyo na inalis na ni Jasper sa isip niya. Basta masaya siya na kasama ang taong yun.
Minsan, naitanong ni Jasper sa taong yun kung ano ba talaga sila, sumagot ng "Hindi pa ba tayo? We care, we like each other at we had sex na!". Parang nakulangan doon si Jasper. Nang minsan pang magsabi siya ng "I love you!", sumagot ito ng "Your so sweet!". Sa loob ni Jasper, baka yun ang ibang version ng "I love you too!" nito.
Nahuli man ng ilang beses ni Jasper na may ka meet, ka chat sa social media, ka text at kausap sa phone ng palihim ang taong yun, nagpapatay malisya nalang siya.
Kung may this generations movie queen at si Bea Alonzo yun, generations martir queen naman ang peg ni Jasper.
Yung siya lang ang hahalik sa pisnge, yayakap ng mahigpit, mag aalala kapag may problema ito o mag aasikaso kapag sobrang lasing kasama ang iba.
Oo. Inaamin niya sa sarili. Nasasaktan siya sa mga nararamdam na paghihinala sa partner. Sinusuportahan pa ito ng mga kuwento at sumbong ng mga taong nakakakita dito na may ibang ka date o kasama na nag check in sa mga hotels.
Yung mga rules niya sa pagkakaroon ng partner, nabalewala na niya dahil umibig siya ng totoo sa taong hindi naman sinuklian ang lahat ng binigay niya.
Gusto ni Jasper maniwala sa forever, gaya sa mga palabas sa tv at pelikula na sa ending ay magiging maayos ang lahat.
Pero mas malabo pa sa malabo yata ang lahat. Hindi naman niya magawang kumprontahin ang taong yun dahil baka lalo lang siyang masaktan sa isasagot nito.
Yung paniniwala ni Jasper na totoong may happy ending sa lahat, at walang forever sa ugali at gawi ng taong mahal niya, na magiging seryoso at tapat din ito sa kanya sa huli. Kapag naramdaman nito na nandyan siya at kailangan siya nito, magbabago ang lahat.
Yung lahat ng pagtitiis at pagluha, baka masuklian din ng ngiti at kaligayahan.
--end--
Please add, follow and vote.
Salamat ka-bromansahan.