Epilogue

46 3 2
                                    

Tatlong araw ang nakalipas, may reklamong tinanggap ang building administrator ng gusali, ayon sa mga tenants ng ika labing pitong palapag ay tila may masangsang na amoy na kumakalat sa buong palapag. Inihalintulad ito sa isang nabubulok na daga.

Nag imbestiga ang building security, at natukoy na sa unit ni Enrico nangga galing ang masamang amoy. Kinakatok nila ito ngunit walang sumasagot, kahit sa tawag sa telepono ay wala ding sumasagot. Napilitan na silang wasakin na ang pinto upang mapasok ang unit.

Laking pagka mangha nila sa nakita sa loob ng unit, napaka gulo ng mga gamit na para bang dinaanan ng matinding buhawi. Ang sahig ay puno ng bakas ng maputik na sapatos, ang mga dingding ay puno ng kalmot ng matalas na kuko.

"Sir Enrico? Tao po?" Pasintabi ng guard pag pasok nila.

Mas lalong lumakas ang masamang amoy, tinunton nila ang pinangga galingan nito, hanggang sa umabot sila sa banyo. Nagimbal sila sa nakita sa loob, nasuka sila sa kalunos lunos at inu uod na bangkay ni Enrico. Nakahandusay ito sa sahig ng banyo, basag ang ulo na parang dinaanan ng isang mabigat na bagay, wala ang utak, naliligo sa pinaghalong langis ng sasakyan at sariling dugo. Hawak pa din nito sa kaliwang kamay ang baseball bat, at sa kanan ay tangan niya ang isang brown bag na may lamang --- SISIG!


                                                                                WAKAS

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SisigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon